/ᐠ-ᆽ-ᐟ \
LALAINE POV
Dumaan ang ilan pang araw at palaging nasa tabi ko si gurang. Hindi siya nagiging pusa tuwing tanghali at hindi rin siya pumapasok ng trabaho dahil sila tito na ang umaasikaso muna doon at hinayaan si gurang na manatili sa tabi ko.
At ika-pitong araw na simula ng mapansin kong hindi na siya nagiging pusa tuwing tangahali. Hindi ko malaman kung nawala na ba ang sumpa sakanya o kung ano na ang masamang mangyayare dahil wala na nga si Maui.
At eto nga, pag gising ko bigla akong kinabahan dahil wala sa tabi ko si gurang kaya una kong hinanap si tita.
Ano to deja vu? Bakit parang nangyare na 'to noon?
"Tita? Gurang?" Tawag ko sakanila at ng hindi ko sila makita sa sala dumiretso ako sa kwarto ni gurang pero wala talaga pati na rin sa kusina.
"Good morning, Lalaine"
"Ayy pusang gala ka!" Gulat kong sigaw ng bigla na lang lumitaw si Shainna sa harapan ko at nakadress siyang kulay cream. "B-bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ko sakanya.
"Ahh eto hahaha wala testing lang." Sabi niya at umikot pa sa harapan ko kaya ngumiti ako sakanya.
"Ang ganda ahh. Alam mo pala kung nasaan sina gurang?" Tanong ko sakanya.
"Uhh... kumain ka na muna, saka ko na sasabihin sa 'yo" sabi niya kaya nagtaka ako bigla.
Pinakain niya nga ako saka pinaligo pagkatapos bago pinagdamit ng simpleng dress lang din na puti tsaka sneakers na puti rin.
"May patay ba?" Tanong ko.
"Hahahahahaha wala! Ano ka ba magsusukat ka ng gown mo ngayon para sa kasal mo" natatawa niyang sabi kaya nanlaki naman ang mata ko.
"Totoo!? Hala bakit hindi ako sinabihan ni gurang?" Gulat kong sabi.
"Hahaha ewan ko ba doon. Basta ibinilin ka na lang saaken at dalhin daw kita doon pero naka blind fold daw" sabi niya.
"Huh? Bakit? Paano ko naman makikita yung damit ko kung ganon?" Tanong ko bago napakamot sa batok ko.
"Pagpaunta mo lang naman doon, pag nasa loob ka na tatanggalin naman" sabi niya kaya napatango na lang ako. "Ohh siya tara na at baka ma late pa tayo" sabi niya pa kaya lumabas naman ako at nakita kong nasa labas na din ang sasakyan ni gurang.
Nang sinabi ni Shainna na malapit na kami nilagyan niya na ng takip ang mata ko at inalalayan din ako pababa ng kotse at naramadaman ko naman na may isa pang tao na humawak sa kamah ko.
"Shainna?" Tawag ko sakanya para siguraduhing nasa tabi ko pa siya.
Natatakot na ako sa mga ganito ehh.
"Oo 'wag kang mag-alala bantay sarado kita ngayon" sabi niya. "Hakbang ka ng isa" sabi niya kaya humakbang naman ako at narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan.
"Nandito na tayo?" Tanong ko ng huminto kami.
"Hmm ready ka na?" Tanong niya kaya tumango naman ako. "Tatanggalin ko na ang iyong piring" sabi niya ulit kaya tumango naman ako.
Nang matanggal niya na ang piring ko sa mata, kumurap-kurap pa ako dahil medyo nag blur yung paningin ko dahil puro dilim ang nakita ko kanina.
"Tada!" Masayang sabi ni Shainna kaya napatingin naman ako sa harapan ko at nakita ko ang isang napakagandang puting gown sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
MY SPECIAL CAT
RomanceLUCAS KIM. A CEO OF ONE OF THE BIGGEST AND FAMOUS COMPANY, WHO TURN INTO A SPECIAL CAT OF A GIRL NAMED LALAINE. A SIMPLE BUT A FUNNY GIRL ANG A WORK STUDENT WHO LOVES CATS THE MOST. HE IS A GOOD LOOKING MAN BUT ONE OF THE MEANEST CEO. HE LOVES YELLI...