CHAPTER 7

565 38 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Habang nakaupo dito sa sahig at ginagawa ang mga paper works ko sa school napalingon naman ako kay gurang at naisip ulit yung nakita ko doon sa kabinet niya.

Suminghap naman ako at nilagay ang baba ko sa palad ko na nakatukod sa mesa.

Ano kaya 'yon? Droga ba? Pero sa gwapo niyang 'yan nag-d-drugs siya? Tsaka mukha naman siyang maayos ngayon hindi rin naman namumula ang mata niya.

Suminghap ulit ako. Pero don't judge the book by it's cover nga daw, malay mo nga gumagamit siya–nanlaki naman bigla ang mata ko ng maisip 'yon at napatingin kay gurang na ngayo'y nakakunot na ang noo saaaken.

Kung posibleng nag-d-droga siya... anong dapat kong gawin!? Hala! Hala! anong gagawin ko!? Ano!?

Tatawag ng pulis! Tama! Tama! Napatango-tango naman ako at inabot yung bag ko saka dinukot ang cellphone ko pero ng mahawakan ko na yung phone ko napahinto ulit ako at nag-isip ulit.

Hindi, hindi, hindi. Dapat may ibedensya dapat muna ako at mapatunayan kung gumagamit nga siya ng droga. 'Yan tama, tama, tama.

"What are you thinking stupid brat?" Napatingin naman ako kay gurang ng magsalita siya kaya agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

Lagot ka saaken kapag nalaman kong gumagamit ka ng droga bagsak ka ngayon.

"Gurang bakit wala ka ngayon sa kumpanya mo?" tanong ko at tinuon ang pansin sakanya.

"Kasi nandito ako? Why are you asking?" masungit niyang sabi kaya napangiwi naman ako sa sinagot niya.

"Oras ng trabaho–"

"Bakit sa kompanya lang ba ako pwedeng magtrabaho ha bata?" nakataas ang isang kilay niyang tanong saaaken kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin. "You still didn't answer my question" dagdag niya at pinagcross niya naman ang legs niya at tumingin ng sobrang seryoso saaken.

"Ano ka facebook? What's on your mind ganern?" sabi ko sabay ngiwi sakanya kaya napapikit naman siya at kinagat ang ibabang labi.

Hmmm ang pogi!

"Answer my damn question brat–"

"Pwedeng tigil-tigilan mo ang pagtawag saaken ng brat ha? Nakakairita ehh alam mo 'yon ha?" napipikon kong sabi.

"I know the feeling, that's how I feel everytime you call me gurang you brat" nakangisi niyang sabi saaken kaya napatayo ako bigla at tinuro siya.

"For your information hindi ako estudyante–"

"Yes you are" nakangisi niya pa ring sabi habang nakatingin saaken ng mapang-asar.

"Pwede patapusin mo ako ha?–"

"Nah.  Now you know how I feel every time you call me gurang and when you always cut my sentences." madiin niyang sabi sabay tayo. "So stop calling me gurang and stop cutting my sentences if ayaw mong ginagawa ko sa 'yo" dagdag niya at huminto sa harap ng lamesa na napapagitnaan namen.

Nagtagisan ulit kami ng tingin at dumila pa ako para pikunin siya.

"A.Y.O.K.O" sabi ko at pinandilatan siya. "Gurang" dagdag ko.

Magsasalita na sana siya ng biglang tumunog yung phone niya doon sa lamesa kaya parehas kaming napatingin doon saka ulit nagkatinginan sa isa't isa.

"Gurang ble ble ble" sabi ko ulit at tinarayan siya bago naupo ulit.

MY SPECIAL CAT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon