Chapter 21

192 7 2
                                    

"Hm, medyo maluwag, iadjust ko pa para fit na fit. Pakihubad na muna Liza."

Woah. Aleli David is really serious when it comes to her job, isn't she? Napangisi nalang ako at pumasok na ulit sa fitting room para hubarin ang gown. Ngunit tumigil muna ako sa tapat ng salamin at pinagmasdan ang sarili. I tilted my head, it's really gorgeous and classy. Umabot ito ng hanggang talampakan, turtle neck pero bukas ang likod. Mabuti narin yun para matakpan ang tattoo sa batok ko. Kulay puti at itim ang motif, mas nangingibabaw nga lang ang puti.

Paglabas ko ay may napansin akong pamilyar na babae na kausap si Aleli. Mukhang magkakilala sila dahil nagtatawanan pa. Ano namang ginagawa ng labanos na ito dito?

Nang mapansin nila ako ay agad silang tumigil sa pag-uusap tumingin sakin, kitang-kita ang acquaintance sa mata nung babae.

"Oh great! Liza, meet Venisse, one of my intern friend in the world of fashion." At may spark pa sa mata.

"Hi, Liza. Nice meeting you, though I think nagkita na tayo somewhere?"

Ngumiti rin ako pero palagay koy plastic na plastic ang dating nun. Sabi ko nga diba, wala akong paki!

"Maybe? Well, nice meeting you too Venisse." At nakipagkamay sa kanya.

"This is great. What if kumain muna tayo sa labas, I badly wanted to know what happened to your career in France! Buti ka pa, natapos na." Ani Al at may pagpalakpak pa.

Natawa ito ng bahagya, kahit pagtawa napakahinhin. Teka! Bakit parang napakapakla ko yata ngayon? Nevermind.

"It's fine with me, besides wala na naman akong gagawin."

No choice akong napasama sa lakad ng dalawa. Pakiramdam ko ay third wheel ako dahil hindi wala manlang akong maintindihan sa pinag-uusapan nila, bukod sa about lahat sa Fashions ngayon at noon, puro mga sikat na designers pa ang topic. Like really? Why they didn't talk about Underground society, about gangsters? Siguradong makakasabay ako sa usapan nilang dalawa.

Pansin ko ring hindi na nila matapos-tapos ang pagkain dahil hindi maputol-putol ang usapan nila. Nyapat yung sakin kanina pa ubos. Naiinip na nga ako eh.

Muli akong sumipsip sa float ko at pinagkainteresan nalang ang couple sa kabilang table.

"So, how about you Liza? Anong mga pinagkakaabalahan mo ngayon?"

Natigil ang pagsipsip ko napabaling kay Venisse. Ngayon ko lang napagmasdan ng malapitan ang mukha nito. Perpekto ang ukit ng kilay, pati ang pilik, mukhang natural ang pagkapula ng pisngi at labi. Huh, ano ka si Snow White? So where is your seven dwarfs? Hah, funny.

Umayos ako ng upo at ibinaba ang float. Parehas silang nakatingin sakin at naghihintay ng sagot. Teka, iisipin ko muna, bukod sa minsan akong nag-aaral ay gangster rin ako. Pwede na ba yun? Ah, nung nagdaang mga linggo rin nabaril ako, tapos nung isang linggo I execute a whole gang. Napamake face ako sa sarili ko. Seriously?

"Nag-aaral pa ako." Ang tanging sagot ko at saka tumingin sa labanos. "Business ad."

Tumango ito ngumiti. "I see, so...what about your hobby?"

Natawa ako ng bahagya kaya nakatikim ako ng palihim na siko kay Al. I hissed, hindi naman siguro ito slumbook right?

"Mahilig siya sa music, she's more on writing and composing songs."

Doon ako natigilan. I shifted my expressions to blank. That's before, noong gusto ko pa.

"Really? That's awesome."

Hindi ko na sila tiningnan pa, alam kong naramdaman ni Al ang pananahimik ko kaya muli niyang binago ang topic.

"Excuse me guys, powder room lang ako." Paalam ni Al at umalis.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon