CHAPTER 10

516 35 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

LALAINE POV

Nang makauwi at makatulog na si lola nagpaalam naman ako sa dalawang kapatid ko na lalabas lang sandali para magpahangin.

Dito ako palagi tumatambay sa may manggahan kasi mahangin at nakakapagrelax ako.

Hinatid din kami dito ni gurang at hindi ko alam kung saan na 'yon nagpunta, umuwi na ata. Ilang minuto pa akong nakaupo dito ng bigla akong may naramdamang may naglalakad papalapit saaken kaya lumingon ako at nagulat ako ng makita si gurang.

"Akala ko umalis ka na?" tanong ko sakanya at binalik ang tingin sa langit.

"Uuwi ako kung kailan ko gusto idiot" sabi niya at napasimangot naman ako ng marinig ang word na idiot

Kung hindi brat, idiot tch may saltik talaga 'to sa utak.

"Bakit ka nga pala nandoon kanina?" tanong ko ulit.

"What?" Masungit niyang tanong at napangiwi ako ng may nilalagay siyang lotion sa braso niya.

"Doon sa tapat ng resto" paglilinaw ko sa tanong ko.

"Bakit bawal na ba akong lumabas ng bahay?" pilosopo niyang tanong kaya napairap ako.

Kahit kailan walang kwentang kausap. Napabuntong hininga naman ako at pinipigilan ang nagbabadyang luha kong kumawala.

Nakailang buntong hininga ako at pilit na 'wag umiyak sa harap ni gurang kase nakakahiya at ayokong makita niya akong umiiyak kasi baka sigawan niya lang ako.

"P-pasok lang ako–"

"Spill it" putol niya sa sasabihin ko kaya napahinto naman ako at nanatiling nakatayo at nakatalikod sakanya.

Lumunok ako para lang pigilan ulit ang luha ko pero napahikbi na ako at itinakip na lang ang dalawang kamay ko sa mukha ko saka umiyak na ng tuluyan.

Hindi naman ako nagsalita at umiyak lang ng umiyak hanggang sa naramdaman ko na lang na may yumayakap na saaken at hinahaplos ang likod ko.

Naaawa na ako kay lola at nahihirapan na din ako, napapagod. Napapagod na ako kakaisip kung ano ang gagawin ko para lang maiahon si lola at mga kapatid ko sa hirap, napapagod na akong magtrabaho pero wala akong ibang choice.

Lahat, pagod na pagod na ako pero mas pinipili kong lumaban para sakanila. Wala akong ibang trabaho na mapasukan kasi hindi pa ako tapos ng kolehiyo kaya kailangan kong pagtyagaan muna ang ganito.

Ang bigat bigat sa dibdib na makita ang mahal mo sa buhay na nahihirapn at imbis na nagpapahinga na dapat siya ngayon pero pinipili niya pa rin magtrabaho.

Ang hirap. Marami pa akong babayaran, yung upa sa bahay, yung mga utang ko at yung pang tuition ng dalawa kong kapatid.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal ko kakaiyak pero bumitaw na ako sa yakap ni gurang at tumalikod sakanya para punasan ang mga natirang luha ko.

"Magpapaalam na ako sakanila" sabi ko at maglalakad na sana paalis ng hawakan niya ang braso ko.

"Haharap ka sakanila ng namamaga ang mata? Ako na" sabi niya saka ako nilagpasan kaya tinanaw ko naman siya na pumasok sa maliit na bahay namen.

Kahit kakatapos ko lang umiyak hindi ko maiwasang magulat sa pinapakitang ugali ni gurang. Mabait naman pala siya, masungit at masyadong mainitin lang talaga ang ulo.

*****

Nang makaalis kami sa bahay namen hindi na ako nagpakita sa mga kapatid ko at sinabi raw ni gurang na nakatulog ako dito sa kotse niya.

MY SPECIAL CAT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon