19

18 0 0
                                    

NINTH TEEN

BRIA


"Aalis na ako pagkatapos natin kumain ah, Saka ang mahal mahal naman dito tapos kapiranggot lang naman pala ng baka ibibigay nila. Ano tawag dito? Design na may kaunting beef?!," Nakita kong sumama ang itsura nang waiter na nagbigay sa baso namin ng tubig kaya hilaw akong  napangiti rito.

Inismiran lamang ako at narinig ko pa ang bulong nito na marami daw akong reklamo masyado akala mo kung sino. SORRY naman!, Kung sa ayun ang na pansin ko e.

Narinig ko naman ang pagtawa ng kaharap ko ngayon, Sinamaan ko lamang siya ng tingin ngunit imbis na tumigil ay mas lalo lang siyang humagalpak ng tawa. Baliw.

Actually, Mula kanina pa kami magkasama ng isang yan. Wala atang ibang gagawin kahit anong bilis ng lakad ko para makalayo sa kaniya ay mabilis niya pa rin akong na susundan kaya wala na rin akong nagawa.

Panay pa ang daldal kahit hindi ko naman kinakausap kaya ang ending parang kumakausap lang siya sa hangin. Apaka Ingay ng bunganga sarap busalan nang kung ano para lang manahimik e.

Sabi niya kasi nagugutom na daw siya, Sakto naman na ito yung restaurant na nakita niya kaya nandito kami ngayon. Hindi nga dapat ako sasama at uuwi na lang ako sa hotel room namin dahil baka tapos na rin sila Kyu, Saka baka kaniya kaniya pa lang bayad e wala naman akong pera sa ganito ka mahal na kainan.

E kaso ang sabi libre niya daw, Aba! Sino naman ako para tumanggi hindi ba? Grasya yan.

" Alam mo kapag hindi ka pa tumigil kakatawa," Kinuha ko ang maliit na knife na nasa gilid ay itinutok sa kaniya " Itatarak ko toh sa ngala ngala mo at hindi ako nagbibiro."

Napaayos naman siya ng upo at tumikhim pagkatapos, " Relax ka lang, Masyado lang talaga akong natutuwa sa'yo. "

" So mukha akong Clown sa paningin mo ganun?."

May balak na naman sana siyang tumawa kaya muli kong itinutok sa kaniya ang kutsilyo kaya hindi niya na ituloy.

"Ito naman, Ibaba mo nga yan." sambit niya kaya ibinaba ko na, Mabilis lang naman kuhanin ulit at itutok sa kaniya.

" Isa pang tawa mo, Talagang Itatarak ko na talaga sa lalamunan mo yan. Hindi ba uso sa'yo manahimik kanina ka pa kaya daldal ng daldal magpahinga ka. "

" E sa gusto ko magsalita e, Ayun nga nagustuhan ng mga fans ko ang pagiging masiyahin ko at pasalita hindi daw ako nakakaboring kasama. "

" Fans mo yon, Hindi mo ko fans kaya magtigil ka."

" Ayoko nga, Natutuwa nga kasi ako sa'yo masyado kang nakakaaliw sa paningin ko."

" Tingin mo talaga sa'kin Entertainer?! Siraulo ka ah!." mukhang napalakas ata ang pagkakasambit ko nun dahil nakita kong napatingin ang ibang table na malapit sa amin dahil doon.

Nagpipigil naman siya ng tawa kaya tinadyakan ko siya sa paa, napangiwi naman siya dahil sa sakit na naramdaman. Lakas mo ah.

Nagsimula na rin naman akong kumain at hinayaan na lamang siya, nagugutom na ako saka baka lumamig na rin magiba pa lasa.

Pareho kaming natuon ang atensyon namin, Narinig ko na lamang ang guard na may winiwelcome ibig sabihin lamang na may bagong pumasok sa loob. Hindi ko na lamang pinansin masyado dahil ang gusto ko lamang ay ang pagkain na nasa harapan ko na mukhang malapit ko na rin maubos.

" Kilala mo ba yung Treasure?." Biglang tanong ni Clint, Yes kilala ko na yan ilang beses ba naman ipaalala name niya.

Tumango naman ako, " Hmmn, bakit?."

ENCHANTING * K.JunkyuWhere stories live. Discover now