/ᐠ-ᆽ-ᐟ \
LALAINE POV
Habang binabagtas namen ang daan kung saan man kami pupunta, tanaw lang ako ng tanaw sa bintana dahil sa ganda ng mga nadadaanan namen.
Tulog lang rin si Maui sa likod habang nasa kulungan niya at ewan ko na lang kung kasama namen si Shainna o hindi.
"Ohh? Gurang ano 'yon?" Turo ko sa mga magaganda at iba't ibang kulay ng bulaklak na nadadaanan namen pero parang parareho lang sila.
"That's Chrysanthemums" sabi niya kaya napakunot naman ang noo ko.
"Huh? Ano?" Naguguluhan kong sabi kaya natawa naman siya ng mahina at tinignan ako ng mabilis bago binagalan ang pagmamaneho.
"Krisantemo in tagalog term. It symbolize happiness, friendship and well-being also one of my favorite flower" nakangiti niyang sabi. "Chrysanthemums has a different symbols in the other countries but most of them are good but in korea, the pink bloom signifies love, the red bloom simply says I love you, and the white carnation shows true love, while the yellow carnations depict rejection and disappointment. " dagdag niya.
"Wew talino mo chong! Hahahaha pero ang ganda nung kulay pink at lavender" sabi ko.
"Do you want it?" Tanong niya saaken.
"Huh? Hindi hahaha ang ganda lang kasi tignan" sabi ko.
"I'll give you one bouquet of that if you want" sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"Hoy! Hahaha hindi na nga tsaka malalanta lang naman 'yan kaya 'wag na hahaha ok na yung nakikita ko lang" sabi ko kaya tinigna niya ulit ako na parang sinisigurado niya nga kung gusto ko o ayaw ko. "Sinasabi ko sa 'yo gurang 'wag na, nakakaloka ka" dagdag ko.
"Hahahaha ok" sabi niya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Hindi nagtagal at bigla akong nakaramdam ng antok kaya nagpaalam ako kay gurang na matutulog lang ako sandali kays inayos niya naman yung inuupuan ko, at yung upuan kanina naging higaan kaya naging komportable ako.
*****
Nagising naman ako dahil sa huni ng mga ibon at lamig ng hangin kaya napaupo ako at napansin kong nasa kotse pa pala ako pero nakatigil na kami.
Binalik ko naman yung hinihigaan ko kanina sa pagiging upuan bago ako tumanaw sa nakabukas na bintana dito sa tabi ko. Puro damuhan lang ang nakikita ko at puno na sobrang lalago at wow! Ang daming bulaklak na sobrang makulay.
Napatingin naman ako sa likod at hinanap ng mata ko si Maui pero wala na siya sa likod pati na rin si gurang kaya lumabas na ako ng kotse saka inayos ang damit ko.
"Nananaginip ba ako?" Bulong ko sa sarili ko.
Ang ganda kasi ng mga nakikita ko sa paligid ko, mapresko kahit medyo mainit at ang sarap titigan ang mga puno at bulaklak na hinahangin. Ang linis din ng paligid at ihhhh!!! Sa dulo may nakita akong ilog na sobrang linis ng tubig at may iilang mga bulaklak din sa tabi ng ilog at mga paro-paro.
"Whaaaaa ang ganda" namamangha kong sabi at naglakad ng dahan-dahan habang may ngiti sa labi at nililibot ang mata sa paligid.
"Gising ka na pala" napatingin naman ako sa harap ko ng marinig ang boses na 'yon at mas napangiti ako ng makita si gurang na karga si Maui. "How's your sleep?" Tanong niya bago niya inilahad ang kamay niya saaken kaya inabot ko naman 'yon saka niya inilagay sa braso niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
MY SPECIAL CAT
RomanceLUCAS KIM. A CEO OF ONE OF THE BIGGEST AND FAMOUS COMPANY, WHO TURN INTO A SPECIAL CAT OF A GIRL NAMED LALAINE. A SIMPLE BUT A FUNNY GIRL ANG A WORK STUDENT WHO LOVES CATS THE MOST. HE IS A GOOD LOOKING MAN BUT ONE OF THE MEANEST CEO. HE LOVES YELLI...
