FIFTH
Nasa sa isang Mall kami ngayon, sabi ni Junkyu ayon daw ang tawag sa lugar na ito. Makikita mo ang halo halong bilihan nang kung ano ano. bilihan ng damit, sapatos at maski pagkain ay nandito na rin. Medyo nilalamig nga ako sa loob kapag sa unang pasok ay hindi mo pa masyadong mararamdaman ngunit kapag tumagal na e damang dama mo na at halos manginig ka sa lamig.
" Sigurado ka bang wala kang pasok ngayon?," tanong ko, tapos na kaming bumili ng damit ko ewan ko ba sa kaniya at ang dami niyang binili ayos naman na sana ang tig limang pares at lalabhan ko na lang.
"Oo nga, saka bibilhan pa kita ng iba pang gamit na pambabae para hindi naman puro yung mga gamit ko ang ginagamit mo," sabi niya sabay subo ng isang french fry.
"Hindi mo naman ako kailangan bilihan, after ng isang linggo ay aalis naman na ako e..para hindi na rin ako mahirapan magbitbit ng ibang gamit," napayuko at na natiling nakatingin sa pagkain ko.
" Sinong may sabi na aalis ka?, kung si Jihoon ang iniisip mo ako na ang bahala sa isang yon noh..."
"Paano kung Hindi siya pumayag? ayoko naman na may kagalit ka sa mga kasama mo," hindi ko mapigilan maging malungkot dahil kasalanan ko.
"Hay, huwag ka nga magisip ng kung ano-ano. Kung akala mo hindi na kami magbabati ni Jihoon,nagkakamali ka doon. madalas kaming magtalo ng isang yon pero nagbabati rin kami kaagad kaya wag ka na magalala at kumain ka na lang," medyo napanatag ako sa mga sinabi niya pero may pakiramdam pa rin na nalulungkot ng unti.
_________________
" Sophia Kaya!. "" Ampanget parang yung prinsesa sa Disney na sobrang bait wala ng makitang mali sa isang yon e, " sabi naman ni sa mukhang sa tingin ko ay si Haruto. Since deep voice yung nagsasalita.
" Eto naman naisip ko mga parechong.." Jeongwoo?
"Ano?," I think this one is Junghwan.
"Duday, Budang, Pipay, Inday, Tinay, Neneng, K- Tama na! Isa ka pa ginawa mo namang ano si Noona sa pangalan na yan,"
Ayan lamang nabungaran namin ni Junkyu ng makauwi galing sa Mall sobrang dami niyang binili sa akin e at pati ang bagay na nakita ko sa kaniya yung parisukat na bagay ay binilhan niya rin ako. Hindi ko inakala na sobrang mahal pala ng bagay na yon.
" Anong ginagawa niyong apat?," Tanong ni Junkyu nang maipatong ang pinamili niya sa mesita na nasa harapan ng apat. At ang ibig niyang sabihin sa apat ay yung mga bunso.
"Iniisipan lang namin pangalan si Noona sumasakit kasi ulo ni Hyunsuk hyung," sagot ni Jeongwoo na patuloy pa rin sa pagsusulat ng mga pangalan na naiisip niya.
"Bakit naman sumakit ulo niya?," na kunot noong taong ni Junkyu habang nagtatanggal ng sapatos kaya tinanggal ko na rin yung akin.
"E kasi hinanap niya kayo kaninang umaga tapos hindi niya mabanggit ang pangalan ni noona kasi nga wala siya nun kaya ayon...sabi niya isipan na daw namin si noona at pati rin daw siya ay iisip din maging ang iba maliban kay Jihoon hyung," mahabang paliwanag ni Haruto at pagkatapos ay tumingin sa ginagawa ni Jeongwoo" Ampanget ng naiisip mo Jeongwoo... Merling?! Umayos ka nga!."
" Noona," Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at ang mukha ni Junghwan na punong puno ng munchkin donuts ang pisngi. Base sa pangalan ng kahon kaya nalaman ko ang kinakain niya.
" Hmmn?," kinuha ko ang tissue na nasa lamesa at pinunasan ang kaniyang pisngi, natutuwa kasi ako sa kaniya, may naalala ako sa katulad niya parang naranasan ko na rin dati.
" Ano ba ang gusto mong pangalan Noona? marami na akong naiisip pero ayaw naman nila," inabutan ako nito ng box ng munchkin donuts. Umiling ako dahil busog pa naman ako dahil sa kinain nmain ni Junkyu kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/302951460-288-k59443.jpg)
YOU ARE READING
ENCHANTING * K.Junkyu
أدب الهواةAnong gagawin mo if ever na maranasan mong magising sa isang lugar na wala kang alam kung paanong nangyari na na punta ka roon? No name No Money No Home No memories Inshort you have NOTHING! How will you survive to the world that you don't know to...