Chapter 32

60 3 0
                                    

Alas sais ay kumakatok na si Blyther sa apartment ni Zandreaj. Marami itong dalang mga laruan ng anak at ilang pirasong mga bihisan.

Pinagbuksan lang ito ni Zandreaj at bumalik sa kwarto. Iniwan nya ang mag-ama sa sala. Tamad syang kumilos. Masakit pa rin ang bandang ibaba nya. At wala syang ganang makiharap sa lalaki ngayon. Nagagalit sya sa ginawa nito sa kanya last night at napapagod na syang saluhin lahat ng cold treatments at matatalim na tingin nito. Nagtalukbong ng kumot si Zandreaj para matulog ulit. Bahala itong magintindi sa anak nito.

Puyat sya dahil hindi sya nakatulog pagkatapos ng ginawa ni Blyther sa kanya. Hindi nya mapigilang maawa sa sarili sa pagtratong never nyang naisip na mararanasan nya sa boyfriend.

Pakiramdam nya ay wala itong itinira sa kanya kahit ang respeto nito. Alam nyang mahal pa rin sya ng lalaki, kahit pilit nitong itago yun ay nababasa nya un sa mga tingin ni Blyther at ramdam nya kung gaano nito pinipigilan ang sarili na makita sa gestures nito that he still cares.

Pero ginawa na nya lahat ng alam nyang pueding gawin para maayos sila ng boyfriend ay wala pa ring epekto dito. Pwes, kung ayaw nitong maayos sila at mas gusto nitong pahirapan ang sarili ay bahala sya.

Tapos na syang mageffort. Ayaw na rin nyang maglalapit dito gaya kagabi dahil ayaw nyang maulit pa ang ginawa nito sa kanya na alam nyang pinagsisihan nito pagkatapos. Tama nang sa kanya lang galit si Blyther, ayaw nyang humantong sa punto na magagalit na din ito sa sarili nito dahil sa mga mistakes na nagagawa dahil sa galit sa kanya.

Paggising nya ay wala ang mag-ama. Chineck nya ang kanyang cellphone.

"I brought Zanther home. We will return after school."
Chat ni Blyther. Ang tagal nang malamig ang chatbox nila ng boyfriend. Minsan mas malamig pa sa AC ng kwarto nya. Ibinaba nya ang kanyang cellphone na hindi nagrereply.

Nakatihaya at nakatingin sa kisame si Zandreaj na walang tukoy ang takbo ng isip. Bumangon lang ito ng makaramdam ng gutom. Pagcheck nya ng oras ay alas tres na ng hapon. Napailing si Zandreaj ng maisip kung gaano kahaba ang oras na naubos nya na nakahiga lang at nakatingin sa kisame.

Nagtuloy sya sa kusina at chineck ang ref. Puno yun ng stocks dahil namili sila ng daddy nya bago ito umalis. Simula nung magbuntis sya nahilig na sya sa pagluluto. Binuklat nya ang built-in cabinets sa ilalim ng lababo to check kung may magagamit syang kitchen utensils. Kumpleto. Mahal ang renta nya sa apartment na ito dahil fully furnished at kumpleto sa lahat ng gamit.

Naglabas ng ingredients for sinigang na hipon si Zandreaj. Habang nakasalang ang ulam ay nagmasa sya ng glutinous rice.Gagawa sya ng milk bomb.

Mula ng marinig nya kay Blyther ang unfamiliar words na un ay hindi na nya makalimutan. Nung nagsasanay syang magluto habang buntis kay Zanther ay sinearch nya kung ano yun and found out it's a kakanin with a twist. It's a pinoy style mochi. soft and chewy glutinous rice filled with yema flavored milk covered with dessicated coconut.

Hindi nya pa nakitang kumakain nito si Blyther pero she's sure it's his favorite. Naging paborito nya na rin ito mula ng matikman nya. At matagal na nyang hinihintay ang pagkakataon na mapatikman sa boyfriend ang version nya nito.

By 4:30 ay tapos na syang magluto. Naligo sya after magpahinga ng 15minutes. Tshirt at pedal ang sinuot nya dahil ayaw na nyang mag-isip si Blyther na sinasadya nyang magsuot ng seductive na damit. Ayaw na nyang maulit ang nangyari kagabi.

Kumakain sya ng dumating ang mag-ama. Nagpasubo agad si Zanther nang makita na hipon ang ulam. Napakunot-noo naman si Blyther at napatingin sa kanya na nagtatanong ang mga mata.

