/ᐠ-ᆽ-ᐟ \
LALAINE POV
Dumaan ang ilang araw at palagi akong nabubwisit tuwing nakikita ko si Danico sa harap ng university or ng pinagtatrabahuhan ko. Siguro mga lima, anim o pitong araw na ang nakararan ng palaging ganyan ang nangyayare.
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sakanya at tinatanong ko rin ang sarili ko palagi na bakit hindi ako makaramdam ni isang konsensya o pag a-appreciate sa lahat ng ginagawa ni Danico, dahil parang palagi akong may hinahanap na hindi ko malaman kung ano.
"Lalaine!"
Speaking off. Ayan na naman siya, pagod na ako at hindi ko na talaga siya kayang pagtimpian, naiinis na ako!
Bumuntong hininga naman ako bago huminto sa paglalakad ng humarang siya sa harapan ko.
"Ano na naman ba?" Pagod kong tanong sakanya.
"Wala hindi kita iinisin ngayon, ihahatid lang kita kasi alam kong pagod ka na" nakangiti niyang sabi.
Pero sa kabilang banda nakakaramdam ako ng awa sakanya kaya tinignan ko siya ng diretso sa mata.
"Hindi ka ba naawa sa sarili mo ha?" Tanong ko saka ako bumuntong hininga ng malalim.
"Huh? Bakit naman? Hindi ahh" nakangiti niyang sabi.
"'Wag ako ang niloloko mo" iling-iling kong sabi. "Sabihin mo kung naiinis ka na saaken dahil hindi kita pinapansin, at walang araw na hindi kita ipinagtatabuyan, sabihin mo" malumanay kong sabi pero may halong inis sa tono ng boses ko.
"No. Hindi ako naiinis sa 'yo, I have to do this 'cause I deserve this and because... Iniwan kita noon" sabi niya at ngumiti pa rin.
"Pero hindi ko deserve na masaktan ng paulit-paulit Danico, alam mo ba 'yon? Sa ginagawa mong 'yan mas lalo akong nasasaktan at pakiramdam ko ako pa yung may malaking kasalanan sayo dahil sa ginagawa mong 'yan" sabi ko at pagod na rin siguro talaga ako dahil hindi ko na magawang umiyak ngayon.
"I'm sorry–"
"'Yan! Jan ka magaling ehh, sa puro I'm sorry! Nakakasawa na alam mo ba 'yon? Noong mga panahon na hinihintay kong sabihin mo 'yan nasaan ka? Umaasa akong babalik ka at sasabihin mong binabawi mo na yung sinabing mong hindi mo na kayang panindigan ang pagiging boyfriend mo saaken. Nasaan ka ng mga panahong 'yon? Tapos ngayon babalik ka matapos ng halos tatlong taon? Tapos sasabihin mo mahal mo pa ako, ano sa tingin mong mararamdaman ko ha?" Sabi ko at nararamdaman ko na ang hapdi sa mata ko kasi nag-iinit na 'to pero ayaw kumawala ng mga luha ko.
"I'm sorry Lalaine I'm so sorry, I'll explain it to you–"
"Uuwi na ako" putol ko sa sasabihin niya at nilagpasan siya pero hinawakan niya ang braso ko. "'Wag mo akong hahawakan" madiin kong sabi sabay bawi nung kamay ko sakanya.
Naglakad na ako paalis at ramdam kong sumusunod siya pero hinahaayaan ko na lang siya dahil pagod na ako. Pagod na pagod na ako.
Naglakad lang ako hanggang makauwi sa bahay ni gurang at sigurado akong nakasunod pa rin saaken si Danico, natanaw ko si Maui na hinihintay ako sa labas ng gate kaya naglakad naman siya papalapit saaken saka ko siya kinarga at niyakap bago ko siya hinalikan sa ulo at saka pumasok sa loob ng bahay.
"Meow" sabi ni Maui at ikiniskis ang ulo niya sa braso ko kaya nginitian ko naman siya ng bahagya.
Mukhang kabisado na niya ang ginagawa ko tuwing uuwi ako, nagkekwento kasi ako sakanya tuwing uuwi ako at hanggang sa pagtulog ko siya ang katabi ko at kinikiskis niya din ang pisngi niya sa pisngi ko kapag patulog na ako.
BINABASA MO ANG
MY SPECIAL CAT
Storie d'amoreLUCAS KIM. A CEO OF ONE OF THE BIGGEST AND FAMOUS COMPANY, WHO TURN INTO A SPECIAL CAT OF A GIRL NAMED LALAINE. A SIMPLE BUT A FUNNY GIRL ANG A WORK STUDENT WHO LOVES CATS THE MOST. HE IS A GOOD LOOKING MAN BUT ONE OF THE MEANEST CEO. HE LOVES YELLI...