/ᐠ-ᆽ-ᐟ \
LALAINE POV
"Gurang, pwedeng break muna?" Tanong ko kay gurang na ngayon nakaupo na sa mesa niya at may kinakalikot sa laptop niya.
Naka eye glasses pa siya kaya napatitig ako sakanya habang nakatagilid siya saaken.
Gosh! Ang pogi niya, matangos na ilong, clear skin at matipunong katawan at gosh! Bakit ba ako napatingin sakanya.
"Yah!" Nagitla ako ng biglang siyang sumigaw at binato ako ng kinumong papel sa ulo.
"Bakit ba?" Kunot noo kong tanong bago ko inayos ang pagkakaupo ko.
Nakaupo na ako sa sahig lahat-lahat, ayaw pa akong tulungan netong si gurang. Mukha na akong manag sa itsura ko dahil naka messy bun na ang buhok ko pero bumabagsak na ang iilang maiikli kong buhok.
"I said no break, continue doing that if you want to go home early" Sabi niya at inirapan ako saka bumalik na ulit sa ginagawa niya.
"Tch. Wala ka bang ibang tao na pwedeng tumulong saaken?" Reklamo ko.
"It's your job as my secretary, so none" Sabi niya habang nakaharap pa rin sa laptop niya. "Gaano ba 'yon kahalaga?" Tanong ko ulit.
"Stop talking and do your job" ngalab niya.
"Gurang ka talaga, hindi na naawa" pabulong kong sabi at ipinagpatuloy ulit ang ginagawa ko.
"I heard it" Sabi niya.
"Edi wow ikaw na may hindi baradong tenga" bulong ko ulit.
*Blag*
Nagitla ulit ako ng ibagsak niya ang kamay niya sa lamesa pero may kahinaan lang naman bago ako tinignan ng masama.
"I can't concentrate, you keep on talking. Gusto mo dagdagan ko 'yan?" Masungit niyang sabi at tatayo na ng pigilan ko siya.
"Hindi na! Hindi na, gagawin ko na 'wag mo ng dagdagan" Sabi ko at hinarap na ulit yung mga papel saka isa-isang çyong tinignan ng mabuti.
Para lang akong nag-ta-timelapse dahil ilang minuto ang lumipas at nakakalahati ko na ang dalawang bultong mga papel at wala pa rin akong nakikitang gray na papel.
Tumayo muna ako at pumunta doon sa kabila at doon pumwesto. Inayos ko ulit ang magulo kong buhok pabilog saka naupo ulit sa sahig at sinimulan ulit maghanap.
Napatingin naman ako kay gurang nang mahagip ng mata ko na nakataas na ang paa niya sa mesa at nakatingin na saaken habang nakangisi.
"Bakit?" Maangas kong tanong sakanya at nawala naman yung ngisi niya at biglang naging seryoso ulit.
"Nothing. Continue" Sabi niya bago uminom ng kape.
"May kape ka pa ba jan?" Tanong ko.
"Why?" Tanong niya at tumingin ulit saaken.
"Magtitimpla ako, inaantok na ako" Sabi ko saka tumayo.
"Opss!" Pigil niya saaken gamit ang kamay niya kaya napahinto naman ako at inaantok na tumingin sakanya. "No drinking coffee, go back to your seat" Sabi niya at tinaboy ako gamit ang kamay niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"'No ka gold? Tabi" Sabi ko at tinabig ang kamay at pumuntang kusina para hanapin ang kape.
Nakita ko naman ang isang tree in one na kape kaya kinuha ko 'yon at kinuha yung isang mug at termos saka tinimpla yung kape.
BINABASA MO ANG
MY SPECIAL CAT
RomanceLUCAS KIM. A CEO OF ONE OF THE BIGGEST AND FAMOUS COMPANY, WHO TURN INTO A SPECIAL CAT OF A GIRL NAMED LALAINE. A SIMPLE BUT A FUNNY GIRL ANG A WORK STUDENT WHO LOVES CATS THE MOST. HE IS A GOOD LOOKING MAN BUT ONE OF THE MEANEST CEO. HE LOVES YELLI...