Chapter 46

138 9 0
                                    


"You're not hungry?"

Hindi ko pinansin ang boses, patuloy paring nakapikit ang mata ko habang nakasandal ang ulo sa dingding. I find calmness in this kind of place, maliit at tahimik, tanging paghinga ko lang ang naririnig. Ni hindi ko narin namalayan ang oras, ang alam ko lang...isang araw na akong nakakulong dito. 

Narining ko ang pagkalansing ng mga susi at pagbukas ng pinto ng rehas na pinagkulungan nila sakin. Rinig ko rin ang yabag nitong papalapit sakin.

Then I felt a warm hand touch my face. Doon dumilat ang mga mata ko, una kong nasilayan ang kanyang malamig na mata bago siya sumigaw ng malakas.

"Oh honey, I swear, it—hurts! Damn much! Arg!" daing nito bago siya pumiglas. "fuck!"

oh, really? I wanna roll my eyes on how he overreacted, ni hindi nga umangat ang pwetan ko sa sahig sa pagpilipit sa kamay niya paano pa kaya kung buong lakas ko ang ibigay ko? Baka mamatay na siya? Tss.

Nang mukhang nakabawi na ay sumimangot ito, nag-indian sit siya sa harapan ko at pinagmasdan akong mabuti habang hinihimas ang kamay niya.

"Fine," he huffed. "hindi na kita hahawakan ulit...ng walang paalam." Then he sighed, eyeing the unmoved food beside me. "Can you eat? Hindi ka naglunch, hindi ka rin magdidinner? Seriously, you wanna die?"

Deretso parin ang tingin ko sa kanya. At mukhang tinatablan siya dahil kita ko na ang pagkailang niya. Tumayo siya sa pagkakaupo at nagpagpag bago ngumisi.

"I told you, don't fall inlove with me." Anito, na di ko naman ginantihan ng kung anomang emosyon. "Eat your food, wala yang lason." seryosong tono nito bago tumalikod at umalis.

I fell once, and that will be the last.

***

Isang araw, dalawa, tatlo....hanggang sa naging isang linggo na ang pananatili ko sa kwartong ito. Mula ng dalawin ako ni Conan (his name, I heard, two days ago) ay hindi na ito muling dumalaw. Tanging tauhan nalang nila ang nakikita ko, nagdadala ng pagkain at damit. And thanks to them, this room had a bathroom. At kung wala baka matagal na akong gumawa ng paraan para makawala dito.

Escaping is one of my skills, kung noong simula palang ay ginusto ko ng tumakas baka matagal na akong malaya, so thanks to my patience that I survived for almost a week. And if ever I had a plan, that is not to ruin what would happen.

Napalingon ako sa pintuan ng tumunog ito. It's Conan again. Tss, where is that blue eyed guy named Lucas? Yes, I already know their names and shit. Ang hindi ko lang alam ay kung sino ang pinakalikod sa Mafia nato. They are twisting my mind, minsan napagdudugsong-dugsong ko kung anong koneksyon nila sa isat-isa pero bigla itong liliko at ililigaw ako.

Like Zeign, he is a Martin, and a Martin has no connection to Falcone, this Conan is a Falcone and Lucas too. But what I heard, mas mataas ang ranggo ni Zeign kesa sa kanila kahit hindi siya isang Falcone. And—Damn it. Just slip it this time Liza. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo sa isang walang kwentang bagay.

"Get up, we need to go."

And I think, it's happening.

"Come on, Liza!" Pagmamadali nito at halos maramdaman ko ang rush sa paghatak nito sakin. "Damn it."

I smirked. Nagpadala ako sa paghatak niya at nagmasid lang sa paligid. I felt odd ng makalabas sa maliit na kwarto na yun. Isang linggo rin akong nakakulong lang, ni walang ingay na gumagambala, malayo sa realidad. Pero ng makakalahati kami ng tinatakbuhan doon ko ulit naramdaman ang mundo. Shit, ang lalim.

And when I said I felt the world once again. These world. These chaos. My world.

"What the fuck." I cursed ng may makitang ilang grupo ang nagtutok sa direksyon namin. Tinulak ko si Conan patago sa pader at agad na inagaw ang nag-iisa niyang baril, oo nag-iisa! What a stupid Mafioso.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon