1

37 1 0
                                    

FIRST

Naalimpungatan ako dahil sa init na tumatama sa balat ko, dahan dahan kong iminulat ang aking paningin upang makita kung na saan ba ako. Isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin ng maimulat ko ang aking mga mata.

Kasabay noon ang hindi pamilyar sa akin na lugar, unang katanungan na pumasok sa aking isipan ay kung na saan ako at kung bakit ako na rito... At kung bakit sa dinami dami ng lugar e bakit sa isang parke pa.

Isa na ba akong pulubi?

Tiningnan ko ang aking buong sarili, hindi naman marumi ang kamay ko at hindi rin ganoon kadumi ang suot ko. Sa katunayan nga ay sobrang puti ng dress na suot ko kaya ang ipinagtataka ko e bakit ako nandito?

Halos walang gaanong tao nandito sa parke kaya malaya kong nakikita ang paligid, wala rin namang bubong ang upuan kung na saan ako ngayon.

Naramdaman ko ang biglang pagkalam ng tiyan ko, Teka ilang oras na ba akong tulog? baka naman may kumidnap sa akin hindi kaya?

Biglang umilaw ang isang bagay na nasa pulsuhan ko kaya agad ko iyong tiningnan, it was a black bracelet at may isang mabahabang kulay asul na linya ang pumapalibot rito, sinubukan ko itong tanggalin ngunit ayaw niya hinanap ko rin kung may padlock ba siya kaso wala rin.

Sino naman kaya nagbigay sa akin ng bracelet na ito? Ang panget ng design masyadong simple.

Nagpasya ako na lumibot na lang at huwag na pansinin ang bagay na nasa pulso ko ayaw niya naman matanggal e edi riyan na lamang siya manatili.

Tutal wala naman akong Ibang dala maliban sa sarili ko ay malaya akong naglibot libot. Muling kumalam ang sikmura ko, napangiwi na lang ako at marahan itong hinaplos.

Umiisip ng paraan kung paano mapapawi ang gutom na nararamdaman ko. Wala akong pera dahil ang sabi ko nga tanging sarili ko lang ang meron ako so paano ako makakain?

May nakita akong nagtitinda ng kung ano sa may gilid kaya agad ko iyong pinuntahan, mukha siyang tinapay na nasa stick at parang pa oval pa nga shape, nakita ko na may bumibiling bata ng maabutan ko ito. Amoy pa lang nakakatakam na, baka naman maawa siya sa akin kung manghihingi ako.

Wala naman gaanong bumibili e, Kaya sigurado akong ayos lang. Nang umalis na yung bata ay agad akong pumalit sa puwesto niya, tiningnan ko ang ibat-ibang klase na paninda ni Manong.

" Ano sa'yo Ne?," gusto kong may maituro kaso wala naman akong pambayad, kung gamitan ko kaya ng charm ko? Aissh! Bahala na nga.

" Eto po," tinuro ko yung isang klase na may maliliit na square sa gilid. Kinuha niya naman iyon at inilagay na sa balot nito nilagyan niya ng kung anong mga sauces at pagkatapos ay binigay na sa akin.

Aabutin ko na sana ng inilahad niya ang palad niya, " Ang bayad mo?" ito na nga ba ang sinasabi ko.

Pilit akong napangiti, " H-Hehe, wala po akong pamabayad ih...puwede po bang libre na lang?," nakita ko ang biglang pagiiba ng ekspresyon ni manong, parang ano mang oras ay puwede ng magbago ang anyo niya.

" Ang Ganda ng kasuotan mo at mukha ka namang mayaman pero wala kang pera? Hay naku, lumayas ka rito hindi ako madadala sa paganiyan-ganiyan mo," inilayo niya ang pagkain na dapat ay sa akin, at pilit akong tinataboy pero wala akong magagawa nagugutom na ako at wala akong pera.

"Sige na po Manong, Wala po talaga akong pera at hindi po ako mayaman ni hindi ko nga po alam kung anong ginagawa ko rito e," pamimilit ko pa rin, Sana maawa na siya.

" Ako nga wag mong pinaguuto baka mamaya e isa sa mga nagaano sa internet na kunwari walang pera pero meron naman pala, tapos kapag hindi nagbigay iisipin na agad na masama at walang awa...naku Ne humanap ka na lang ng ibang mabibiktima at kung sakaling may Camera man ay pakibura na lang, " Anong sinasabi ni manong? Wala nga akong alam sa internet!

ENCHANTING * K.JunkyuWhere stories live. Discover now