THIRTEENTH
BRIA
Finding new work, Kasi boring na sa luma. De joke lang. Hindi naman sa nagsasawa na ako sa trabaho ko sa company nila Kyu, kaso kasi naisip ko na I want a new environment. I mean want ko maging independent, I want to find a job without a help of others.
Feeling ko kasi mas matutuwa ako kung sarili kong pagsisikap ang nahanap ko na trabaho. Dahil day off ko naman now at wala ang mga KAYAMAN, I decided na now na lang mag-Job Hunting.
Of course, I'll make sure na bago makauwi ang mga yun ay nandito na ulit ako sa dorm. Nasa photoshoot na naman kasi ang nga iyon para sa comback nila this month. Actually, Si Ms.Raya pa lang ang nakakaalam na may balak na akong umalis sa company and find a new work.
Nuong una ay hindi rin siya sangayon kasi baka daw mahirapan ako hindi tulad kapag sa company, pero nung makita na wala na talagang makakapag-bago ng decision ko ay wala na rin siyang nagawa at sumuporta na lamang.
Wearing a sleeveless white dress and paired with a light blue half blazer Jacket, and I wore my also light blue converse shoes. Kinuha ko na ang mini bag ko na naglalaman ng mga kailangan ko.
And that's it! I am ready for a Job Hunting!.
Shutek!
Yawang yan, Tirik na tirik na ang araw pero wala pa rin akong mahanap na new work na patok. I know naman na hindi dapat maging maarte kung maghahanap ng work e kaso buhay ko naman toh kaya gusto ko maayos at maeenjoy ko ang new work na mahahanap ko kahit mahirap.
Nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng aking kalamnan kaya napag-pasyahan ko na kumain sa nakitang stall ng pagkain. Agad akong nagtungo roon, naabutan ko ang isang babaeng may edad na at tila naghihintay lamang ng kakain sa kaniyang muntinh kainan.
"Hello po," nakangiting sabi ko ng makapunta ako sa harapan ng stall. Nagliwanag ang mukha nito at tila nabuhayan ang loob ng makita ako.
"Hay, Naku ang aking unang costumer!," halos mapunit ang kaniyang labi dahil sa pagkakangiti nito. Nakasiklop ang kaniyang dalawang palad at para bang may nakita akong kislap sa mata niya.
Mukha nga yatang masaya siya sa pagdating ko.
Naupo na ako sa bakanteng upuan na naka konekta na rin sa kaniyang munting kainan. Napatingin kaagad ako sa mga pagkain na available, Ang masasabi ko lang ay mukhang nakatatakam ang mga ito sa unang tingin pa lang. May nakalagay na rin naman na menu sa may gilid kaya kinuha ko.
"Ito po ang order ko, Sa drinks naman po ay pineapple juice na lang po," nang makapili ay ibinalik ko na rin sa lalagyan ang menu.
Ang inorder ko kasi ay yung noodles na may mga fried pork sa may gilid. Trip ko lang kumain ng may sabaw bakit ba?
"Okay, Maghintay ka lang d'yan at wag kang aalis," Sabi niya at isinuot na ang kaniyang apron ay ang mga ingridients na gagamitin. Sa harap ko rin mismo siya naghahanda kaya kitang kita ko ang ginagawa niya.
Halata naman talagang masasarap ang pagkain ni manang e, Pero bakit walang nabili?
" Kung ayos lang po, Pede ba akong magtanong?."
"Oo naman, Mas maganda nga Yon e hindi ka mabobored kaya sige magtanong ka lang," nakangiting sabi niya at nagpatuloy sa ginagawa.
"Hmmn, Nagtataka lang po kasi ako kung bakit ako ang nauna niyong costumer. Kasi mukha naman pong masasarap ang inihahain niyo." Napansin kong napatigil ito at napabuntong hininga.
"P-Pero ayos l-lang po kahit wag niyo na sagutin, mukhang hindi po yata ayos ang naging tanong ko hehe." Napakamot ako sa aking batok. Kung minsan talaga basta curious ako ay naibubulalas ko na lang ang mga salita na nasa isip ko.
YOU ARE READING
ENCHANTING * K.Junkyu
FanfictionAnong gagawin mo if ever na maranasan mong magising sa isang lugar na wala kang alam kung paanong nangyari na na punta ka roon? No name No Money No Home No memories Inshort you have NOTHING! How will you survive to the world that you don't know to...