Kasalukuyang nagbobrowse si Blyther ng mga folders ng resume ng mga teacher applicants. Nakaupo sya sa kanyang swivel chair at seryosong pinag-aaralan ang mga papel ng mga qualified applicants na nakapatas sa kanyang mesa. Namimili sya nang gusto nyang unahing iinterview base sa laman ng papers nito. Nasa labas ng opisina nya ang mga applicants as of the moment at naghihintay lang na ipatawag nya sa kanyang clerk.
Nasa panglimang resume na sya ng kumunot ang kanyang noo at nagsalubong pang lalo ang dati na nyang salubong na mga kilay pagkabasa sa printed name ng applicant sa folder na hawak nya.
PERTINENT PAPERS OF ZANDREAJ ZAMEERAJ R. STA. MARIA.
Binuklat ito ni Blyther at agad tumutok ang mga mata nya sa ID picture na nakaattached sa resume nito. Dumagundong ang dibdib ni Blyther. Agad nagvoice message sa clerk sa labas ng kanyang office.
"Send Miss Sta. Maria in, now."
Hindi mapigilan ni Zandreaj ang pagkabog ng kanyang dibdib ng marinig ang boses sa intercom sa table ng office clerk.
"Miss Sta. Maria?" Tanong ng clerk sa kanya nang makitang sya ang tumayo.
"Yes ma'am." Sagot ng babae.
"It's your turn, please get inside. Good luck." At ngumiti ito sa kanya.
Saglit na chineck ni Zandreaj ang sarili sa mirror glass na dingding ng opisina, humugot ng malalim na buntong-hininga bago humakbang papasok.
Nakayuko at nagbabasa ng papers si Blyther.
"Close the door and have a seat." Sabi nito na hindi nag-aangat ng tingin.
Isinara ni Zandreaj ang pintuan bago umupo sa bakanteng upuan sa mismong harap ng mesa nito. Ipinatong nya ang magkasalikop nyang kamay sa kanyang kandungan at pilit ginawang normal ang kanyang paghinga.
"Your paper says you are a single parent to a two-year old boy?" May pagkumpirma sa boses nito na hindi pa rin nagtataas ng tingin.
"yes sir." Malinaw na sagot ni Zandreaj.
"Why?!" Napasinghap si Zandreaj ng mag-angat ng mukha si Blyther at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. Mababakas ang galit doon.
"Vyb..."
"Don't call me that..." Madiing putol ni Blyther sa sasabihin nya pa.
Gumuhit ang matinding sakit sa mukha ni Zandreaj.
"I'm sorry...I'm so sorry...Hindi napigilan ni Zandreaj ang mapaiyak.
"Is that why you're here? To cry for your mistake?" Hindi nawawala ang distaste sa boses ni Blyther.
"No, I am here to clear things to you. I just can't bear the hate in your looks and the way you talk to me." Diretsong sagot ni Zandreaj habang pilit kinocompose ang sarili.
"After fooling me, you are expecting a good treatment from me?" Mahina pero madiin at masakit ang bawat bitaw ng salita ni Blyther.
"Your surprises had gone too much Miss Sta. Maria. It doesn't excite me anymore. Not even your unexpected presence here now."
"It wasn't my intention to fool you. Will you listen to me first?" Mahinahong tanong ni Zandreaj na pilit winawaksi ang bawat hiwa ng masasakit na salita ni Blyther sa kanyang dibdib.
"No. No explanation will justify your action. No woman in her sound mind will keep her child from his father!"
Bahagyang lumakas ang boses ni Blyther."What wrong have I done to you that you chose to be a single parent than marry me?!" Nagngangalit ang bagang ni Blyther.
"I didn't choose to be a single parent! We could have get married the day you came back here or soon to be married only if you listen to me." Bahagyang dumiin na din ang boses ni Zandreaj.
"You made my son a bastard!"
Dagdag ni Blyther na hindi nakikinig sa sinabi nya."He is not a bastard! But if you keep your ears closed from what I'm saying then he will be!" Nauubos na rin ang pasensya ni Zandreaj.
Sumandal si Blyther sa inuupang swivel chair, tumingala sa kisame at bumuga ng hangin.
"This is enough. You can go out now." Sabi nito na hindi tumitingin kay Zandreaj.
"If you really wanna make things the way you want it then hire me." Nakatayo si Zandreaj sa harap ng mesa ng boyfriend. Napatuwid ito ng pagkakaupo at hindi naitago ang paghanga sa mga mata ng mabistahan ang kabuuan ng girlfriend. Pero agad ding napawi un.
"And why is that?" Matiim ang pagkakatingin nito sa kanya.
"So I can get near Zanther. If you don't really want me in your life anymore, then atleast let's settle things about our son."
Hindi nakaligtas sa paningin ni Zandreaj ang sakit sa mga mata ng lalaki ng bitawan nya ang huling linyang sinabi nya dito. Palihim na napangiti ang babae sa sarili.
"I want my son back." Madiin at penal ang pagkakasabi ni Zandreaj.
"No!" Napatayo si Blyther.
"Then let me get near him. Hire me so I can live near my son."
Hindi sumagot si Blyther.
"Don't make it hard for Zanther. He's crying every night for a month now because of me. My son is missing me and I'm missing him so much too."
Gumaralgal ang boses ni Zandreaj sa pagpipigil ng iyak."You deserve that. You kept my son away from me for two years!" Muling nagngangalit na naman ang mga bagang ni Blyther.
"You kept telling me that, but then you don't want to listen to me. Hire me or you won't see your son anymore."
Sabi ni Zandreaj bago lumabas ng opisina.
Nakakunot-noong nasundan ito ng tingin ng lalaki na pilit inaalis ang mata sa mga balakang at pwet ng babae na umiimbay sa bawat hakbang nito.
Umuwi na ng bahay si Zandreaj pagkagaling nya ng opisina ni Blyther. Pagkatanghalian ay nagbihis sya para puntahan ang anak sa bahay ng ama nito.
Nagsuot sya ng body hugger na sandong itim na mababa ang neckline at levi's skinny jeans. Tinernohan nya un ng half boots converse shoes saka denim jacket. Nagshades sya bago naghelmet at saka sumakay ng kanyang Nmax papunta sa anak.
Hindi magkamayaw si Zanther ng makita ang ina pagpasok nito sa sala. Panay ang yakap at halik nito kay Zandreaj. Tanging ang kasambahay ang kasama nito at ang matandang yayang nag-aalaga dito na yaya pa ni Xinni hanggang ngayon. Kilala sya ng mga ito kaya pinapasok sya.
Nasa DonHigh si Brandon at si Xinni. Ang una ay nagtuturo pa rin at si Xinni ay Grade 11 na.
Mag-aalas kwatro nang makatulog si Zanther sa kanyang braso. Dinala nya ito sa kwarto ni Blyther at tinabihan hanggang hindi nya namalayang nakaidlip na rin sya habang hinihipo sa buhok ang anak. Nakaunan sa braso nya ang ulo nito at nakasiksik sa dibdib nya ang mukha. Nakapatagilid naman sya ng pagkakahiga paharap sa anak.
Naggising sya nang makaramdam na may kumikilos sa loob ng kwarto. Pagmulat nya ay nakita nya si Blyther na nakatalikod sa kanya at naghuhubad ng long sleeved polo na suot nito kanina sa opisina. Kasunod ay ang slacks nito. Napalunok si Zandreaj at muling pumikit.
Pagkailang saglit ay naramdaman nyang umupo ito sa kama katabi ni Zanther. Nagmulat sya ng mga mata at ngumiti dito. Kitang-kita nya ang soft expression sa mukha ni Blyther pagmulat nya ng mata. Dali-dali itong umiwas ng tingin.
Muling pumikit si Zandreaj at nagkunwaring natulog ulit. Sa pagkukunwari nya ay nakatulog nga sya ulit. Madilim na ng magising sya dahil sa mga halik ni Zanther.
"Mommy wake up! we'll gonna eat now." Nakadagan si Zanther sa kanyang tiyan habang hinahalik halikan sya nito. Pagkatapos ay lumipat ito sa tagiliran nya.
"Daddy wake up!" Niyugyog ni Zanther ama sa balikat. Saka lang narealized ni Zandreaj na tulog din si Blyther sa tabi nya. Nasa leeg nya ang mukha nito at nakayakap sa tyan nya ang kamay nito.
Napigil ni Zandreaj ang kanyang paghinga.
BINABASA MO ANG
PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)
Roman d'amourAfter their SHS graduation, Vyrr Blyther was offered full scholarship as varsity player at the university Dreigh is attending in USA. For four years, he battled against homesickness and longingness for Zandreaj just to fulfill his childhood dream. A...