CHAPTER 19

334 37 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Pagdating sa bahay ni gurang tawang-tawa pa rin ako habang naaalala yung bata kanina.

"Kita mo na gurang, hahahahahaha mukha raw kitang tatay pft hahahaha" sabi ko habang pababa ng sasakyan niya.

"Stop it, you said it for the twentieth times" naiinis niyang sabi sabay baba rin ng kotse niya kaya nauna naman akong pumunta doon sa elevator niya pababa ng second floor.

"Pft hahahahahaha alam ko nakakatawa lang kasi hahahaha" sabi ko at ng nakapasok kaming dalawa nagulat ako ng bigla niya na lang ulit kabigin ang bewang ko palapit sakanya at inilapit niya din ang mukha saaken kaya natigil ako kakatawa.

"If you don't stop laughing, I'll kiss you" sabi niya at mas nilapit pa ang mukha saaken at magkadikit na ang noo namen kaya pumikit ako ng mariin saka siya tinulak ng malakas.

"Eto na titigil na nga" sabi ko at lumayo sakanya.

Baka mamaya may kababalaghan pang mangyare dito ihhh! Kinikilabutan ako errrr!

"Psh, give me that" sabi niya sabay kuha saaken nung eco bag na bitbit ko.

"Ano nga pala gagawin mo sa mga 'yan?" Tanong ko.

Ang dami kasing biniling pagkain tapos kaming dalawa lang naman ang nandito sa bahay niya.

"I will cook for dinner later" sabi niya kaya napatango naman ako.

Pagbaba naman namen sa first floor inutusan niya naman akong ilabas yung mga pinabili namen at ilagay sa mga cabinet yung iba saka hinugasan ko rin yung mga gulay, prutas at karne.

Narinig ko naman ang pagsara ng pintuan at alam kong nakalabas na siya sa kwarto niya. Nang matapos naman ako sa pag-aayos hinanap ko si Maui at nakita kong karga na siya ni gurang kaya nagbihis na muna ako.

At ng natapos akong magbihis at papalabas na ng kwarto ng bigla naman ako nakarinig ng ingay mula sa kung saan kaya naglakad ako papunta sa may sala.

"Lucas!" Tawag ng boses ng isang lalake kay gurang kaya dumungaw ako sa sala at nagulat ako ng biglang may yumakap mula sa likod ko at inilapit ang mukha sa may pisngi ko.

"H-hoy anong ginagawa mo jan" sabi ko at hindi makagalaw dahil parehong braso niya ang nakayakap sa bewang ko at nilagay niya rin ang baba niya sa balikat ko.

"I just want to hug you, babe" mahina niyang sabi at para namang sasabog ang puso ko pagkasabi niya non.

Pero bigla ko naman naalala yung mga sinabi niya saaken.

"Utok mo gurang umalis ka na nga jan, babe, babe ka jan babe mo mukha mo" sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa bewang ko saka siya inirapan bago bumalik ng kwarto ko.

Akala niya naman mauuto niya pa ako sa ganon! Duh pinaglalaruan lang ako non pustahan tayo.

Sumunod saaken si Maui papuntang kwarto at nilabas ko naman yung mga libro, notebook at bond papers ko para mag-aral na, marami pa akong gagawin kaya mabuti pang simulan ko na.

Pero mayamaya lang biglang may kumatok sa pintuan kaya tumayo ulit ako para buksan 'yon.

"Bakit?" Tanong ko habang binubuksan yung pintuan.

"Do you have something to do?" Tanong ni gurang pagbukas ko ng pintuan.

"Meron bakit?" Tanong ko ulit.

Dumungaw naman siya sa loob ng kwarto ko saka ulit ako tinignan.

"Bring that outside" sabi niya sabay turo sa mga papel ko sa lamesa sabay alis sa harapan ko.

MY SPECIAL CAT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon