Chapter 48

118 4 0
                                    

It was in the mid of the night when I woke up. Darkness, iyon ang sumalubong sakin, wala manlang akong maaaninag kahit konting liwanag. Tumayo ako sa pinaghihigaan ko at dahan-dahang naglakad. Unang hakbang palang may kakaiba na akong naramdaman sa mga paa ko, malamig at parang may tubig. Humakbang pa ako dahilan para may mabanggang akong kung ano. Kinapa ko yon at natagpuang isang lamesa. Where the hell I am? May nakapa akong isang bagay, flashlight. Di ako nagkakamali. Nang pindutin ko ito upang mabuhay, tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan.

"W-what...the..." anong ginagawa ko rito? Hindi ba't nakaalis na kami dito? Tapos na to hindi ba?

Inilibot ko ang flashlight sa paligid at purong walang buhay na tao ang nakikita ko. Muntik ko ng mabitawan ang flashlight ng makilala ko ang isa sa kanila, it was Ring, her body is pale and lifeless. Napaiwas ako ng tingin ngunit may nakita ulit ako, the leader of comodo gang, I'm sure it's him, kilala ko ang mukha nito, his head isn't connected in his body, but his wide open eyes are directly looking at me, chills run down my body. Hell, this hell. Sa pagpihit ko pakaliwa ay halos mawalan ako ng balanse sa kinatatayuan. 

"K-kiko..." I whispered. I don't wanna see this. Stop this. Stop this. Kumg isa tong bangungot, gusto ko ng magising. Ngunit pagmulat ko isang tao ang bumungad sakin. Katulad ng huli kong pagkakakita sa kanya, iyon parin ang ayos niya.

Blood. Why is this nightmare has to be about blood? Nagtagis ang bagang ko.

"What are we doing here?" Halos manginig ang boses ko.

"You killed them." Anito na para bang kusang lumabas sa bibig niya.

Tumingin muli ako sa paligid. It's weird though, kahit sobrang dilim nakikita at nakikita ko sila.

"You killed them, Liza." ulit nito.

Umiling ako at tinitigan siya. His eyes are emotionless, it's as if his soul isn't there anymore. He's not my Zeign. This is just a dream. Bad dream, I need to wake up.

"You killed us, Liza."

What? "No. Stop this Zeign. You're not with them. Don't say that!" Nag-igting ang panga ko.

"You...killed...us." ulit nito.

"No. No. I didnt....you're not dead!" Sigaw ko at pumikit ng mariin. He's not dead!

Nagising akong humihingal at pawisan. Fuck, what kind of hell was that? Mabilis akong bumangon at natagpuang nakahiga ako sa isang kama. Bad dream. Really, really a bad dream. Huminga ako ng malalim at itinaklob ang mga palad sa mukha. Ramdam ko ang pawis sa likod at noo ko. Nightmares are insensitive, halos nanginginig parin ang mga kamay ko hanggang ngayon dahil sa panaginip na yon.

I heavead a deep sigh at bumaba ng kama, hindi ko maalala kung paano ako napunta rito. Pero base sa kwarto, mukhang nasa ospital room rin ako. Iba narin ang damit ko at wala narin ang masang-sang na amoy galing sa huli kong laban. Napailing ako ng maalala ang panaginip.

I need to see Zeign.

Lumabas ako ng kwarto kahit nakapaa lang. There's a lot of things I need to know but before that I need to confirm one thing. Pagkalabas ko sa kwarto ay agad naging pamilyar ang ambiance at amoy ng lugar. Ngunit hindi ito ang ospital na pinagdalahan ko kay Zeign. Ilang araw na ba akong natutulog?

Tumigil ako sandali sa paglakad at inilibot ang mata sa lugar. Masyadong malawak, san ba ako magsisimula? Nasaan ba ako? At nandito rin ba si Zeign? I wanna know his condition! Damn it.

Napalingon ako sa di kalayuan ng may mga men in blacks na nagtatakbuhan papunta sa direksyon ko. Agad akong tumago sa may pader at sinundan ng tingin kung saan sila patungo. May gulo na naman kaya?

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon