16

9 0 0
                                    

SIXTEENTH

BRIA

" Anong nangyari sa kaniya?," rinig kong sabi ng nagsasalita. Pero teka? Si Junkyu ba yun?

"Nakita ko na lang siya sa labas ng office na nawalan nang malay," Si Ms. Astrid. "Mabuti na lang ay may nakakita rin sa kaniya kaya natulungan din siya kaagad na madala sa pinaka malapit na hospital." So I'm in a Hospital?

H-Hospital...

Bakit ganito na naman ang nararamdaman ko, may parte sa akin na para bang may karanansan na ako sa lugar na ito. Bigla na lamang akong nanghina bigla ang kaninang lakas ay bigla na lamang naubos at mukhang hindi ko na naman kakayanin.

"Salamat nga pala sa pagtawag sa akin kanina."

"Ikaw lang naman ang nasa contact niya e, Kaya ikaw lang talaga ang matatawagan."

"Ah, Oo nga pala.. Hehe. Pero salamat pa rin."

"Hmmn, Maiwan na muna kita rito Junkyu at may kakausapin lang ako sa labas." narinig ko ang pag 'Oo' ni Kyu kay Ms. Astrid at ang pag bukas at sarado ng pinto.

Nang masigurong si Kyu na lang ang nasa loob ay dahan-dahan kong iminulat ang aking at marahan na bumangon mula sa pagkakahiga, agad niya akong pinansin kaya mabilis pa sa alas kwatro na inalalayan niya ako para makaupo nang maayos.

"Kamusta naman pakiramdam mo?," tanong niya ng makaupo na ako ng maayos. Umupo naman siya sa vacant seat na nasa tabi ng hospital bed kung saan ako.

Tumango ako ng marahan sa kaniya, " Ayos naman na, medyo nanghihina lang ng unti."

Gumuhit ang pagkairita sa mukha niya," Ito na nga ba yung sinasabi ko e, Paano yan wala ako roon hindi kita mababantayan."

"Kumalma ka nga, Hindi naman malala yung nangyari sa'kin e."

Hindi gumana ang sinabi ko dahil mas lalong sumama ang timpla ng itsura niya. Wrong moved.

" Hindi malala? Seryoso ka? Paano kung tumama yung ulo mo sa kung saan, Tapos malakas ang impact edi na coma ka?, "

Huh? Ano daw?

" Teka—"

" Tapos ano? Ilang linggo, buwan? O kaya taon ka hindi magigising. Tapos pagnagising ka wala ka ng maalala, Paano naman ako hindi mo ba naisip yung mararamdaman ko kapag nangyari yun?." na tahimik ako dahil sinabi niya.

Gusto ko matawa dahil sa mga naiisip niya na kakaiba pero at the same time pinigilan lalo na at mukhang anytime ay iiyak na siya.

" Bria naman e, Hindi ako pumayag na umalis ka sa company kasi nga baka may mangyaring ganito...atlis kapag duon, mapoprotektahan kita kasama mo ko."

Doon na bumuhos ang maliit na butil sa kaniyang mata, Agad niya iyong pinunasan at hinila ako palapit sa kaniya at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Ingatan mo naman yung sarili mo, Kasi hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo, Baka mamaya parehas na tayong nasa Hospital bed dahil sa sobrang pagaalala ko." Ang kaninang bigat sa dibdib ko ay parang hangin na umihip dahil hindi ko na talaga kaya at natawa na lang ako.

Hay! Ang advance naman masyado magisip ng Junkyu.

" Tapos tumatawa ka pa, Mukha ba akong nagpapatawa? Bria seryoso ako?!." humiwalay siya sa pagkakayakap at magkasalubong ang dalawang kilay na tumingin sa akin.

ENCHANTING * K.JunkyuWhere stories live. Discover now