FOURTH
Labing Isa...
labing isang pares ng mata ang mataimtim na nakatingin sa akin ngayon sa bawat tingin nila ay para bang hinuhusgahan na nila ako mula ulo hanggang paa sa madaling salita buong pagkatao ko na ata."Hyung sino siya?," biglang tanong ng lalaking nasa gilid kumakain ito ng donut at nakatingin lang din sa akin he has a chubby cheeks.
Napakamot ng ulo si Junkyu at binalingan ako ng tingin at nakangusong tumigin sa mga kasamahan niya," Ah eh...ano nga ba ulit pangalan mo?...Ah tama wala siyang pangalan." Napapangiwi pa nga habang sinasabi yun.
Sabay sabay nagsilakihan ang mga mata ng mga kaibigan katulad lamang ng unang beses na malaman ni Kyu na wala akong pangalan.
" Imposible yon," sabi naman ng lalaking medyo maliit at base sa pormahan niya ay iba siya manamit sa iba masyadong madaming kung ano anong nakasabit na metal sa katawan.
"Ano ka ba ni Kyu girlfriend ka ba niya?." Sumangayon naman sila sa tanong ng isang ito.
Napaisip ako noong una girlfriend? friend? equals kaibigan!
"Oo," maikling tanong ko na mas lalong ikinalaki ng mata ng lahat na maski si Junkyu ay naging ganoon din ang reaksyon.
Anong problema niya hindi ba at tama naman?
Napahawak naman sa dibdib niya ang isang lalaking katabi nung nagsalita kanina yung maporma?ano ba yan andami naman kasi nilang tanong e I want to know their names already para hindi na ako nahihirapan mag describe.
"May girlfriend ka? Akala ko ba ako ang bestfriend mo wala ka man lang kinukuwento sa akin," napapikit at nakahawak pa rin sa kaniyang dibdib na tila nasasaktan talaga sa kaniyang nalaman," You hurting my feelings," at may papunas punas pa sa kaniyang mata.
"OA mo tanga," sagot naman ni Junkyu na ikinatawa ng iba. " shhh..badwords yun ah," saway naman ng maraming anik anik sa katawan niya, e sa maraming nakasabit sa leeg niya. saka nung sinaway niya si Kyu at pinatahimik niya ang lahat ay sumunod lamang ang mga ito sa kaniya.
Napaisip ako ng wala sa oras dahil doon, " Ikaw ba ang pinaka matanda?," tanong ko kaya sa akin muli nabaling ang atensyon nila na mukhang maling desisyon sana nanahimik na lang ako.
" Oo ako ang kuya nila pero huwag mo naman sana idiin yung salitang matanda...bad words yon," napayuko siya na tila nahihiya kaya na ikinatawa na naman ng iba.
" Hyunsuk hyung, hindi bad words ang katotohanan kailangan mo lang talagang tanggapin," sabi naman nang lalaking tahimik lang kanina at blanko ang ekspresyon na mas lalong nagpatawa sa iba na maski ako ay nadamay na rin.
"Asahi!," sigaw nang Hyunsuk. Okay okay ang pinaka matanda ay yung Hyunsuk at itong medyo straight face ay si Asahi.
2 down 9 more to go.
" Tama na! kailangan na'tin magpakilala sa girlfriend ni Kyu, kahit hindi ko alam kung paanong nangyaring may girlfriend nga talaga siya," sabi ni Hyunsuk. bakit ba sila nagtataka bawal ba magkaroon ng babaeng kaibigan si Junkyu?
" Okay puwesto! Junkyu sumama ka muna sa amin kailangan toh para naman hindi tayo mapahiya sa harap ng girlfriend mo," napakamot sa batok si Junkyu at tumakbo rin palapit sa kanila.
YOU ARE READING
ENCHANTING * K.Junkyu
FanficAnong gagawin mo if ever na maranasan mong magising sa isang lugar na wala kang alam kung paanong nangyari na na punta ka roon? No name No Money No Home No memories Inshort you have NOTHING! How will you survive to the world that you don't know to...