EIGHTH
BRIA
"Bakit mo ginawa yon paano kung ikaw ang gantihan nila?," agad na sabi niya ng makarating kami sa tapat ng dance practice room nila.
Kahit kapos pa ang hininga dahil sa pagtakbo ay humarap ako sa kaniya, " Wala akong pakialam, sila naman ang nauna e hindi nila dapat ginawa yon sa'yo, " Hindi ko maiwasan na maitaas din ang boses ko at maipantay yon sa kaniya.
Bakit parang galit pa siya? Hindi ba siya natutuwa na ginawa ko yon para sa kaniya?
"Oo nga, Pero Senior ko sila...,"
"Hindi porket na senior mo sila kailangan na nilang gawin sa'yo yon, Tama ba namang sabihang ka nilang walang kuwenta?!," halos mamula na ako sa inis at galit. Pinagtatanggol niya pa kasi ang mga 'Senior' na yon.
"Bria...Hindi naman sa ganoon, mas may alam pa rin sila sa'kin noh kaya hindi ako puwedeng magmataas dahil kumpara sa narating ng grupo nila wala pa sa kalahati ang grupo namin,"
Ngunit hindi pa rin ako nagpatinag, " Kahit na! Hindi dapat ganoon ang isang Senior, they should be a good influence na makikita ninyo... But in what I see earlier they're not acting like one Junkyu, " ramdam ko na malapit na akong sumabog sa inis. Kung ipagpapatuloy niya pa rin ang ginagawa niyang pagtatanggol sa mga yon ay lalayasan ko na talaga siya.
" Still Bria- You know what papasok na ako sa loob, there's no point in this conversation if you will just continue to defend your so called very amazing Seniors," I rolled my eyes in annoyance at pumasok na sa loob na hindi maipinta ang mukha. Anong magagawa ko? Kasalanan niya toh masyado siyang nakakagigil ngayong araw.
I get his point naman e, yes Senior niya ang mga yon at mas nauna sila sa larangan ng pagiging Idol or artist pero hindi naman tama na sabihan nila ng walang kuwenta ang mga rookie groups na katulad ng TREASURE! Hindi pa lang naman nila naibibigay ang mga kaya nilang gawin.
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng dance practice ng Treasure, patuloy niyang tinatawag ang name ko ngunit hindi ko pa rin siya pinapansin.
pagpasok ko sa loob ay naabutan ko silang nakapalibot kay Ms.Raya at mukhang may matiim na pinaguusapan dahil na rin sa mga itsura ng mga ito na seryoso. dahan dahan akong nagtungo sa direksyon upang hindi makadisturbo sa kung ano mang pinaguusapan.
Bumukas muli ang pinto at si Junkyu naman ang iniluwa nito, magsasalita sana siya at lalapitan ako kaso ng makita niya ang mga miyembro niya na nakapalibot kay Ms. Raya ay doon siya nagtungo at umakbay kay Jihoon. Tulad ko a hindi rin maipinta ang kaniyang mukha.
Naupo lang muna ako sa mga upuan na nasa gilid habang naguusap-usap sila. Mga ilang minuto ay nakita ko ang saya sa mga mukha nila alhough nakita ko na naman silang Happy because all of them is so chaotic even Asahi na akala ko nung una ay tahimik lang but He is really weird.
But by the look at there faces, Kakaiba ang saya na makikita sa mga mukha nila lalo na kay Jihoon at Hyunsuk. Ano kayang nangyari.
" I will see you next week okay? Paghandaan niyo yan at huwag niyo akong bibiguin," sabi ni Ms. Raya at sabay sabay niyang ginulo ang buhok ng dose.
" Yes Ms.Raya," Sabay sabay na sabi nila.
Napadako naman ang tingin ni Ms. Raya kaya agad akong tumayo at iniabot sa kaniya ang mga papel na iniutos niya sa akin kanina.
" Thank You, Bria. Sabay na tayong lumabas para diretso ka na rin sa pagchecheck nang attendance ng mga Trainees," tumango ako at sumunod sa kaniya sa paglalakad.
Haharang sana si Junkyu ngunit hindi na niya natuloy dahil siguro na kita niya na kasama ko si Ms. Raya kaya bumalik na lamang sa puwesto niya kasama ang iba na kita pa rin ang mukha sa mukha.
YOU ARE READING
ENCHANTING * K.Junkyu
FanfictionAnong gagawin mo if ever na maranasan mong magising sa isang lugar na wala kang alam kung paanong nangyari na na punta ka roon? No name No Money No Home No memories Inshort you have NOTHING! How will you survive to the world that you don't know to...