/ᐠ-ᆽ-ᐟ \
SHAINNA POV
Napangisi naman ako ng makita ang gulat sa mga mata niya ng gawin ko 'yon. Tinabingi ko naman ang ulo ko sa kanan saka tumawa.
"Hahahaha nakikilala mo na ako? Nakikilala mo na ang mga matang 'to ha?" natatawa kong sabi.
"You... impossible. You're not her" sabi niya habang naninigas pa rin ang katawan dahil sa kapangyarihan ko.
"Yes I'am, meow" sabi ko saka ngumiti sakanya at bigla kong iniba ang anyo ko at nag-anyong pusa.
Mas nagulat naman siya at napanganga din siya at ibinalik ko din naman agad ang sarili ko sa pagiging tao saka naglakad paikot sakanya.
"Ako lang naman yung pusang inabandona mo tatlong taon na ang nakalilipas" sabi ko at pagharap sakanya hinawakan ko ang neck tie niya at tinignan siya ng matalim.
Tinanggal ko naman ang kapangyarihan ko sakanya pero nanatili siyang nakatingin ng gulat na gulat saaken.
"H-h-how? W-w-what–"
"Hindi ka ba makapaniwala sa nakita mo? Psh well isa akong fairy at napakadimalas mo. Alam mo ba noong mga panahong kinupkop mo ako, tuwang-tuwa ako noon ha? Kasi sa wakas may mag-aalaga na saaken. Pero dahil lang nadumihan ko ang pinakamamahal mong kama tinapon mo na ako? Napakawala mo palang puso." sabi ko sakanya at binitawan siya at naupo doon sa pwesto niya kanina. "Matagal na kitang binabantayan alam mo ba 'yon? Simula ng may kumupkop saakeng bago binabantayan pa rin kita, at alam mo ba kung sino yung taong buong puso akong kinupkop kahit ang dumi at baho ko noon?" dagdag ko pa at pinaikot-ikot yung swivel chair niya.
Nilingon niya naman ako na puno pa rin ng gulat at pagtataka.
"Y-you mean you're a fairy right? I'am dreaming? The fvck!" sabi niya at sinapak-sapak pa yung mukha niya kaya natawa ako.
"Hindi ka nanaginip, totoo 'to. Nasosobrahan ka na at hindi ko na kayang pati ang pinakamamahal kong tao ay pinapahirapan mo. Ang taong kagaya mo ay pinaparusahan at hindi nagpapakasasa sa perang ni wala namang kwenta sa buhay mo kung nag-iisa ka lang naman" sabi ko sabay tayo at nilapitan ulit siya.
At habang naglalakad ako iniba ko ulit ang itsura ko at pinakita sakanya ang tunay na ako, ang diwatang inabandona niya. Lumipad ako gamit ang mga pakpak ko at lumipad palibot sakanya.
"What did I do to you? Why are you doing this!?" sabi niya at mukhang mababaliw na siya dahil sa nakikita niya. "Go away!" dagdag niya pa.
"Saaken walang kaso yung ginawa mo saaken kanina pero sa mga taong nasasaktan mo, marami kang kaso." sabi ko saka bumaba ulit at itinago ang pakpak.
"Fvck go away! I don't need you here!" sabi niya pero tinawanan ko lang siya at nilapitan pero umatras siya ng umatras hanggang sa mapasandal siya sa mesa niya kaya kinorner ko naman siya.
"No, you need me to change, and you need someone to teach you how to respect other people surrounding you!" Nanlilisik na mata kong sabi. "Namumuro ka na! Alam mo? Oo mahalaga ang pera pero mas mahalaga ang mga buhay ng mga sinesesanti at inabuso mong tao alam mo ba 'yon? Mabuti sila masaya kahit papaano dahil may nauuwian silang pamilya ehh ikaw? Nasaan ang pamilya mo? Diba pare-pareho kayong nagpaparami ng pera tapos ano!? Pag-aaway-awayan niyo lang rin naman" sabi ko at nilabas ang mahiwaga kong baston.
"What are you gonna do?" natatakot niyang tanong. "If you want my apology the I'll give it to you, just leave me alone" dagdag niya pa pero umiling ako.
BINABASA MO ANG
MY SPECIAL CAT
Roman d'amourLUCAS KIM. A CEO OF ONE OF THE BIGGEST AND FAMOUS COMPANY, WHO TURN INTO A SPECIAL CAT OF A GIRL NAMED LALAINE. A SIMPLE BUT A FUNNY GIRL ANG A WORK STUDENT WHO LOVES CATS THE MOST. HE IS A GOOD LOOKING MAN BUT ONE OF THE MEANEST CEO. HE LOVES YELLI...