/ᐠ-ᆽ-ᐟ \
LALAINE POV
Sumapit ang hapon at nanatili lang ako dito sa bahay ni gurang at nakahiga ako ngayon sa sofa na parang walang nangyare kanina.
Minabuti nameng dalawa na 'wag niya na akong ihatid sa bahay dahil kailangan kong irefresh and utak ko. Wala na akong maramdamang sakit ngayon dahil nailabas ko na kanina lahat, nagkaintindihan na naman kami na kaibigan na lang talaga.
Masakit din saaken na marinig kanina ang rason niya pero hindi ko na binig deal 'yon kasi tapos na ehh, nangyare na, wala na akong magagawa doon para baguhin 'yon.
Mabait na tao si Danico at talagang maalaga, ginawa niya rin naman lahat para maging isang the best na boyfriend saaken dati at mananatiling magandang alaala 'yon saaken, saameng dalawa. Ikinaggaalit ko lang noon na sinukuan niya ako agad dahil lang sinabi ng nanay niya na hiwalayan niya ako, pero ngayon ok na ako.
Mananatiling alaala na lang ang mga panahong nag-sama kami.
SHAINNA POV
"Can you please slow down?" Bored niyang sabi saaken.
"Psh palibhasa pusa ka ngayon, ehh kung tao ka lang mukhang mas mabilis pa dito ang takbo ng sasakyan" sabi kaya at umirap naman siya. "Kumusta na kaya sila Lalaine? Nagkabalikan na kaya yung dalawa?" Pagpaparinig ko sakanya pero wala naman siyang pakialam. "Kailan ba ang uwi naten gurang ha?" Tanong ko.
"Next week" sagot niya kaya napabusangot ako.
"Ayy mukhang magiging ninang na ako neto pagbalik naten" pagpaparinig ko ulit sakanya.
Ang sarap niyang pikunin at asar-asarin ehh.
"If you want to go back to the philippines, then go." Sabi niya.
"Ehh hindi ka sasama?"
"I still have a job to do Shainna," sagot niya kaya napabuga na lang ako ng hangin.
Kinabukasan, habang nagkakape si Lucas naglalakad-lakad naman ako dito sa loob ng condo niyang malaki.
"Ughh! Nakakabagot gurang! Umuwi na kasi tayo!" Sabi ko saka binagsak ang katawan ko sa sofa.
Hindi niya naman ako pinansin at nanatiling nakaupo at mukhang malalim ang iniisip kaya napairap naman ako saka ako biglang may na naisip. Tumingin naman ako sa phone niya at napangiti ng sobrang lapad at saka naglaho at hindi nagpakita kay gurang at agad na pinatunog ang cellphone niya gamit ang baston ko.
Tignan naten ngayon kung wala ka ngang pakialam kay Lalaine huh!
"Hello?" Sagot niya doon.
Hahahahahaha ginamit ko yung number ni Lalaine para tawagan siya, walang imposible sa diwatang maganda gaya ko 'no!
"Hello? Do you know the owner of this phone sir?" Sabi ko sa ibang boses
"Uhmm yes why?"
"She's in the hospital–"
"What!? Where? Ibigay mo saaken ang address ng hospital. I'll be there" putol niya sa sasabihin ko kaya natawa ako ng mahina.
"Ok sir" sabi ko at tinapos na yung tawag saka nagtext ng pangalan at address ng hospital.
"Yah Shainna where are you? We're going home!" Nagmamadali niyang sabi kaya lumitaw naman ako sa harapan niya habang may tinatawagan naman siya.
BINABASA MO ANG
MY SPECIAL CAT
Roman d'amourLUCAS KIM. A CEO OF ONE OF THE BIGGEST AND FAMOUS COMPANY, WHO TURN INTO A SPECIAL CAT OF A GIRL NAMED LALAINE. A SIMPLE BUT A FUNNY GIRL ANG A WORK STUDENT WHO LOVES CATS THE MOST. HE IS A GOOD LOOKING MAN BUT ONE OF THE MEANEST CEO. HE LOVES YELLI...