6

11 0 0
                                    

SIXTH

"Oy iabot mo yung remote na bobored na ako sa palabas," sabi ni Jihoon. Halos nakakailang lipat na siya ng palabas pero wala naman siyang nagugustuhan, Alam kong sinabi kong tutulungan dahil masama ang pakiramdam niya pero bakit alipin ang naging ganap ko sa pagtulong sa kaniya?!

" Maganda naman ah, Huwag mo muna ilipat.." Totoong maganda yung palabas hindi ko lang alam ang pamagat ngunit tungkol ito sa lalaking napunta sa makabagong panahon at natagpuan niya ang babaeng artista. Medyo nakaka- relate ako sa lalaki lalo na sa mga bagay na naninibago siya at walang alam. Ang pinagkaiba lamang namin ay alam niya kung sino siya samantalang ako ay hindi.

Naramdaman kong may kumalabit sa akin kaya napalingon ako, si Jihoon na nakabusangot na ang mukha. Wala namang na bago sa ekspresyon niya e mula pa kanina ay ganiyan na ang itsura niya wala man lang akong ibang nakita.

" Ilipat mo ang corny..imposible yang pinapanood mo, Paano makakapunta sa present ang mga taong nasa ibang mundo, Ilipat mo yan walang kuwenta..," imunuwestra niya pa ang kaniyang kamay na tila may pinapaalis.

"Ayoko nga," ako naman ngayon ang nakasimangot. naiinis na rin kasi ako e kanina pa siya nanonood at kanina ko pa rin sinusunod ang mga sinasabi niya, inalagaan ko na nga siya tapos ayaw niya pa ako pagbigyan na manood.

Napaayos siya ng upo at may pagbabantang tumingin sa akin," Hindi mo ko susundin?...Baka akala mo porket nakikipagusap ako sa'yo ay payag na ako na nandito ka..Ilipat mo na yan ba-," Padabog kong binigay sa kaniya ang remote dahil naiinis na talaga ako sa kaniya. Ayoko siyang sigawan kaya dumiretso ako sa kwarto ni Junkyu. Kinuha ko ang maliit na backpack ko na binili sa akin ni kyu at muling ng lumabas.

Magpapalamig muna ako ng ulo.

Naabutan ko siyang na nonood ngunit hindi niya naman nilipat ang palabas, gusto niya lang talaga akong inisin e. May pagkakataka niya akong tiningnan at mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa bitbit kong bag dumiretso ako sa lagayan ng mga sapatos at sinuot ang aking flat shoes.

"Saan ka pupunta?," tanong niya at binigyan ako ng tingin na para bang may kinakatakutan siya na sa oras na umalis ako ay may magagalit sa kaniya.

" Lalayas na, Tutal lagi mo namang pinapamukha na hindi ako puwede rito kaya pagbibigyan na kita...Alis na ako," binuksan ko ang pinto at padarag itong sinara, parang manonood lang e ayaw pa.

Narinig kong ilang beses niyang tiwanag ang pangalan ko at may kalabog pa nga akong narinig na para bang nagmamadali na ewan kaya binilisan ko na lang ang lakad ko para makalabas na rin ako kaagad ng tuluyan baka mamaya pabalikin niya na naman ako at sabihan ng kung ano-ano, mamaya ko na lang ulit siya babalikan kapag humupa na ang inis ko.

Mabilis naman akong nakarating sa Bus stop dahil malapit lang naman iyon sa dorm nila, sumakay na kaagad ako sa unang bus na dumaan. Marunong na rin ako sumakay ng ganito dahil lagi akong sinasama ni Junkyu sa mga lakad niya ngayon lang talaga ang hindi dahil bawal pa daw ako sa company at wala pa akong I.d.

Nang makabayad ay umupo ako sa may bandang gilid at tumingin na lamang sa labas ng bintana, Hindi ko alam kung saan ako pupunta at saan ako madadala nang bus na sinasakyan ko ngayon dahil kagaya nga ng sinasabi ko kanina gusto ko munang magpalamig at kasabay na rin nun ang magisip-isip dahil malapit na ang matapos ang isang linggo na hiningi ko sa kanila.

--------------------------------------------
Mashiho

Katatapos lamang ng shoot namin para sa variety show ng grupo kaya medyo pagod kaming lahat. Habang ang iba ay nagaayos na ng gamit para sa paguwi namin mamaya ay napagpasyahan ko na gumawa na lang din.

ENCHANTING * K.JunkyuWhere stories live. Discover now