Malakas ang kabog ng dibdib ni Zandreaj habang nagbobrowse sa cellphone nya. Ngayon ang release ng result ng licensure examination nya at kinakabahan siya talaga. Hindi sya pueding bumagsak, hindi nya kakayanin ang isa pang pagsubok sa sitwasyon nya ngayon.
Pigil ang hininga nya habang iniscroll ang mga apilyedo beginning letter S. And there she is! Sta. Maria, Zandreaj Zameeraj R. 97 (Top4). Napamulagat pa ang babae ng mabasa ang enclosed information. Natakpan ng dalaga ang nakangangang bibig sa matinding pagkagulat. For real?! Top 4 sya?! Chineck nya ulit. Tama naman. Napatili ng matinis ang babae at agad nagvc kay Blyther pero agad nya ring kinancel ng maalala na ayaw syang kausapin ng boyfriend.
Malungkot na ibinaba ni Zandreaj ang kanyang cellphone at napahugot ng malalim na buntong-hininga. Gustong-gusto nyang ishare sa boyfriend ang sobrang sayang nararamdaman nya, gaya ng kung paano itong magshare sa kanya ng mga happiness nito. Pinigil ni Zandreaj ang pagpatak ng mga luha nya. Masyado na syang iyakin.
Lagi syang nakaabang sa kanyang cellphone, naghihintay ng congratulations kay Blyther pero wala syang nareceive mula dito. Lumuluha ang puso ni Zandreaj.
Isang linggo na kay Blyther ang kanilang anak. Isang linggo na hindi niya nayayakap, nahahagkan at naaalagaan ang anghel na sa loob ng tatlong taon ay kasama nya mula ng ipagbuntis nya ito.
Pagdating ng kanyang mommy at daddy ay agad hinanap ng mga ito si Zanther at nanlumo ng malaman ang nangyari. Gusto ng ama ni Zandreaj na kunin nila si Zanther pero gaya ng noon ay napahinuhod nya ang ama sa kanyang mga katwiran.
Never nagrespond si Blyther sa mga chat message nya ni sagutin ang vc nya para makita si Zanther. Pinarurusahan sya nito.
Araw-araw syang nakiusap na mag-usap sila at pakinggan ang paliwanag nya pero walang response mula dito.
Si Xinni ang chinat nya at pinakiusapan na iupdate sya lagi sa kanyang anak. Okay naman sa babae at never itong nagtanong sa sitwasyon nila ng kuya nito. Araw-araw ay nagsisend ito ng picture ni Zanther sa kanya at nagbivideochat sa kanya kapag wala sa bahay si Blyther. Nag-aayos umano ito ng application for Principal position sa DonHigh. Mababakante ito sa susunod na linggo dahil magriretired na si Dr. Miranda.
Ang isang linggo ay naging isang buwan. Gustong-gusto nang puntahan ni Zandreaj ang kanyang anak. Hinihintay nyang ihatid sa kanya ni Blyther si Zanther pero mukhang walang balak ang lalaki.
Nadudurog ang pusong ina nya tuwing magbivideo call sa kanya ang bata sa gabi para makita sya dahil iyak ito ng iyak at ayaw matulog. Si Zanther ang nahihirapan at nagsasakripisyo sa sitwasyon nila ng ama nito.
Kailangan na nyang kumilos. Walang mangyayari kung hihintayin nyang matauhan si Blyther sa sarili lang nito. Nilalamon ito ng galit sa kanya. Akala nya ay kailangan lang nito ng oras para makapagisip pero parang ni hindi nito pinagiisipan ang sitwasyon nila.
Zandreaj went out of her bedroom. Tumuloy sya sa kwarto ng kanyang mga magulang para kausapin ang mga ito. After almost an hour ay bumalik sya ng kanyang kwarto at nagimpake. Almost midnigt na when she finished packing all her things and Zanther's. Halos naempty ang kanyang buong kwarto.
