/ᐠ-ᆽ-ᐟ \
After 3 years...
LALAINE POV
Habang naglalakad ako papalabas ng kumapanya ko... oo tama kumpanya ko dahil sa wakas napunta na saameng magkakapatid and nararapat na saamen at tatlong taon na din simula ng tuparin ni gurang ang sinabi niya na ipapahanap niya ang mga pumatay sa mga magulang namen.
Hay bigla ko na naman na miss ang gurang ko:3 kumusta na kaya siya?
"Mommy!!!"
Bigla naman akong napatingin sa may lobby ng marinig ko 'yon at napangiti agad ako ng makita ang anak kong si Leona, tama nga si gurang magiging babae ang panganay namen at nakuha niya talaga lahat ng ugali ko pwera sa dalawa.
"Baby ko" salubong ko sakanya at niyakap saka at pinaulanan ng halik sa mukha.
"Mommy you're so mabagal, I'm so naiinip na kaya dito sa lobby kanina pa" nakabusagot niyang sabi kaya napangiti na lang ako.
Ang pagiging conyo at mainipin, jusme naloloka nga ako sa batang 'to dahil ilang minuto lang ako mawala sinasabi ang bagal-bagal ko bumalik, parang ama niya lang. Ang sarap pikutin ang tenga!
"Sorry na baby ko, bawal ka kasi sa office ni mommy dahil bagong pintura at masyadong mabaho–"
"It doesn't matter naman mommy, hindi naman ako maarte" sabi niya ng nakangiti kaya pinisil ko ang kaliwa niyang pisngi bago tumayo ulit at hinawakan ang maliit niyang kamay.
Nasa dalawang taon pa lang si Leona at napakagaling na magsalita, mag ta-tatlong taon na siya sa April ten sa susunod na buwan kaya magkukulit na naman ng magkukulit ang isang 'to.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko sakanya kaya tiningala niya naman ako habang naglalakad.
"Puntahan naten si Daddy Nico please" sabi niya at nag pacute pa kaya natawa ako.
"Baka busy si Daddy Nico mo, pero sige tatawagan ni mommy para naman hindi tayo maka-abala kung sakali" sabi ko sakanya at pinasakay muna siya sa kotse at tinawagan si Danico.
"Yes?" Tanong niya mula sa kabilang linya.
"Gusto ka makita ni Leona, wala ka naman bang meeting ngayon or ano?" Tanong ko at umikot sa kabila para pumasok sa driver's seat.
"Meron sana pero si Leona naman 'yab kaya ipapa cancel ko na muna para sainyo. Pupunta ba kayo dito?" Tanong niya.
"Sigurado ka ahh, papunta na kami jan ghe ibababa ko na" sabi ko sabay patay nung tawag at nagmaneho papunta sa kumpanya ni Danico.
Habang nasa byahe panay lang ang kwento ni Leona sa kung ano-anong bagay ang natututunan niya kay Aloha jusme. Nasa bahay lang kasi ngayon si Aloha dahil buntis, at ang lola niyo si Albie rin lang naman ang nakatuluyan.
Kaya minsan kinukuha niya saaken si Leona para daw hindi naman mabagot ang bata sa bahay namen. Maayos na din ang buhay nung dalawa kong kapatid at napaka swerte namen dahil kahit papaano nanjan pa si lola sa tabi namen.
"Yehey! Nandito na tayo!" Masayang sabi ni Leona sabay bukas ng pintuan.
"Yah! Leo– jusmeng bata ka oo! Napaka excited!" Sabi ko sabay baba at bigay ang susi ng sasakyan ko sa driver ni Danico para i-park ng maayos yung kotse ko.
"Daddy Nico!" Sigaw ni Leona ng makapasok at makasalubong si Danico.
"Leona!" Masayang bati rin ni Danico bago kinarga si Leona. "How's your day baby hmm?" Tanong niya saka inayos ang dress na suot ni Leona.
BINABASA MO ANG
MY SPECIAL CAT
RomanceLUCAS KIM. A CEO OF ONE OF THE BIGGEST AND FAMOUS COMPANY, WHO TURN INTO A SPECIAL CAT OF A GIRL NAMED LALAINE. A SIMPLE BUT A FUNNY GIRL ANG A WORK STUDENT WHO LOVES CATS THE MOST. HE IS A GOOD LOOKING MAN BUT ONE OF THE MEANEST CEO. HE LOVES YELLI...