"It won't kill me." Kibit balikat na sagot ni Zandreaj. After nya manganak ay naobserve nya na nawala ang allergies nya. Sinubukan nya uling kumain ng mga allergens ng paunti-unti at hindi na sya nagkakarashes. Pero never nya pa ring sinubukan uminom ng beer.

Tumayo si Zandreaj at kumuha ng extrang plato at kutsara. Iniabot kay Blyther ng hindi nagsasalita.

Kumakain sila ay patingin-tingin si Blyther sa kanya.

"What?" Kunot noong tanong nya dito na naiirita.

"You look old with your clothes." Diretsong sabi nito. Muntik nang mabulunan si Zandreaj sa hindi inaasahang sasabihin ng boyfriend.
Hindi sya sumagot na pinagpatuloy ang pagkain at pagsubo sa anak.

Matapos nilang kumain ay kinuha nya sa ref ang box ng milk bomb. Pagkakita palang ni Zanther sa lalagyan nito ay nagtatalon na ito sa tuwa.

"Oh! That's my favorite!" Sabi nito na agad inagaw sa ina ang plastic ware at binuksan.

"See daddy, this is our favorite, milk bomb!" Inilapit nito sa ama ang dalang pagkain.

Napatingin na naman si Blyther sa kanya na nakakunot-noo at wari'y nagtataka. Hindi naman ito pinansin ni Zandreaj na kumuha ng isang pirasong milkbomb at kumagat. Tumulo ang milk syrup mula sa loob noon na dali-daling dinilaan ng dalaga para hindi pumatak sa sahig. Napalunok si Blyther.

Wala pang limang minuto ay naubos na ng mag-ama ang isang plastic ware na may 10 pcs na laman. Hanggang dalawa lang ang kayang kainin nun ni Zanther kaya 7 pcs ang nakain ni Blyther. Isa kay Zandreaj. Nangingiti ang babae habang naghuhugas ng plato at naglalaro ang mag-ama sa sala.

Maya-maya ay pumasok ang mga ito sa kwarto. Pagkatapos ni Zandreaj sa kusina ay pumasok sya ng kwarto para linisan ang anak. Pero nakabihis na ito ng pajama na katerno ng sa ama. Napakunot-noo si Zandreaj. Dito matutulog si Blyther?

Hindi nagtanong si Zandreaj. Pumasok sya ng banyo at nagtoothbrush. Tumuloy sya sa sala paglabas nya ng banyo at nanuod ng tv. Hindi sya kumportable na nasa kwarto si Blyther. At hindi pa sya inaantok dahil mahaba ang itinulog nya kanina.

Alas dies na nang makaramdam ng antok ang dalaga. Pumasok sya sa kwarto. Pero sa pwesto ng mag-ama ay wala na syang mahihigaan dahil naoccupy na ng mga ito ang buong space. Kumuha sya ng extrang kumot at lumabas ulit sa sala para doon matulog.

Naalimpungatan sya nang maramdaman nyang umangat sya sa sofa at buhat ni Blyther papasok ng kwarto. Napigil nya ang kanyang hininga. At nagtulug-tulugan.

Ibinaba sya nito sa kama at kinumutan. Hinalikan sya nito sa ulo bago lumabas ng kwarto.

Nagising si Zandreaj kinaumagahan sa amoy ng sinangag na kanin. Wala na si Zanther sa tabi nya. Pumasok sya ng banyo at nagtoothbrush, inayos ang sarili sa salamin saglit bago lumabas ng sala.

Kasalukuyang naghahayin si Blyther ng almusal sa dining table. Shanghai rice, veggie omelete, at hotdog ang nasa mesa. Hindi na nya hinintay na yayain nito. Kumuha sya ng plato nya at kumain habang sinusubuan ang anak. Hindi nya tinitingnan o pinapansin ang lalaki gaya kahapon. At ramdam nya na pinag-aaralan ng lalaki ang mga kilos nya.

Pagkaalmusal ay dali-daling lumabas si Blyther at kinuha ang bihisan na nakahanger sa loob ng kotse nito. Quarter to seven na ng umaga at Friday kaya may pasok ito.

Pumasok ito sa kwarto para maligo at magbihis. Sinundan nya ito para ikuha ng malinis na tuwalya. Eksaktong kakatok sya ay bumukas ang pinto at sumilip si Blyther. Iniabot nya ang tuwalya dito at tumalikod na palabas ng kwarto.























PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon