14

4 0 0
                                    

FOURTEENTH

BRIA

"L-Lambingin?." tumango siya ng ilang ulit habang naka pout ang labi.

"Hmmn, pero kung ayaw mo naman ayos lang. Handa naman akong lambingin ka bawat minuto," nag-hurimintado na naman ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niyang yun.

Lumayo na siya ng unti sa akin at umupo sa upuan na katabi lamang ng akin. " Pero sabi mo kanina..."

" Bakit? Kaya mo bang gawin?, " mabilis akong umiling dahil hindi naman talaga ako sanay na gawin ang bagay na iyon.

"See? That's what I thought," he chuckled. " Hindi naman kita pipilitin e, hihintayin ko na lang na ikaw na mismo ang gagawa kahit hindi ko sabihin," he said and plastered a smile that make my heart raised so fast.

Napapa english na naman ako ng wala sa oras dahil sa lalaking ito. Kahit may mali go! go!.

"Makakain na nga lang." tanging sabi ko para maiba naman ang usapan.

Tumango siya at inayos pa ang mga brownies ang dapat na ibibigay ko sa kaniya ay inilapit niya rin.

"Sige lang, sayo naman talaga yan e. Excited nga ako habang binibili yan, tapos hahanapin mo si Jihoon, wala naman pasalubong sa'yo yun," sabi niya na nasaktuhan namang pagpasok ng buong kayamanan sa dorm kaya parehas kaming napabaling ni Kyu.

Unang pumunta sa kusina si Jihoon na may bitbit na paper bag din at mukhang excited din siya na ipakita kung ano yun.

"BRIA! May dala ako para sa'yo, nung nakita ko'to ikaw talaga una kong naisip," ngunit bago niya maibigay sa akin ay inagaw na yun ni Junkyu.

"Hindi niya gusto yan, hindi niya toh magugustuhan kaya saya lang." sabi ni Junkyu, kinuha naman ni Jihoon ang dala niya kanina.

"Bakit ikaw nagdedesisyon? Si Bria ka ba?."

"Hindi, pero alam ko ang nga gusto niya at hindi kasama duon ang binili mo."

" Hindi pa nga nakikita, ayaw agad?!." lumapit si Jihoon at handa muling ibigay ang dala niya ng pigilan na naman ni Junkyu at hindi na maipinta ang mukha.

"Huwag mo na nga sabing ibigay e!." sikmat ni Junkyu. Sa itsura niya ay mukhang kaya niyang itapon palabas ang hawak ni Jihoon, Kaya bago pa man magkagulo ay ako na ang kumuha ng tuluyan sa hawak ni Jihoon.

"Sa akin na," na tahimik silang dalawa dahil sa ginawa ko mas lalo naman sumama ang timpla ng mukha ni Junkyu dahil doon.

"tsk," huling sabi niya bago padabog na umalis sa kusina. Mukhang magtatampo na naman ang isang yon.

Lumapit sa akin si Jihoon, " Anong nangyari dun?," tanging kibit balikat na lamang ang naisagot ko sa kaniya at sumunod sa nagaalburutong koala bear.

Hay, Junkyu...

"Alam mo naman ang best friend mo," I gave him a knowing look at tanging pagtawa na lamang ang naisagot.

"Sabagay, Iba talaga ang mga topakin."

"Sira, Kaya mas naiinis sa'yo yun e. D'yan ka na nga, Salamat dito ah," inangat ko ang paper bag na hawak.

ENCHANTING * K.JunkyuWhere stories live. Discover now