Mabilis ang hakbang ni Blyther paalis ng The Eaters. Hinihingal na si Zandreaj ng abutan nya ito na binubuksan ang pinto ng kotse nito para sumakay. Hinila nya sa braso ang boyfriend para makuha ang atensyon nito na agad nitong winasiwas.
"Get off me!" Sigaw nito sa kanya. Napatigil si Demi na humabol din pero malayo pa sa kanila.
Umikot si Zandreaj sa unahan ng sasakyan at sinabayan sa pagpasok ng kotse si Blyther. Sabay lumagabag ang magkabilang pintuan ng sasakyan na parehong hinila ng malakas ng dalawa.
Muling lumabas si Blyther at binalibag ulit ang pinto. Sinipa nito ang gulong ng sasakyan ng lumabas din si Zandreaj at binalibag din ang pinto.
Pikong-pikon na si Zandreaj sa boyfriend. Kung nagagalit ito ay mas nagagalit na sya sa inaasta nito.
iniwan nya ang lalaki at pumunta sa kanyang Nmax. Pinaandar nya ito at mabilis na umalis na hindi nagsuot ng jacket at helmet. Parang hangin na sumibad ang motor ni Zandreaj sa highway.
Si Blyther ay namutla ng makita kung gaano kabilis ang takbo ng babae. Biglang naalala nung unang araw na inabutan nya ito sa parking area ng DonHigh na tigmak ng luha at nagdadrive na parang wala sa sarili.
Tuloy sa mabilis na pagpapatakbo si Zandreaj na walang patutunguhan. Blanko ang isip nito. Isang malakas na busina ng truck ang gumising sa kanya. Gumewang ang Nmax ni Zandreaj ng magulat at magpreno sya ng bahagya.
Pero sa sobrang kabig nya para mapunta sa tabi ay nawala na sya sa kalsada at dumiretso ang kanyang motor sa malawak na damuhan. Ilang dipa mula sa kalsada bago tuluyang tumigil ang motor pero tumalsik si Zandreaj sa makapal at mataas na mga kugon dahil sabay nyang ginamit ang dalawang hand break ng sagad sa pagpapanic.
"Miiiiiiinnnnne!!!" Narinig nya ang malakas na sigaw ni Blyther kasabay ang malakas na pagsara ng pinto ng kotse nito.
Napaunat si Zandreaj sa sakit ng bumagsak ang katawan nya sa damuhan patagilid isang dipa mula sa motor nya na natumba. Pero nagmamadali syang bumangon ng makitang palapit si Blyther at muling itinayo ang kanyang motor pero hindi nya kaya.
Niyakap sya ni Blyther paglapit nito sa kanya pero buong lakas nyang tinulak ang lalaki.
"Don't touch me!" Nanggigil sa galit na sigaw dito ni Zandreaj at muling sinubukang itayo ang kanyang motor.
Dumating si Demi at si Dolf at tinulungan siyang itayo ang kanyang Nmax. Saka palang naramdaman ni Zandreaj na masakit ang braso nya na unang bumagsak at maraming mahapdi sa kanyang katawan.
Muli syang hinawakan ni Blyther at pilit inaaninag sa dilim ang posibleng sugat o bali nya. Tinabig nya ito at sumakay ulit sa kanyang Nmax pero binuhat sya nito at ibinilin kina Demi ang kanyang motor.
Nagpapapalag si Zandreaj at pinagsususuntok nya ang likod ng lalaki habang buhat sya nito papuntang kotse. Isinakay sya sa tabi ng driver's seat at sinuotan ng seatbelt bago tumatakbong umikot sa unahan at sumakay. Agad nitong nahawakan si Zandreaj na tinatanggal ang seatbelt para lumabas ng kotse.
"Mine please." Pakiusap ni Blyther sa kanya.
"Don't call me that!" Bulyaw nya dito na nanginginig ang pisngi at baba sa galit sa boyfriend. Sa dami ng arte nito ay mamamatay pa sya. Mawawalan pa ng ina si Zanther.
Kinilabutan si Zandreaj ng maisip ang anak at ang disgrasyang nangyari sa kanya. Paano kung hindi lang yun ang nangyari?
Napansin nya na pumasok sa compound ng kanyang apartment ang kotse. Pagtigil ay agad syang bumaba at pumasok ng bahay saka nilock ang pinto.
Kumakatok si Blyther pero tumuloy sya ng kwarto at isinara ang pintuan. Dumapa sya sa kama at tinakpan ng unan ang kanyang ulo hanggang magkabilang taynga. Ayaw nyang icheck ang sarili sa salamin dahil alam nyang marami syang bangas sa mukha, braso, binti at mga hita sa hapdi na nararamdaman nya sa kanyang balat.
BINABASA MO ANG
PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)
RomanceAfter their SHS graduation, Vyrr Blyther was offered full scholarship as varsity player at the university Dreigh is attending in USA. For four years, he battled against homesickness and longingness for Zandreaj just to fulfill his childhood dream. A...