The next day ay inihatid si Zandreaj ng kanyang ama sa probinsya ng lola nito. Pero sa halip na sa General Luna ay sa isang apartment unit sa San Juan malapit sa DonHigh siya tumuloy. Matapos nilang ayusin mag-ama ang set up ng mga gamit sa loob ng apartment ay umuwi sila ng General Luna para doon matulog.
Sumunod na araw ay dinala ng daddy ni Zandreaj sa mekaniko ang kanyang Nmax na dalawang taong natengga para ipacheck at ipacondition. Kinagabihan ay bumiahe pabalik ng Cavite si John. Mahigpit na nagyakap ang mag-ama bago ito umalis.
Pigil na pigil ni Zandreaj ang sarili na wag magpunta sa bahay ni Blyther para makita ang anak. Alam nyang pag nagpunta sya doon ay hindi na bibitaw sa kanya si Zanther. Wala pa syang yaya na pueding mag-alaga dito.
Sahalip ay inabala nya ang sarili sa pagpiprepare ng isusuot nya at mga dapat nyang dalhin bukas sa kanyang lakad. Pinilit nyang matulog ng maaga para hindi sya haggard kinabukasan.
Alas sais ay gising na si Zandreaj. Nagzumba sya for 30 minutes bago naligo. After nya magalmusal ay naligo sya at isinet ang kanyang curls na ngayon ay nakapixie cut. Pinaputol nya ito bago umalis ng Cavite sa curls expert salon.
Pinili nya ang pixie cut para magmukha syang mature at maportray nya ang image na gusto nyang iportray. Mas bumagay naman sa maliit nyang mukha ang bago nyang hair do. It gave her a much more mature and seductive look.
Nang makapagapply ng natural look make up ay nagbihis sya ng black skirt and coat na napailaliman ng red spaghetti strap. Bakat na bakat sa kanyang stretchable skirt ang kanyang mas mahubog na balakang at mas maliit na bewang.
Medyo mababa ang neckline ng kanyang inner blouse at bahagyang kita ang puno ng dibdib nya. Pinaresan nya yun ng 3inches red pumps at red leather hand bag. Nasiyahan si Zandreaj ng makita ang sarili sa salamin.
Matapos icheck kung kumpleto ang dala nyang mga papel ay lumabas sya ng apartment at naglakad papuntang DonHigh. Walking distance lang ang school sa kanyang apartment.
Sa administration building tumuloy si Zandreaj. Sa office of the principal. Pagdating nya ay may ilan nang nakaupo sa receiving area. Lumapit sya sa attending clerk at kinonfirm ang kanyang appointment na inapply nya online. Nagthumbs up sa kanya at sinabing tatawagin lang for interview. Hiningi ang papers nya at isinama sa pile na nasa table nito saka ipinasok sa principal's office.
Pilit kinakalma ni Zandreaj ang sarili habang nakaupo. Hindi nya maiwasang kabahan sa halo-halong nararamdaman. Galit pa rin ba ang boyfriend? Haharapin ba sya nito? Kakausapin ba sya nito? Pakikinggan ba sya nito?
Napatingin sya sa mga kapwa applicants. Pare-pareho ang mga hitsura ng mga ito na kinakabahan. Ang ilan ay pilit kinakalma ang sarili sa pagbabrowse ng facebook at ang iba ay may kachat. May ilan na nakatingin sa kanya at hindi maitago ang paghanga.
Bigla syang napaigtad ng marinig nyang may nagsalita sa intercom.
"Send Miss Sta. Maria in, now."
Bahagyang sumikdo ang kanyang dibdib ng marinig nya ang kanyang pangalan. Pero kinompose nya ang kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)
RomanceAfter their SHS graduation, Vyrr Blyther was offered full scholarship as varsity player at the university Dreigh is attending in USA. For four years, he battled against homesickness and longingness for Zandreaj just to fulfill his childhood dream. A...