Chapter 4

566 13 0
                                    


"Sige kami na ang bahala sa mga ito. Matagal narin naming tinitiktikan ang mga taong ito, dito lang pala sa liblib na lugar namamalagi."

Nanatili akong nakasandal sa pader habang kinakausap ng mga pulis ang Kapitan ng Baryo. Nandoon rin sina Yella kasama ang ilang Psychiatrist.

Sa may pulis patrol naman ay ang mga nahuling rebelde. Lahat sipa ay masama ang tingin sakin, kulang nalang sunugin ako ng tingin nila. Napangisi nalang ako ay napabaling kay Ram na kanina pa nakatitig sakin.

"Hindi ko parin talaga maisip kung paano ginawa niyo." Kukurap-kurap niyang tanong.

Naabutan kasi nilang nakadapa na si Laki habang nakagapos at walang malay. Sinabi ko nalang na pinagtulungan nung lima kaya napabagsak. Kaya ngayon kinakausap rin ng mga pulis yung lima. Well.

"Oh, dalhin na mga yan! Tara na!"

Nang makaalis na ang mga pulis ay nilapitan ko na sina Yella. Namamaga ang mata niya kakaiyak, halos lahat sila. Mabuti nalang at napaaga kami dahil kung hindi, magagalaw na sila.

May ilang patrol rin ang dumating para ihatid ang mga kababaihan sa baryo. Tiningnan ko yung lima at saka kinausap, actually pinapauwi ko na sila pero hindi raw sila aalis ng hindi ako kasama. I shrug my shoulders, their choice.

"Kaya ba nilang matuloy diyan? Malamig kapag gabi eh." Pag-aalala ni Yella.

"Hayaan mo na sila. Pinili nila yan eh." At pumasok na sa loob, kita ko pang kumaway ang lima kahit pa alam kong lahat sila ay nakangiwi.

Doon lang naman sila matutulog sa papag sa labas, binigyan lang sila ng isang kumot para pangsapin. Tingnan natin kung matagalan nila. Si Ram naman ay may sariling tent sa hindi ko alam kung saan nakatayo. Isa rin pala yung dayo, ang sabi ni Mariel, nagtuturo ito sa kanila tuwing sabado at linggo. Ah, heroic figure.

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng lima sa labas. Inis akong binatukan sila isa-isa, damn, six palang ng umaga! Tsk.

"Wala ka pa bang balak umuwi, Liza? Si Lola Em kasi palagi kang tinatanong! At wala na kaming maidahilan!" Angal ni Ding habang kinakamot ang katawan. Mukhang nagustuhan sila ng mga lamok, halos lahat sila ay may mosquito bites.

Napaisip ako sa sinabi nito. Limang araw na ako dito. Maayos naman na ang sugat ko, medyo umitim pa ako, natuto akong kumain ng mga gulay at exotic foods. Okay narin nga siguro ang limang araw. Hm.

"Sige, uuwi na tayo."

Agad naman silang nagsingitian. Napansin ko si Mariel na nakasilip sa paguusap namin, nagtutubig ang mga mata niya, konti nalang ay iiyak na. Tumakbo ito palayo kaya napakurap ako.

Nang makausap ko si Yela sa pag-alis ko ay halata ang lungkot nito. Nagpasalamat lang ulit siya at pinabaunan pa ako ng mga prutas.

"Oh, magpaalam na kayo kay Ate Liza." Ani Yella sa mga bata. Unang yumakap ay si Tina, iyak siya ng iyak. Lahat sila.

Napatawa nalang ako. "Babalik ka po ha!"

"Hm. Oo sige, try kong bumalik." Sabay ngisi sa kanila, nagngusuan lang sila. "Si Mariel?"

Nasa ilog daw ang bata, sinamahan ako ni Yella na sunduin si Mariel. Nakita namin siyang nakaupo sa tabi ng ilog habang nakalubog ang mga paa sa tubig, halata sa kanya ang lungkot. Tinanguan ako ni Yella at saka siya tumingin sa anak.

"Napalapit na sayo kaya siguro malungkot sa pag-alis mo."

Ah. Naglakad ako palapit sa kanya, ginaya ang ginagawa niya at saka siya binalingan.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon