Chapter 23

47 3 0
                                    

Pagkatapos magenrol for online classes ay sinamahan si Zandreaj ng ama sa OB-Gyne for prenatal check up. Magtatatlong buwan na ang fetus sa tiyan nya. Napaluha ang dalaga ng makita sa monitor ang buhay na mahinang tumitibok-tibok.

Kinabukasan ay hinatid si Zandreaj ng ama sa probinsya ng lola nito.

Pagpasok palang sa gate ay mataman na syang tiningnan ng kanyang lola. Dumating sila ng walang pasabi at madaming dalang maleta ang apo kaya nagdududang tinanong nito si Zandreaj pagpasok nila ng sala.

"Are you pregnant Zameeraj?" Seryosong tanong nito at matiim ang pagkakatingin sa kanya.

Bahagyang kinabahan si Zandreaj na napatingin sa ama.

"Yes mama, magkakaapo ka na sa tuhod." Nakangiting sabi ni John sa casual na tono.

Biglang nagbago ang expression ng lola ni Zandreaj at tuwang-tuwang niyakap ang apo.

"Ay salamat sa Diyos at makakakita pa ako ng apo ko sa tuhod bago ako mawala sa mundong ito. Mabuti at dito mo naisip pumunta Zz, aalagaan kitang maigi." Kitang-kita ang pananabik ng matanda na mag-isa na sa bahay at tanging ang kasambahay nalang ang kasama. 10 years na itong byuda.

Nakahinga ng maluwag si Zandreaj.

"Why are you not mad of me lola?" Nagtatakang tanong nito sa matanda. Sa lahat ng mahal nya sa buhay ay ang reaksyon ng lola nya ang kanyang pinangangambahan.

"And what will happen if I get mad? Mababalik pa ba sa dati ang sitwasyon? Things in this life is complicated Zz, but we have the choice on how we deal with them. Negative situations don't always need negative reactions. But in every choices we make, always choose good vibes than bad vibes. It will keep your body and mind healthy." Mahabang litanya ng matanda.

Yumakap si Zandreaj sa lola nya. She is just so blessed with the family she has.

Hindi madaling itago kay Blyther ang kanyang sitwasyon. Kinakain sya ng guilt sa bawat pagsisinungaling nya sa boyfriend. Lahat ng bagay tungkol sa kanya ngayon ay pawang kasinungalingan.

Una ay ang paglilihim nya ng kanyang pagbubuntis. Pangalawa ay ang pagstay nya sa bahay ng lola nya, ang alam ni Blyther ay pumapasok sya sa Cavite ngayon. Kapag minsang nagbiVC sila ay sinisiguro nyang wall lang ang background na makikita nito. Sinisiguro nya na nasa kwarto sya at wala sa pool garden o sa kusina na tangi nyang tambayan.

Nang minsang nagVC ang boyfriend not on his routine ay nasa garden pool sya kaya hindi nya inaccept. Sinabi na lamang nya na nasa cr sya after an hour.

Blessing in disguise na mas busy na ang boyfriend ngayon na dalawa na ang trainings na inaattendan nito. Sa university at sa commercial team. Plus ang daily classes pa. Tulog lang ang pahinga nito sa gabi kaya hindi na nya inaabala pa. Nakabuti naman dahil hindi nya kailangang magsinungaling dito sa maraming pagkakataon.

Si Zandreaj ay inaabala ang sarili sa kanyang online classes na tuwing hapon lang naman. Inuubos nya ang oras sa pagbabasa tungkol sa pregnancy and delivery saka proper care of infants. Nag-aaral din syang magbake at magluto ng iba't- ibang menu para sa kanyang basic exercises nang hindi sya laging nakaupo.

Pero mas busy ang babae sa pagdocument ng kanyang pregnancy araw-araw. Mula sa positive test kit nya hanggang sa kaliit-liitang changes ng kanyang katawan and improvement ng baby nya sa tyan ay documented sa isang malaking baby journey album na binili nya sa Cavite bago sila umuwi dito sa probinsya. Lahat ng ginagastos nya sa kanyang pagbubuntis ay kinukuha nya sa debit card na binigay sa kanya ni Blyther bago ito umalis paAmerica. Buwan buwan ay may pumapasok na 50k doon.

Every month ay umuuwi si John para samahan ang anak sa monthly check up nito. Naghanap sila ng private maternity clinic na hindi matao at located not on public establishment. Nakahanap naman sila at maswerteng asawa ng dating katrabaho ni John ang OB-Gyne. Maaga lagi si Zandreaj at unang patient kaya nakaalis na sya ng clinic bago pa man may ibang dumating.

7 months na ang pinagbubuntis ni Zandreaj ng magpa gender ultrasound sya. Puedi na din sana nung earlier months pero mas gusto nya yung malinaw na malinaw na. Tuwang tuwa si John ng makitang lalaki ang kanyang apo.

The next month paguwi ni John ay kasama na ang mommy ni Zandreaj na mas excited pa kesa sa kanya sa kanyang panganganak. Kahon-kahon ang dala ng mga ito na gamit ng baby boy. Mula sa bulak at alcohol hanggang sa rocker at crib ay kumpleto na.

Inihatid lang ni John sa Cavite ang asawa after a week at bumalik din agad ng probinsya para antabayanan ang panganganak ni Zandreaj.

Excited ang lahat when the big day came. Kahit handang-handa ay nataranta pa din si John ng magsimulang maglabor si Zandreaj ng madaling araw. Nahirapan ng ilang oras ang babae sa pagaattempt ng normal delivery dahil maliit ang sipit-sipitan nito kaya the doctor decided to do CS. Before lunch, 11:34 am, Vyrr Zanther Valentine S. del Sol was born on the 14th of February.

It was Blyther who named his son, unaware. Zandreaj's due was 18 of February but based on her readings karamihan sa nanganganay ay advance ng two weeks nanganganak. She assumed the possibility na manganganak sya sa araw ng mga puso. She told Blyther na if ever nabuntis nga sya ay malamang manganak sya ng February, kung 14 sya manganak, anong ipapangalan ni Blyther if baby girl or baby boy? He answered, Psyche Vyrraj Zandreaj pag girl at Vyrr Blyther Valentine pag boy. Pareho namang approved sa kanya at gustong-gusto nya ang mga pangalang binigay ng boyfriend.

Nakukunsensya si Zandreaj nang makita ang saya sa mukha ng ama't ina maging ng kanyang lola habang nilalaro ng mga ito ang apo sa higaan nito. Kakauwi lang nila galing hospital. Naipagdamot nya sa boyfriend na maranasan ang ganitong pakiramdam. Pinahid ni Zandreaj ang mga luhang pumatak sa kanyang mga pisngi. Pag-uwi ni Blyther ay ibibigay nya dito ang lahat ng pagkakataon para mabawi ang mga panahong wala ito sa tabi ng anak.

Sa maayos na pag-alalay ng kanyang lola at ni John, lumalaking malusog at bibo si Zanther. Maging si Zandreaj ay mabilis ang naging recovery sa pagkakaCS.

Si Blyther ay higit pang naging busy dahil nagpapracticum na ito ngayon. Hanga si Zandreaj sa determination ng boyfriend na maachieve ang mga goals nito dahil matindi din talaga ang disiplinang ginagawa nito sa sarili para walang sumablay sa kanyang mga responsibilidad.

Kahit hirap na hirap sa paghati ng kanyang oras ay nagpupumilit ito na wag mapabayaan ang kanyang grades at makagraduate with high honors dahil naniniwala itong mas madali syang magiging principal ng DonHigh kung with latin honors ang kanyang credentials.














PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon