CHAPTER 36

254 24 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

"Can I dance with you?" Tanong ni gurang habang nakalahad pa ang kamay sa harapan ko kaya ibinaba ko naman si Maui bago nakangiting abutin ang kamay niya.

Tumawa pa ako ng pinulupot niya agad yung braso niya sa likod ko papuntang bewang at ilapit pa sakanya.

"Happy birthday, my love" bati niya saaken kaya tiningala ko siya saka ngumiti ng malapad.

"Salamat hahaha paano mo nalaman na birthday ko ngayon?" Tanong ko.

"Well, remember when we first meet?"

"Oo, yung nagkabanggaan tayo diba"

"Right hahahaha you drop your wallet then there's a paper that I picked, then nakasulat doon yung May thirty then a sticker of a cake so" kibit balikat niyang sabi kaya mas natawa ako.

"Ikaw ahh, tapos hindi mo man lang binalik saaken." sabi ko.

"What for? Duh it's just a paper you know" sagot niya kaya napailing ako at napansin ko yung banner na nakasabit doon sa pader.

"Akala ko ang nakalagay can you be my girlfriend hahaha" sabi ko at nilingon niya naman 'yon bago ako tinitigan ulit.

"Actually naisip kong instead of happy birthday, 'yon ang ilagay ko" sabi niya "But ayokong madaliin ka, gusto ko ikaw mismo ang magsabi, at magmula sa bibig mo na tinatanggap mo na ako bilang boyfriend mo. Kaya hindi kita mamadaliin, gusto kong matutunan mo din muna akong mahalin" dagdag niya.

Wow! Straight na talagalog 'yon ahh! Hahahahahaha pero yung mga sinabi niyang 'yon nakakatunay ng puso, as in!

"Biruin marunong ka din pala magsalita ng ganyan hahaha" biro ko kaya pinitik niya naman ang noo ko.

"Your really love joking, do you?" Nakangiti niyang sabi pero nginitian ko lang siya.

"Pero alam mo, tanda mo yung sinabi ko sayo kahapon?"

"Alin doon?" Kunot joo niyang tanong kaya ngumiti muna ako sakanya bago bumuntong hininga.

"Yung about kay Gia. Alam mo tama siya gurang, mayaman ka ako mahirap lang tapos sa bahay mo pa ako nakatira, tapos ano na lang ang iisipin ng ibang tao kapag nalaman nilang boyfriend na kita tapos 'yon na nga nakatira pa ako sa bahay mo, tapos secretary mo lang naman ako. Tsaka yung mga utang ko sa 'yo..." Sabi ko sabay tingin sa sahig. "Tsaka tama din siya na walang-wala nga ako kumpara sakanya" dagdag ko pa at biglang nalungkot.

"Ikaw ba siya?" Biglang tanong niya kaya bigla akong napatingin sakanya na may pagtataka sa mukha.

"Huh? Hindi" sagot ko kaya tumigil naman kami sa pagsasayaw bago siya umayos ng tayo.

"Ohh hindi naman pala, ikaw ang mahal ko at hindi siya. Wala akong pakialam kung mayaman si Gia at wala akong pakialam sa mga sinasabi niya, at lalong wala akong pakialam kung ano ang sabihin ng iba. Wala akong pakialam kung mag-kaiba tayo ng estado sa buhay basta alam kong mahal kita, it doesn't matter." seryoso niyang sabi sabay lagay ng dalawa niyang daliri sa baba ko. "Hindi niya mapapantayan yung saya na ibinigay mo saaken araw-araw, so don't compare yourself to her because you're a treasure for me hmm. Hindi mapapalitan ng pera ang mga masasayang araw na kasama kita at hinding-hindi mapapantayan ni Gia ang ganda mo, inside and out." Dagdag niya pa kaya bigla kong naramdaman na nanggigilid na ang luha ko sa mga mata.

"Gurang naman ehh" sabi ko saka yumakap sakanya para itago ang mukha ko.

"And another one, itatak mo 'tong sasabihin ko in that idiot mind of yours" sabi niya at niyakap din ako pero nakurot ko siya sa likod dahil sa sinabi niya. "Yung utang na sinasabi mo you're paid, matagal na" patuloy niya kaya nagtaka ako.

MY SPECIAL CAT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon