Chapter 16

208 7 0
                                    


Rodriguez Empire has been very popular in the Business industry since then. Leonardo, ang lolo ko, isa siya sa mga bachelor noon, malayo ang narating nito sa Business industry. Sa pagkakaalam ko, magkalaban pamilya nila noon ni Lola. But the thing is, when you met each other in a bad way, it will flow in a good way. Nagmerge ang kanilang pamilya at naging magkatuwang, Esmeralda Morata bacame the CEO of Rod corporation and Leonardo Rodriguez as the President. They made a good tandem on business. Nakagawa sila ng maraming branch ng Casino and Hotels sa ibat ibat ibang bansa. Nang dumating naman si Mommy lalo niyang napalawak ang sakop ng pangalan. Sobrang mabango ang pangalan ng Rodriguez noon at ngayon, and I don't know why Mosca name came into the picture.

Maganda ang mood ni Lola buong araw, hindi ko kayang mabali nalang bigla. Tuwang-tuwa rin siya sa pagdating ni Aleli.

"Dito ka na ba titira Aleli?"

Halata namang natense si Al dahil sa tanong, awkward siyang tumingin sakin at saka umiling.

"I was...just here for Liza's upcoming birthday Lola. Actually, muli po akong mag-aaral ng Fashion and Arts sa France."

Tumango-tango naman ang matanda. Mukhang natutuwa dahil hindi maglaho ang ngiti nito.

"Mabuti pa ay gawan mo ng gown itong si Liza para sa party niya."

Wait. What?! Napatingin silang dalawa ng ibagsak ko ang kutsara.

"La, no need for party. Ayoko."

"No. Hindi ako makakapayag na hindi ka makakaranas ng party, pumayag ako noon na hindi paghandaan ang debut mo pero hindi mo na ako mapipigilan ngayon." Pinal na sabi nito at tiningnan si Al. "Ipagkakatiwala ko sayo ang mga susuotin ni Liza next month. Can I count you, Aleli?"

Kita ang pagkislap sa mata ni Al, mukhang naging excited pa. Damn.

"Of course, Lola! I'd love that." Sabay ngisi sakin.

Hindi ko sila pinansin at pinilit ubusin ang cake na binili ko kanina. I hate party, Lola knows it hindi ko lang alam kung bakit niya ipinipilit ngayon.

Tinitigan ko si Lola, nakakatuwang makita siyang ganyan kasaya. She's in her late 60's already, pero kahit ganon maganda parin siya.

"May klase pa ako, una na ako." Atsaka tumayo.

"Sabay ako, I have something to buy in the mall eh." Tumayo narin siya at saka nagbeso kay Lola.

Nang nasa garahe ay pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Why did you do that?"

Natigil siya at nagtatakang tumingin sakin. "I do what?"

"Bakit ka pumayag sa gusto ni Lola? You know me Al."

Sandali kaming nagsukatan ng tingin, nagbuntong hininga siya.

"You know rin naman kung bakit ako nandito, alam mo bang hanggang ngayon nakatago parin yung designs ko sana for your debut. Your birthday is a big deal for this family, and for all of us. You are the heiress, natural na paghandaan ka nila at ipakilala sa iba." She said as matter of fact. "Iregalo mo nalang kay Lola Em, she wants to see you in gown! I'm sure you'll be wonderful." And she winked, pakantang pumasok sa passenger seat ng Audi ko.

.......

Pumasok na ang apat. Lahat sila ay nasa akin ang atensyon ng dumating ako. Wala akong pinakitang emosyon ng maupo ako sa upuan ko. Kita ko sa mata nila ang isang assurance, as if saying Kiko's death is not my fault.

Sumandal ako sa upuan at pumikit. Rinig ko ang bulungan nila sa likuran, pati gestures nila ay ramdam ko. They want to approach me, mukhang natatakot lang talaga sakin.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon