Chapter 5

59 3 0
                                    

Nakahiga sila sa loob ng tent ay panay pa rin ang check ni Blyther sa mga rashes ni Zandreaj. Sa sobrang paranoid nito ay napapagkamalan na ring rashes ang iilang frickles ng dalaga sa kanyang balikat. Makalipas ang isang oras at tuluyan nang nawala ang rashes ni Zandreaj saka lang napalagay ang lalaki.

Nakatulog silang dalawa na magkayakap at nagising na halos madilim na dahil nagkakaingay na sa tubig ang mga kaibigan. Paglabas nila ng tent ay parehong namesmerize ang magboyfriend sa paligid. Bilog na bilog ang buwan at kumikinang ang tubig dagat na patag na patag. Walang malalaking alon. Nagkakasiyahan na ang lahat at inienjoy ang maligamgam na tubig dagat.

Pumunta ng cabin ang dalawa para magbihis ng panligo. May dalawang malalaking kwarto ang cabin. Isa para sa boys at isa para sa girls. Halos sabay ding lumabas ng kani-kanilang kwarto ang dalawa pagkatapos magpalit ng panligo.

Napasipol ng mahaba si Blyther ng makita ang girlfriend wearing two piece black string bikini. Si Zandreaj naman ay umiwas ng tingin sa maabs na katawan ng boyfriend lalo na sa baba na natatakpan ng trunks nito.

Umuna na sya palabas ng cabin pabalik sa dagat sa takot na mapadikit sa boyfriend at sa epekto nito sa kanya. Si Blyther naman ay nakasunod sa kanya at nakatutok ang mga mata sa makinis nyang pwet at balakang na umiimbay sa bawat hakbang nya.

Tuloy-tuloy sa tubig si Zandreaj at nakijoin sa mga girls na naglalaro ng beach ball. Ang mga boys ay nasa gilid ng tubig at umuutay ng light beer habang namumulutan ng chips. Nakijoin sa mga ito si Blyther pero namulutan lang. Dati na syang hindi umiinom ng kahit anong klase ng alcoholic drink, lalo na syang umayaw after ng nangyari kay Zandreaj. He vowed that no alcohol would drop on his throat ever.

Gumawa ng bonfire si Dreigh at pumaikot sila ng upo duon habang ang girls ay nagiihaw ng hotdog with marshmallow. Si Zandreaj ay nakaupo sa tabi ni Blyther habang dinadarang nya sa apoy ang mahabang stick na hawak-hawak.

Umiikot ang tingin ng dalaga sa mga kasama at pinagaaralan ang mga ito. Si Dreigh ay nakahapit ang mga kamay sa baywang ni Xienlee na nakaupo sa tabi nito. Napangiti si Zandreaj, grabe pala kapossessive ng kanyang pinsan. katabi ni Xienlee si Shylah na nakahilig kay Dolf. Sila ba? Naitanong ni Zandreaj sa kanyang sarili.

Katabi ni Dolf si Demi na kasalukuyang nagmimakeface sa harap ni Keyrin at tawa naman ng tawa ang babae dito. Napailing si Zandreaj. Kahit kailan talaga si Demitry. Si Shinala ang katabi ni Keyrin na nakasandal sa mga balikat ni Jeric. Katabi ni Jeric si Randev na yakap-yakap ng kanyang imported girlfriend na si Stacy. Katabi nya si Stacy at nasa kaliwa nya si Blyther. Katabi naman ni Blyther si Dreigh.

Napahugot ng malalim na buntunghininga si Zandreaj. Ang sarap sa feeling ng ganitong moments. Napatingin naman si Blyther sa kanya ng maramdaman ang kanyang pagbuntung-hininga.

"You okay?" Bulong nito sa kanya.

Humilig sya sa balikat ng lalaki at tumingin dito ng nakangiti
"Yeah, I'm okay. I just love this moment. Everyone is really good to look at."

Ngumiti din si Blyther sa kanya at mabilis syang hinalikan sa noo.

"Hey Vyrr!" Have you accomplished the admission slip?" Si Dreigh ang nagtanong.

Bahagyang natigilan si Blyther at hindi agad nakasagot.

"You having double mind?" Tanong ulit ni Dreigh.

"Hmmmm..sort of." Maiksing sagot ng lalaki at ngumiti ng alanganin.

"Why? Is Zandreaj giving you a little hard time to decide?" Kumindat ito sa pinsan. Inirapan naman ito ni Zandreaj.

"No, not really. I just don't think I could live far from this pretty little devil here." Bahagya nitong siniko si Zandreaj.

Tumawa si Dreigh.
"I was lucky I haven't met Xienlee yet when I was at your place. Or else, I've had a hard time in making my decisions too for sure. Or I guess I've made an easy choice but for sure that's not my soccer dream." At niyakap ng mahigpit ni Dreigh si Xienlee. Gumanti ng yakap si Xienlee at ngumiti ng matamis kay Dreigh.

Graduating na this coming school year si Dreigh.

"Anyway you have to make your decision the soonest possible time or else you will lose this opportunity. Once you decided to pursue your American soccer dream, you have to fly with me going back to the States on the first week of June."

Tumango lang si Blyther.

"Hey Zz, you have to help your boyfriend make his right decision." Baling ni Dreigh kay Zandreaj.

"He knows my stand Kuya Dreigh." Actually I've been pushing him to go for his dream. But it's him who doesn't want to."

"This is one in a million chance Vyrr. A very rare opportunity for Filipinos like us. Do not waste it."

"But I don't really know how am I gonna work with my dream without Zandreaj beside me." Pabuntung-hiningang ani Blyther.

"What else are your plans if ever you don't pursue your soccer dream?" Tanong ni Dreigh.

"Aside from being an American Champion like you, I really want to be the next principal of DonHigh." Nakangiting sagot ni Blyther.

"Oh! that's nice! Then why don't you pursue your soccer dream while working on becoming DonHigh's principal in the future?" Suggestive ang tono ni Dreigh. Interesadong napatingin si Blyther dito.

"Go fly to USA, play soccer while studying Professional and Educational Management. Once you graduated with that course you can come home and be the principal of DonHigh pronto."

"That easy?" Gulat na tanong ni Blyther.

"Not really, that is, if the Principal's position is vacant that time." Tumatawang sagot ni Dreigh. Nakitawa din ang lahat dito.

"But yes, that easy. You don't have to go from being a teacher 1 and be promoted several times in hundred years until you become a principal. In this course, which is concentrated in school leadership and management, you can be hired as principal right after your graduation."

Napanganga si Blyther at napatingin kay Zandreaj. Ngumiti naman ang dalaga na naiexcite para sa boyfriend.

"So? have you made up your mind now?" Pangungulit ni Dreigh.

Tumingin ulit si Dreigh kay Zandreaj.

"Zandreaj and I will talk about it first. We have to decide both. Anyway, what do you think guys?" Baling ni Blyther sa mga kaibigan.

"Go fly to the US of A. Play soccer while working on your principalship."

Sabay-sabay na sagot ng mga ito at naghalakhakan pagkatapos.

Tumingin sa kanya si Blyther na nagtatanong ang mata. Tumango naman si Zandreaj habang nakangiti.

PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon