SECOND
Tama ba yung narinig ko? Pinapasama niya ako?
Tiningnan ko siya, " Seryoso ka sasama mo ko?," sabay turo pa sa sarili ko. Baka mamaya magiba pa isip niya e mahirap na umasa.
Tumango naman siya, "Hmmn, isasama na lang kita sa practice...ayokong iwanan ka rito baka mamaya ano pa mangyari sa'yo," mukha naman siyang mabait e, mabait siya kasi binigyan niya ako ng pagkain!
Ilang beses akong tumango mga 50 times, biro lang.
" Okay sige, mabait ka naman e, " na pahinga siya ng malalim yung parang nawala yung bara niya sa dibdiba niya ganun.
" Buti naman, Tara na para makarating na rin tayo kaagad sa studio," tuluyan na niya akong hinila paalis sa puwesto namin kanina.
Nadaan pa ulit namin si Manong dahil inis pa rin ako sa kaniya ay hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang sa paglalakad masyado siyang masungit.
Ilang minuto lang naman ang ni lakad namin dahil huminto na rin siya sa may mahabang upuan na may bubong, tiningnan ko ang sign na nasa taas nasa 'bus stop' kami.
Hawak niya pa rin ang pulso ko kaya nung umupo siya ay naupo na rin ako, balak ko na nga na alisin e kaso baka hindi na ako isama kaya sige hawakan niya na lang.
Kami lang dalawa ang nandirito ngayon, simoy ng panghapong hangin ang tumatama sa balat ko ngayon. Hindi naman siya masakit sa balat actually ang sarap nga e ang fresh.
Napatingin si Kuya sa akin, " Maghintay lang tayo saglit ah," umuo naman ako sa sinabi niya.
Tahimik lamang akong nagmamasid sa paligid kahit saan ka magpunta ay sobrang dami ng malalaki at nagtataasang gusali ang iyong makikita, at ibat Ibang klase ng bilihan ang nasa paligid at maging ang mga sasakyan ay patuloy lamang sa pagdaan sa kalsada.
Ilang minuto rin ako ganoon naamaze kasi ako sa ganda ng lugar, ang moderno lang kasi ngayon lang ako nakakita ng ganito hindi ko man alam kung saan ako nagmula sa ngayon ang mahalaga maenjoy ko muna ang nakikita ko.
Paglingon ko sa banda ni kuya ay nakatingin lang ito sa akin, Kaya tinanong ko ito kung bakit. Naweweirduhan na ba sya sa akin?
" Anong pangalan mo?," biglang tanong niya. Na tahimik ako at hindi kagaad na sagot yun, Oo nga ano... Bukod sa hindi ko alam kung saan ako nanggaling... Ano nga ba ang pangalan ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil wala akong masabi, " Hindi mo rin alam ang pangalan mo?," kita ang gulat na rumihistro sa mukha niya. Kahit nahihiya ay tumango na lamang ako.
"Wah, Seryoso ka ba? Una hindi mo alam kung bakit ka nandoon sa Park tapos pati pangalan mo hindi mo alam?," Muli akong tumango.
"Nadali mo...,"napayuko ako, baka mamaya iwan niya na ako rito kasi wala akong pangalan. Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa pulso ko naghahanda sa pagiwan niya.
" Bakit? Baka naman mamaya e pasyente ka pala sa Mental tapos nakatakas ka lang," sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya, bakit naman sa mental porket hindi ko lang maalala ganun na kaagad.
Sinamaan ko siya ng tingin, " Grabe naman yung sa Mental ako galing! Hindi ko lang maalala ang mga nangyari sa akin pero hindi ako baliw noh!," ibinaling ko na lang sa harap ang paningin ko at pinag krus ang braso.
" Pasensya naman, e paanong hindi ko maiisip yon. Wala kang pangalan, tapos wala ka pang maalala anong gagawin ko sa'yo niyan?, " Napakamot siya sa batok niya ay maski ang hood ng jacket niya ay natanggal na rin dahil sa paggulo niya sa buhok niya.
"Edi iwan mo na ako rito, kung sa tingin mo makakagulo lang ako sa'yo iwanan mo na lang ako rito," Hindi siya nakasagot sa sinabi ko at ilang segundong na tahimik. Napabuntong hininga na lamang ako at nagpasyang tumayo aalis na lang ako mukhang nakakaabala pa ata ako sa isang ito.
Siya nga hindi ko kaalam ang pangalan hindi naman ako nagreklamo e tapos siya ganoon ang reaksyon, ano kaya yon?
" Saan ka pupunta?," Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad.
Hinawakan niya ang braso ko at iniharap ako sa kaniya, " Wala naman akong sinabi na nakakagulo ka e, Sorry mali yung salitang na bitawan ko kanina at mukhang na misinterpret mo...hindi kita pinapaalis. Sinama nga kita kasi nagaalala ako kahit hindi ko alam kung bakit tapos iiwan kita?," nakagat ko ang aking pangibabang labi hindi alam kung ano ba dapat ang tamang salita na dapat lumabas sa bibig ko.
May tumigil na bus sa harapan naming dalawa, Kaya roon napunta ang atensyon namin. Hinawakan niya ang braso ko at pagkatapos ay marahan akong hinila palapit sa bus. Tahimik lamang ako na nakasunod sa kaniya hanggang sa makapasok at makaupo kami sa loob. Sa bandang gitna niya na piling umupo hindi na ako nagreklamo delikado baka iwan na niya talaga ako.
So ganito pala ang pakiramdam na sumakay at makakita ng isang bus...
Pinpuwesto niya ako sa bandang bintana, Sabi niya alam niya daw kasi na mas prefer ng ibang babae ang part sa may bintana kaya mag-gigive way na lamang daw siya.
Tahimik pa rin ako at walang imik, nagmamasid sa paligid, sa dinadaanan namin ngayon. Hindi ko maipaliwanag ngunit sa mga nakikita ko ngayon ay parang nasa iba akong mundo na may pakiramdam ako na may kakaiba talaga hindi ko lang talaga malaman at maunawaan kung ano iyon.
Ibat Ibang klase ng kainan at matatayog na gusali ang makikita sa bawat nadadaanan ng sinasakyan namin hindi ko man naipapakita sa katabi ko pero sobrang mangha talaga ako ngayon sa nakikita ko.
Narinig kong tumikhim yung katabi ko kaya napabaling ako sa kaniya, "Bakit? May sasabihin ka?," tanong ko.
Napaayos siya sa pagupo, " A-ano lang sorry sa nasabi ko kanina... G-galit ka pa rin ba?," nakikita ko sa mata niya na talagang sincere siya sa pagsasabi ng sorry, Saka hindi naman ako nagalit nainis lang ng unti pero nawala na rin yon ng hinila niya ako papasok sa bus na sinasakyan namin ngayon.
Umiling ako at ngumiti sa kaniya,"
Huwag ka magalala hindi ako galit at saka wala naman akong karapatan magalit sa'yo, sabit lang naman ako sayo e puwede mo ko iwan kahit kailan mo gusto...,"Totoo naman, hindi natin masasabi kung hanggang saan ang kabaitan niya ngayon. Kaya hanggat maaari ay sinusulit ko na, wala akong Pera at kahit ako kaya hindi ko sigurado kung makakayanan ko ba ang mabuhay ng walang kahit ano.
Kaya thankful na rin ako sa kaniya kung saan man ako mapupunta ay sasabayan ko na lang. Sasabay ako sa agos ng buhay na meron ako ngayon, wala man akong kahit ano sa ngayon pero alam kong makakahanap rin ako ng paraan.
Nawala ang mga mata niya dahil na rin sa bigla niyang pag-ngiti sa akin, marahan niyang ginulo ang buhok ko at pagkatapos ay pinanatili ang palad niya sa tuktok pa rin ng ulo ko.
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at diretsong tumingin sa mga mata ko, " Sinama kita dahil gusto ko, hindi ka sabit o kung ano man na pumapasok sa utak mo. Gusto kitang tulungan at bukal sa loob ko yon...dahil hindi kakayanin ng konsyensya ko na may mangyari sa'yong masama dahil lang sa wala akong ginawa at hinayaan kitang manatili sa lugar na yon, "
Muli na namang natikom ang aking bibig at nakatingin lamang sa kaniya dahil mga salitang sinasabi niya, matapos niyang gawin yon ay bumalik na ulit siya sa pagkakaupo sa kabilang banda ibinaling ang kaniyang atensyon.
Siguro nga...may mga taong may mabuti ang kalooban katulad na lang ng taong kasama ko ngayon, hindi niya ako kilala ngunit pinili niya pa rin ako tulungan, at ganoon rin ako sa kaniya nararamdaman ko kasi na hindi talaga siya masamang tao at may mabuti talaga siyang pagkatao.
Hindi ko pa man alam ang mangyayari pero sana lang balang araw... Ako naman ang makatulong sa'yo kapag kinailangan mo ng tulong.
******************************
💎
YOU ARE READING
ENCHANTING * K.Junkyu
FanficAnong gagawin mo if ever na maranasan mong magising sa isang lugar na wala kang alam kung paanong nangyari na na punta ka roon? No name No Money No Home No memories Inshort you have NOTHING! How will you survive to the world that you don't know to...