11

14 0 0
                                    

ELEVENTH

BRIA

Umagang-umaga ay may sumusunod na sa aking makulit. Ewan ko ba dyan simula kasi ng pumayag ako na puwede niya akong maging ate pansamantala hindi na ako nilulubayan sa trabaho, gusto niya pa lagi kaming magkasama kumain. Medyo nagtatampo na nga si Hwan dahil madalang ko na lang siya sabayan.

Saka about doon sa nga seniors nila so far hindi pa naman sila nagbabalak ng kung anong masama sa grupo nila Kyu, and I guess magandang balita na rin yon.

"Ate, bumili akong dalawang iced americano. Eto oh sa'yo yung isa" nakapantay na sa akin ngayon si Samuel at pagkatapos ay inabot niya sa akin ang plastic cups na naglalaman ng kape na binili niya.

Inabot ko yon at sinimulang tikman and in fairness tama nga ang sinasabi ng iba na masarap siya. Uminom ulit ako ng isa pa at nang isa pa hanggang sa mangalahati siya.

" Masarap diba? Favorite ko toh e alam mo ba yung ate ko na kamukha mo, pangarap niyang makatikim nito..," biglang lumungkot ang boses nito at pagkatapos ay muling ngumiti na para bang walang nangyari, " Hayaan mo na nga, tara na baka mamaya e malate ka na, "

Sumimsim ito ng inomin at nauna na nang maglakad sa akin. Napabuntong hininga ako at sumunod sa kaniya para sabay kaming dalawa sa paglalakad.

"Bakit mo ko iniwan? Dapat hindi mo iniiwan ang ate mo," ginulo ko ang buhok niya. And it makes him laughed because of that.

Nakakalungkot rin kasi makitang malungkot ang mukha ng batang ito, "So tanggap mo na na kapatid mo ako?."

"May choice ba ako? Ilang linggo ka na sunod ng sunod sa akin e."

"Sabagay," He chuckled and started a topic. Puro lang naman walang kuwenta ang pinagsasabi niya at kung minsan nangaasar pa.

Boyfriend ko daw si Junkyu, haysst kung alam niya lang na lahat ng tao sa dorm ay ayan ang tingin sa aking dalawa. Sadyang hindi lang talaga.

JUNKYU

Maaga pa naman kaya naisipan ko munang gumala sa company saka ng masilip si Bria sa workplace niya. Pero bago ako pumunta roon ay dumiretso muna ako sa mini cafe ng company para bumili ng tinapay at syempre coffee na rin. Lagi naman kasing umaalis yun ng maaga hindi na kami nagkakasabay magalmusal.

Para sakin at kay Bria at kay Ms.Raya baka mamaya ano pa isipin nun e. Gusto ko lang naman talaga siya bigyan ng pagkain kasi alam niyo na accidentally lang naman akong mapapadaan sa office nila.

Nang makapasok sa loob ay bumungad sa akin ang iilang taong marahil ay napili na lamang na mag-almusal dito sa loob. Dumiretso na ako sa counter at kung minamalas ka nga naman nakasabay ko pa sa pila yung mukhang impaktong yumakap kay Bria nung isang araw!

Akala siguro nila hindi ko malalaman o kaya hindi ko nakita. Well, sorry na lang sila kasi hindi nila ako matataguan. How there this peace of - ah basta itong ano na ito na yakapin na lang si Bria ng ganun?!. HARASSMENT YON! HARASSMENT!.

Sinundan ko siya nun kasi ayaw kong umuwi siya ng magisa dahil nga sa nangyari, kahit na pinipilit ako nila Hyunsuk hyung na sumakay sa van ay hindi ako pumayag Bria needs me. Alam ko yun kahit hindi siya nagsasalita, Kaya kahit alam kong hindi puwede ay ipinilit ko pa rin.

Kaso yun nga pagkapunta ko roon ay nakasakay na siya ng bus at ayun na yung senaryong naabutan ko. Shutek na bata toh, kaedadan lang naman sana nila Jeongwoo pero kung dumamoves dinaig pa si Hyunsuk hyung!.

"Dalawang Ice Americano Please," Sabi nito sabay kuha ng wallet niya sa bulsa. Pasimple lamang akong nagmamasid sa ginagawa niya. Akalain mo yun may credit card ang batang toh.

ENCHANTING * K.JunkyuWhere stories live. Discover now