18

4 0 0
                                    

EIGHTEEN

BRIA

Umpisa ng araw at ang umpisa ng photoshoot, Abala ang lahat mula pa kaninang umaga ang plano ko na mamasyal habang may ginagawa silang lahat ay hindi ko rin nagawa. Naisip ko kasi ka mas maganda kung kasama ko yung dose, mostly si Junkyu.

Nakatingin lamang ako sa kisame habang nakahiga sa kama walang balak na gumawa ng kung ano. Wala lang siguro ako sa mood bumangon pa, I don't know what is happening to me parang kahapon lang super excited ko.

Dahil ba ito sa sinabi ng Manager nila Kyu kagabi?

Yes, nakasalubong ko kagabi ang manager nila at may sinabi siya na medyo nakaapekto sa akin. It keeps me up all night because of that. Napabuntong hininga na lamang ako at nagpasya na tumayo at magtungo sa banyo.

Bitbit ang mga kakailangin ko ay nagsimula na rin ako maligo pagkapasok ko sa loob. Nang matapos ay agad akong nagtungo sa kama ko kung na saan ang maliit ko na bag kung saan nakalagay ang mga madalas ko gamitin.

Inabot ko ang cellphone ko na naka patong sa maliit na cabinet sa tabi ng kama. Hindi ko pa ito na chacharge mula kahapon kaya alam kong low battery ang isang ito. Kinuha ko ang charger na kasama sa maliit na bag at isinaksak iyon.

After ko magsuklay ay lumabas na rin ako sa kuwarto. Gusto ko lang makita kung kamusta sila sa photoshoot, Sisiguraduhin na hindi ako makikita ng manager nila! Nakakatakot kasi ang itsura niya kapag seryoso, Para bang isang mabangis na lobo na nagtatago lamang sa balat ng isang maamong tupa.

Akala mo okay, In the end hindi naman pala.

"Just so you know, I know who you really are...Galingan mo pa sa pagpapanggap dahil kapag na laman ng CEO na hindi ka talaga kapatid ng isa sa kanila malaking epekto yun sa grupo nila."  napahinto ako at halos hindi makagalaw dahil sa sinabi niya sa akin.

" Tandaan mo nagsisimula pa lang umusbong ang career ng mga yun at baka dahil sa'yo baka bigla na lang mawala ang pinaghirapan nila gusto mo ba yun?." Umiling ako ng ilang ulit, hindi ko kayang harapin ang itsura ni Ms. Trina ngayon. Masyado iyong blanko.

" Ayun naman pala, ayaw mo ng ganun.. Mas lalong ayaw ko nun. Kaya kung ako sa' yo aalis ako ng tahimik at lalayo ako ng hindi nila nalalaman. Galingan mo magdesisyon okay?."  Sa huling beses ay hinaplos niya ang buhok ko at umalis nang parang walang nangyari.

S-She knows.

At Isa lang ang mangyayari kung hindi agad ako lalayo sa kanila, At katulad ng sinabi niya ayaw ko mangyari yun.

Ang paglayo sa buong Treasure ay ang paglayo ko rin kay Junkyu. Kailangan ko umisip ng paraan kung ayaw kong may mangyari.

SHOCKS! Naalala ko na naman. I don't get it actually, Lalo na kung paano niya nalaman na wala naman talaga akong kapamilya sa doseng yun. If I tell all of them, sure ako na magugulat din sila.

Siguro nga ganun na ka high tech ang mundong ito Pati impormasyon ng isang tao ay puwedeng puwede mo ng malaman sa isang iglap.

Nang makarating ako sa location ng photoshoot which is sa labas ng hotel, sa likod kasi nun ang pool Area. Doon muna kasi nila sisimulan bago doon sa may dagat.

Hindi na ako nagpunta sa pinaka location kung na saan ang lahat na kasama sa endorsement na gagawin, Basta na natili lamang ako sa malayo habang pinapanood sila sa ginagawa.

Halatang tapos na ang maknae lines (Dobby, Ruto, Jeongwoo, Junghwan) dahil nakaupo na lamang ito sa gilid at may mga hawak na maliliit ka electric fan na nakatapat sa mga mukha nila. Diba? Pati electric fan may mini version na rin!.

ENCHANTING * K.JunkyuWhere stories live. Discover now