3

19 0 0
                                    

THIRD

Mga ilang minuto lang naman ang naging biyahe naming dalawa. Nang makababa sa bus ay halos malula ako sa laki ng gusali na nakikita ko ngayon. hindi ko inakala na mas malaki pala ang pupuntahan naming dalawa nitong si...

Nagagalit siya sa'kin kasi di niya alam ang pangalan ko pero hindi ko rin naman alam ang kaniya!

Muli niyang hinawakan ang braso ko at hinila papasok sa malaking gusali, Nang malapit na kami sa entrance ay bigla na lamang iyon bumukas ng kusa na mas lalo kong ikinamangha.

" Wahhhh, Paano bumukas yon ng kusa?!," naglalakad kami papasok ngunit ang tingin ay na natiling nasa may entrance pa rin at nakumpirma ko nga na sa oras na may papasok ay agad na itong bubukas.

Narinig ko siyang natawa ng mahina, " Ngayon ka lang ba nakakita ng pintuan na kusang bumubukas? Automatic ang tawag diyan we are in a modern world now, so expected na lahat ng bagay ay high tech na...," sabi niya at nang kibit balikat.

high tech? automatic?

Hindi na ako sumagot at isinawalang bahala muna ang katanungan na mayroon ako, Muli kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid lahat ata ng bagay maski ang pinaka maliit na detalye sa lugar na ito ay nakaka bilib.

Tumigil kami sa may parang pasilyo na may makina at may harang sa gitna, napansin ko sa iba na parang may idinidikit sila roon para maalis ang harang at makapasok na sila ng tuluyan sa pinaka loob.

Huminto lang kami saglit dahil may kinuha siya sa bag niya na parang card, katulad lang din ng mga na pasok kanina.

bigla siyang napa hawak sa noo niya na parang may naalala, " Shet, Oo nga pala isang tao lang kada employee ang merong card," bumaling siya sa akin na may problemadong tingin. tatanungin ko sana kung bakit kaso tumunog na naman yung telepono niya.

"Oh?...Nandito na ako sa baba ikalma mo...Oo na nga, ang kulit, mahihimigan mo ang inis sa mukha niya dahilsa kausap niya at ang pagkunot nang kilay niya - babye na...hindi ka talaga makatagal na wala ako e noh, dont worry babe malapit na ulit tayong magkita,"

"Tarantado! bilisan mo na..." ang huling narinig bago mamatay ang tawag.

babe? may roon na siyang karelasyon?

pero lalaki ang nagmamayari ng boses na iyon, ibig sabihin may karelasyon siyang lalaki?!

Wala naman akong kaso sa mga taong ganoon noh, buhay naman nila yon kaya okay lang sa'kin kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay. Kaya kung sakali man na totoo nga na may karelasyon na siya na katulad niya rin ay ayos lang. saka siguro proud yun sa kaniya kasi napaka bait niya.

" Huy! ayos ka lang ba? natulala ka riyan" napaayos ako ng tayo dahil sa ginawa niyang pagpitik sa noo ko. hindi naman masakit tama lang para magising ako.

" Sorry, ano ba yon?"

" Sigurado ka? baka mamaya kasi nagugutom ka ulit?"

Napailing ako dahil sa sinabi niya, " Hindi naman busog pa rin ako sa kinain ko kanina,"

tumango naman siya ng ilang beses dahil sa sinabi ko, " Ganito may problema kasi tayo..." sinuklay niya ang kaniyang buhok paatras, na natili akong nakikinig sa kaniya.

"Isang card lang kasi bawat employee, kung wala kang card hindi ka makakapasok sa loob...pero huwag ka magalala hindi naman kita papaalisin e,"

hindi ako sumagot kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaniya e. wala akong kilala rito kaya hindi ko alam saan niya ako iiwan.

ENCHANTING * K.JunkyuWhere stories live. Discover now