Chapter 13

41 3 0
                                    

Pagkatapos ng championship game ni Blyther ay bumuhos ang maraming offer dito. Pero hindi ito pumili ng iba kundi ang team kung saan ay kinabibilangan ni Dreigh.

Tapos na sa katapusan nitong buwan ang second academic year nila ni Zandreaj at magbabakasyon na. Wala nang masyadong training ang university team ni Blyther pero nagsisimula na syang magtraining sa bagong commercial team na kinabibilangan nya.

Sa kabila ng halos wala nyang pahingang isang buong taon ay confident sya na napanatili nya ang kanyang all A's na grades. Kailangan nya ito para sa kanyang pangalawang pangarap.

Isang linggo matapos ang pagsasara ng klase ay umuwi si Zandreaj  sa probinsya ng kanyang lola para doon magbakasyon. Gusto nya doong magstay dahil feeling nya Blyther is just around sa lugar na yun. Two days pagkarating nya ay nagyaya na ang mga friends para magliwaliw. Agad syang pumayag dahil kailangan nya ring mag-aliw. Simula ng maging busy si Blyther sa commercial team nito ay nalimit na ang VC nila. Minsan ay isang beses nalang sa gabi.

Excited na magpangita kita ulit ang magkakaibigan. After 2 years ay ngayon lang nakabalik si Zandreaj dito sa probinsya.

Sinundo sya ni Randev ng Raptor nito sa bahay ng lola nya dahil ayaw syang payagan ng matanda na magdrive ng kanyang Nmax na matagal na natengga lang sa garahe. Tuwang nagyakap ang magkaibigan pagbaba ni Randev ng sasakyan. Habang daan ay hindi matapos-tapos ang kwentuhan nila. Proud na proud din ito sa achievement ni Blyther.

after 2 hours ng tuloy-tuloy na biahe pababa at paakyat ng bundok ay dumating sila sa isang private resort na may 3storey beach house. Malayo sa kabayanan ang lugar at mukhang kadulu-duluhan na ng kalsada ang resort na ito. Nagsosolo ang resort at walang katabing kahit anong bahayan. Napapalibutan ito ng maraming puno ng niyog at malawak na carabao grass na well maintained. Secluded ang lugar dahil nababakuran ng pader ang kabuuan ng  nasasakupang lote hanggang sa tabing dagat na pinkish pebbles ang nakalatag sahalip na puting buhangin.

Nandun na ang lahat pagdating nina Zandreaj. Hindi magkamayaw sa pagyayakapan ang magkakaibigan ng magpangita silang muli makalipas ang dalawang taon. Naging reunion ang kanilang gala.

Pero hindi gaya ng dati na kasama nila si Dreigh, wala ngayon ang pinsan ni Zandreaj. May importanteng nilalakad daw ito na may kinalaman sa negosyong tinatayo nito dito sa probinsya para sa plano nito na magsettle down na dito sa Pilipinas after ng wedding nila ni Xienlee.

Hindi maubos-ubos ang kwentuhan nilang lahat na wala nang nakaisip na maligo o gumawa ng ibang mapagkakaabalahan. Kumain na lamang sila ng mga ready cooked food na dala nila para sa hapunan.

bandang alas siete ay nag-iinuman na ang lahat habang tuloy sa kwentuhan kaya umakyat sa kwarto si Zandreaj na nasa 3rd floor. Doon sya dinala ni Xienlee kanina para doon iwanan ang gamit nya. Chineck nya kung may message si Blyther pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisend ang chat nya kanina telling him na nandito na sya sa resort. Walang signal sa lugar dahil sobrang layo na nga nito sa kabayanan.

Pumasok sya sa banyo para maligo. Malagkit ang pakiramdam nya dahil siguro sa hangin mula sa dagat. Paglabas nya ay madilim sa kwarto na pinagtataka nya dahil bukas ang ilaw bago sya pumasok sa banyo. Naglakad sya papunta sa switch sa tabi ng pinto ng may yumakap sa baywang nya.

Hindi na nagawang tumili ni Zandreaj dahil naisara na ng mga labi ni Blyther ang kanyang mga labi. Nakamulagat sa sobrang pagkagulat ang babae. Dali-dali itong bumitaw at tumakbo sa switch to make sure na ang boyfriend nga ang yumakap at humalik sa kanya.

Vyyyyyb!!! Sigaw ni Zandreaj. Napaiyak ng malakas ang babae nang makitang si Blyther nga ang nakatayo sa harapan nya. Tumakbo sya sa nakabukang mga kamay nito at nagpayakap ng mahigpit dito then she pulled the collar of his denim jacket and they kissed passionately. Walang gustong bumitaw sa kanila. Matapos ang mahabang halik ay hinaplos haplos ni Zandreaj ang mga pisngi ng boyfriend to check kung totoo nga bang nasa harap nya ito. Paano? Nagtatakang tanong nito sa sarili.

PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon