CHAPTER 17

382 33 0
                                        

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Nang makarating kami sa third floor netong bahay ni gurang namamangha naman ako doon sa parang elevator para dito sa kotse niya.

"Napaka ayos din ng bahay mo 'no gurang?" Lingon ko sakanya pero napansin ko na panay siya tingin sa relo niya kaya tinignan ko naman yung aken.

Eleven fourthy pa lang naman ehh baka nga may importante siyang lakad ngayon. Ng huminto yung sasakyan bumaba naman kami at huminto sa harapan ng sasakyan niya dahil hindi ko alam kung saan dadaan pababa.

"Saan ba babaan dito gurang?" Tanong ko sakanya pero pagtingin ko ulit sakanya nakataas na ang kaliwa niyang kilay habang nakatingin sa paa ko kaya yumuko ako para tignan ang tinitignan niya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya at tinignan ulit siya.

"How's your sugat?" Tanong niya.

"Huh?" Tanong ko at ng maalala yung sugat ko sa paa agad naman akong sumandal sa bumper ng sasakyan at tinignan ang paa ko. "Luh!" Gulat kong sabi kaya napalapit naman saaken si gurang.

"What?" Tanong niya at hinawakan ang paa ko para tignan.

"Bakit wala na? Ang bilis naman maghilom?" Nagtataka kong sabi saka ibinaba ulit ang paa ko.

Kaya pala kaning umaga wala na akong maramdang masakit sa paa ko, pero bakit parang ang bilis naman ata? Anyare?

"She did it" mahinang bulong ni gurang.

"Huh?" Nagtataka kong tanong sakanya. Sinong she?

"Nothing" sabi niya sabay lakad kaya sumunod naman ako habang may pagtataka pa rin sa mukha.

LUCAS POV

"Hi gurang!" Shainna suddenly appeared in front of us.

Hindi ko naman siya pinansin at baka bigla na naman akong pagkamalang baliw ni Lalaine.

"Hello! Hahahahaha alam mo bang pinagaling ko yung sugat ni Lalaine sa paa kagabi? Hahahaha share ko lang" dagdag niya pa at inakbayan si Lalaine.

I just rolled my eyes to her and give her a bored look.

"At pft hahahahahaha gurang nakita ko rin yung nangyare kanina hahaha pwede na kayong dalawa sa comedy show pft hahahahaha" patuloy niya hanggang sa makababa kami sa second floor at naglakad ulit papunta sa may hagdan para makababa na sa group floor "Nga pala gurang, ilang minuto na lang magiging pusa ka na, hindi na mag babago isip mo? Ayos na talaga sayong gigising ka sa umaga na hubo't hubad ka pft hahahaha"

Napapikit naman ako sa inis at huminto para paunahin si Lalaine bumababa, at ng masigurado kong wala na si Lalaine hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

"I don't fvcking care." Sagot ko at tatalikod na sana ng magsalita ulit siya.

"Kahit na sabihin ko na araw-araw kitang dadalhin sa kwarto ni Lalaine?" Sabi niya kaya napalingon ako bigla sakanya.

"The fvck!"

"Ohh gurang anong nangyare sa 'yo? Bakit ka sumisigaw?" Takbo ni Lalaine pabalik dito sa hagdanan.

"Nothing I just remembered something" sagot ko habang nanatiling nakatalikod sakanya.

"Ok, bumaba ka na jan gurang oyy! Hindi ka pa ba kakain? Bahala ka jan, ako kakain na" sabi niya at rinig ko naman ang yabag niya palayo kaya tinignan ko ulit si Shainna.

MY SPECIAL CAT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon