Chapter 1

135 3 0
                                    

After ng STF Week at JS Prom ay naging busy na ang STEM family sa pagkompleto ng lahat ng requirements nila as candidate for graduation. Si Zandreaj ay tinulungan ng lahat na makahabol sa mga naneglect nyang requirements sa lahat ng subjects habang nasa hospital sya.

She was thankful Blyther came to her derailed track and put her back to her senses. At ngayon ay isa sya sa mga gagraduate kasama ng boyfriend. The event made her feel so high because of the presence of everyone special to her. She is just so happy that her mom and dad made it here. Plus Blyther, her boyfriend is the class valedictorian.

Aside from those, she was awarded plaque of recognition for bringing honor to DonHigh for hitting 10M views and continuously counting both her singing and playing pool videos in You Tube. It was just the other day when she received an invitation from a prestigious tv show asking her for guesting the next coming weeks.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay tumuloy ang magkakaibigan sa bahay ng lola ni Zandreaj. Ang lola mismo ni Zandreaj ang naginvite sa mga ito for a pool party as graduation blowout para sa kanyang apo.

Si Demi, Randev, Dolf, Jeric, Xienlee, Keyrin, Shylah at Blyther ang tanging nagpaunlak. Nahihiya din sigurong magjoin ang iba dahil sila naman laging sampu ang magkakasama araw-araw sa school.

Alas singko ng hapon nang magsidatingan ang mga ito. Pawang mga excited at ang iingay. Sina Xienlee ay nagbabarbecue sa tabi ng kubo malapit sa pool. Si Zandreaj naman at si Blyther ay gumagawa ng fruit and vegetable salad. Ang mga lalaki ay paunti-unting umiinom ng light beer habang nakaupo sa terasa ng kubo at nagvivideoke.

Nang lumubog na ang araw at hindi na mainit ay nagpalit na ng pangligo sina Xienlee. Mga napasipol ang mga lalaki paglabas ng shower room ng tatlo na mga super sesexy sa kanilang two piece swimsuit.

"Shittttt!! bakit ang hahot nyo?! ang banas!!!" Sigaw ni Demi habang tumatakbo papuntang pool sabay lundag. Halakhakan ang lahat.

hinabol ito ng tatlong babae na sabay sabay lumundag sa tubig at dinumog si Demi para pagtulungang lunurin kunwari. Panay naman ang kawag ng lalaki na parang diring-diri at ayaw magpahawak sa girls at tinatakpan ng dalawang kamay nya ang kanyang mga dibdib. Sumisigaw pa ito ng help! help! help! Tulo ang luha ni Zandreaj sa katatawa.

Maya-maya ay itinaas ni Xienlee ang kamay mula sa tubig hawak ang beach shorts ni Demi. Napamulagat ang lalaki ng makita ang hawak ng dalaga. Dali-dali nitong inagaw ang shorts pero naihagis na agad ni Xienlee kay Keyrin na nakaagwat na kay Demi. Pinagpasapasahan ito ng mga babae.

Nang mapagod sa paghahabol si Demi ay umahon ito sa pool na parang rumarampang bakla just wearing his swimming trunks. Nagflip pa ito ng kanyang invisible bangs at umirap sa mga babae sabay pose ng malupit.

Hawak ni Blyther at Zandreaj ang kanilang tyan sa katatawa. Si Keyrin ay natahimik at napatitig kay Demi na hindi maitago ang paghanga sa katawan ng lalaki. Tall, dark and handsome ang jolly na lalaking ito. Inihagis ni Keyrin ang beach shorts ni Demi sa kanya at sumisid sa pool.

"What was that hmmmm?" Nakangiting tanong ni Xienlee kay Keyrin pag-angat ng mukha nito sa tubig. Nangiwi naman ang dalaga at umiling.

"Don't tell me tuluyan ka ng nabaliw sa kabaliwan ni Demitry." Bulong ni Xienlee dito at naghagikhikan sila nina Shylah.

"Oo nga yata, ewan."  Natatawang sagot ni Keyrin at bahagyang tinanaw si Demi na kajoin na ulit ng boys sa pagvivideoke. Napatanga ang dalaga nang kindatan sya ng lalaki na nakatingin din pala sa kanya.

Napalingon ang lahat sa pool ng mula sa kung saan ay dumive si Dreigh. Pagahon nito ay nasa tabi na ni Xienlee at nakayakap na agad sa baywang ng dalaga. Agad namang umagwat si Keyrin at si Shylah.

PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon