12

8 0 0
                                    

TWELVE

BRIA

"Saan ba kasi tayo pupunta?," yamot na sabi ko. Ang aga niya akong ginising, weekend naman kasi so definitely pahinga ngayon.

"Secret, Hindi na yun magiging surprise kapag sinabi ko," hawak niya ang kamay ko habang sa kabilang kamay niya naman ay mga gamit daw na kailanganan namin.

Handang-Handa talaga siya kumpara sa akin na mukhang bangag. Huminto ako sa paglalakad kaya tumigil rin siya at nagtatakang bumaling sa akin.

" Mamaya mo na lang gawin yung surprise mo, please. Inaantok pa ako e," kailangan kong makumbinsi ang isang ito na mamaya niya na lang ako isuprise. Kulang kasi talaga ang tulog ko huhuhuhu. Kakaisip sa sinabi niya.

Umiling ito ng ilang beses at nagpatuloy na maglakad, masyadong siyang malakas kahit palaging tulog lang naman ang ginagawa niya. Oo nga noh, bakit kaya Alive na alive siya? Aga pa gumising e madalas naman siya lagi ang late gumising.

"Hindi puwedeng pag-hintayin ang surprise ko sa'yo, after nun puwede ka na matulog ulit. Sabay pa tayo kung gusto mo e," na natili siya sa kaniyang plano at walang balak na makinig sa akin.

Nang makababa sa lobby at agad kaming nagtungo sa parking lot. Pagkarating roon ay nakahanda na ang sasakyan na aming gagamitin para sa kaniyang 'surprise'.

" Masasapak na talaga kita Junkyu!,"

" Wala ka na bang ibang masabi kanina mo pa ako pinagbabantaan wala naman nanggayari," confident na sabi niya at naglakad muli.

Mga ilang oras na kaming umaakyat sa bundok!. This is the surprise he was talking about. Ang akala kong simpleng picnic lang ay sa tuktok pala ng bundok balak niyang gawin.

Kanina pa rin ako nayayamot. Ala'Singko umalis ng bahay tas ngayon maga-Ala'syete na ng umaga wala pa kami sa tuktok. Nagugutom na rin ako at napapagod pero panay naman ang pigil ni Junkyu at sabing malapit na kami at inting tiis na lang.

Nakakailang sabi na siya nun pero hanggang ngayon nasa trail pa rin kami! Sige nga, sinong hindi nanaisin na masapak siya?!.

" B-Bria, Nagsisimula na ata akong magustuhan ka,"

Umiling ako para mawala ang naisip ko, bakit ba kasi bigla na naman pumasok yun?its not like lagi kong naalala yun, talagang bigla lang siyang pumasok sa utak ko.

Mga ilang minuto pa ay nakikita ko na na malapit na kami sa destinasyon namin, medyo malapit na akong makapahinga ng tuluyan ay mabigyan na ng laman ang tiyan kong kanina pa nagaalburuto.

Agad akong tumakbo upang makarating na kaagad sa tuktok na iyon, kahit pinipigilan ako ni Kyu ay hindi ko na lamang inabala pa basta lamang akong tumakbo.

Ngunit ng makita ang tanawin na nasa harapan ko ngayon ay halos hindi ko na maisara ang aking bibig sa pagkaka-bukas, napaka-aliwas at ang simoy ng hangin ang bubungad sa'yo kaya hindi mo talaga maiiwasan na mamangha.

" I told you not to run, malubak yung daan tapos kung maka takbo ka wagas." napalingon ako kay Junkyu na halata sa boses ang pagod at sa paghabol niya sa hininga niya. Nakahawak rin siya sa kaniyang dalawang tuhod at nakunot noong nakatingin sa akin.

"Hindi naman ako na pahamak, Saka nagugutom na ako noh...Wag ka magalala nagustuhan ko naman yung lugar kaya wag ka na magalit d'yan hindi mo bagay," sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na na wala ang pagkairita sa mukha niya, pero mananatili pa rin ang pagod.

Akyatin mo ba naman ang bundok e.

"Edi goods, Saglit d'yan ka lang ah kukunin ko lang yung gamit doon sa isang tumulong sa atin." may pagbabantang tumingin ito sa akin, " Huwag kang aalis sa puwesto mo ah, Hindi kita papakainin kapag na wala ka d'yan."

ENCHANTING * K.JunkyuWhere stories live. Discover now