CHAPTER 5

705 44 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

*KRINGGG*

"Oo na eto na ohhh paalis pa lang ng university diba." Sagot ko sa tawag ni gurang.

Siya lang naman ang tumatawag saaken kapag ganitong oras, tch hindi makapaghintay ang gurang palibhasa matanda nga naman madaling mabagot. Char!

*Beep*

Napatingin naman ako sa humintong sasakyan sa harapan ko kaya inaninag ko kung sino ang nasa loob ng kotse.

"Sakay na po ma'am, nag-aantay na po si sir" Sabi ni kuyang drayber pagbaba nung bintana dito sa gawi ko.

"Huh? Ahh eto na po" Sabi ko at agad kong binuksan yung pintuan malapit sa may driver's seat pero nang makaupo na ako agad na nagsalita si kuya.

"Ma'am doon ka po sa likuran" Sabi niya.

"Huh? Wag na kuya dito na lang ako, nandito na ako. Baka magalit pa 'yo si gurang– este Sir Lucas kapag natagalan pa ako" Sabi ko at ngumiti sakanya.

"Sige po" Sabi niya at pinaandar na yung sasakyan papunta doon sa kompanya ni gurang.

Sosyal ha, may pasundo ako.

Pero jusme! Tatanda ako neto kay gurang, kaloka akala mo hindi sisiputin palagi ehh. Inayos ko naman yung sarili ko sa loob ng sasakyan at naglagay pa ng kaonting pulbos sa mukha para hindi magmukhang hagard ang mukha ko.

Tinali ko din lahat ng buhok ko para hindi naman ako magmukhang anak niya hahahahaha. Naka uniform pa kaya ako.

"Nandito na po tayo ma'am" Sabi ni kuya nang huminto ang sasakyan sa mismong harapan ng kumpanya.

"Saglit lang po" Sabi ko at nilagay na ulit sa bag ko yung mga ginamit ko bago bumaba. "Salamat po, kuya" Sabi ko bago ko isara yung pintuan at patakbong pumasok sa loob ng kompanya.

"Good afternoon ma'am" bati ni kuyang guard kaya habang tumatakbo nilingon ko siya para bumati pabalik.

"Good aftie po kuya!" Nakangiti kong sabi kaso nga lang...

*Boogshhh*

"Aray ko po" daing ko ng sumalampak ako sa saihig dahil sa lakas ng pagkakabangga ko sa malaking tao.

"Why are you running?" Napatingala naman ako at nakita ko ang walang emosyon at poging mukha ni gurang na nakatingin saakrn habang nakapamulsa ang magkabilang kamay.

"Ehh kasi pinagmamadali mo ako ehh" nakanguso kong sabi at agad

"Don't pout, your not a kid. Get up" masungit niyang sabi kaya tumayo naman ako na parang batang napagalitan ng tatay niya at nakayukong humarap sakanya. "Ano 'yang suot mo?" Nakakunot noo niyang tanong saaken habang nakatingin sa suot ko.

"Uniform? Sabi ko mo wear your proper uniform–"

"Not that kind of uniform. Are you stupid?" Putol niya sa pagpipilosopo ko at kunot noo niya akong tinitigan.

Hindi ko naman siya sinagot. Alangan namang magpalit pa ako eh pinagmamadali niya ako.

"May kailangan po ba kayo–" Tanong ko pero napa-ikot ako nang bigla niya akong lagpasan kaya sumunod ako sakanya. "Saan ka pupunta Mr. Kim?" Tanong ko at lakad takbo ang ginagawa ko kasi ang bilis niyang maglakad.

Lumiko naman siya kaya naipreno ko yung paa ko dahil sa tumatakbo na talaga ako at sabay liko rin.

"Tch. Sir, teka lang naman po ang bilis niyong maglakad ehhh" reklamo ko at kamuntik na akong masubsob ulit sa likod niya ng huminto siya kaya umatras ako ng dalawang hakbang.

MY SPECIAL CAT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon