CHAPTER 6

573 45 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

"I'm really sorry Lalaine, I was looking for the laboratory here" Sabi niya habahg inaalalayan akong tumayo.

"A-ayos lang. Doon sa may bandang kaliwa ang laboratory." Sabi ko sakanya at nasa state of shock pa rin.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita. At... Na miss ko siya.

Si Danico ay... ay ex boyfriend ko. Siya ang nakipagbreak saaken and nagkaroon naman kami ng closure pero ewan ko ba.

Tatlong taon na din 'yon at siguro naman naka move on na ako sakanya... siguro.

"Ahh sige mauna na ako sa 'yo, late na ako ehh" sabi ko at agad na nilagpasan siya pero nagsalita ulit siya kaya tumigil ako.

"Laine pwede ko ba hingin ang number mo? Hindi ko na ma contact yung isa mong number ehh" sabi niya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko.

Siya lang ang nagbigay ng ganyang palayaw saaken. Tunog line :⁠,⁠-⁠)

Hindi mo macontact kasi nagpalit na ako, part of moving on ang tawag doon.

Humarap ulit ako sakanya at ngumiti.

"Sige" sabi ko at binigay niya naman saaken ang cellphone niya kaya nilagay ko doon ang number ko.

Ng maibigay ko na sakanya yung phone niya nagulat naman ako ng yakapin niya ako.

"I miss you Laine, I hope to hang out with you sometimes" sabi niya bago ako binitawan kaya hindi naman ako nagpakita na nagulat ako sa ginawa niya at tumawa.

"Hahahaha oo naman! Sige mauna na ako ha! Late na late na talaga ako sige bye!" Sabi ko at hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadaling naglakad paalis.

Nglang makalayo-layo sakanya at hindi ko na siya makita napahinto ako at lumingon ulit sa pwesto niya kanina saka bumuntong hininga.

Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? May nararamdaman pa ba ako sakanya?

Aishh hindi. Wala na, wala na akong feelings para sakanya namiss ko lang talaga siya.

Pero anong ginagawa niya dito? Anong kailangan niya sa laboratory? Aishh hindi, hindi ka curious hindi.

Naglakad naman ulit ako at minabuti kong hindi na pumasok sa unang subject ko at tumambay na lang sa may garden at doon nagbasa ng libro.

*****

Malapit na ako sa bahay ng mula dito sa malayo makita ko si Maiu na nakaabang na kaya napangiti ako.

Hay nakakawala talaga ng pagod ang pusang 'to, napakalambing at akala mo parang tao kung mag-isip.

"Maui" makangiting tawag ko sakanya kaya napalingon siya saaken at ngumiyaw na parang tinatawag ako saka tumakbo papalapit saaken.

Umupo naman ako para makarga siya. Napangiti naman ako lalo ng ikiskis niya ang ulo sa kamay ko.

"Tara na sa loob at pa–"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa gamit ang isa kong kamay.

"Meow"

"Teka lang maui, ha" sabi ko at tinignan kung sino ang tumatawag. "Natural ang gurang na bugnutin" bored kong sabi sabay irap at nagpatuloy na sa paglalakad bago sinagot yung tawag niya.

MY SPECIAL CAT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon