Chapter 32

160 8 0
                                    


Gutom na talaga ako.

Napapagod narin akong maglakad sa mahabang hallway na ito na mukhang walang katapusan! Pahirap pa ang saklay nato! Bwisit.

Natigil lang ako ng makakita ako ng dalawang likuan. Nalukot lalo ang pagmumukha ko! Pwede ba? Ano bang lugar ito at wala manlang labasan!

I let out a frustrated sigh, muling umungol ang tiyan ko. Ay puta. Nagugutom na talaga ako! Shit, nasaan na ba ang dalawang babaeng yon? Kung saan saan ako dinadala!

"Hey..."

Muntik na akong mapalundag nang may biglang malamig na boses akong narinig sa likuran. Pumihit ako patalikod para makita siya ngunit nagulat ako nang isang matipunong dibdib ang bumungad sakin. Sinabi ko bang matipuno? At paano ko nasabing matipuno?

What the hell Liza?

"Where are you going?"

Nabalik ako sa wisyo at agad na inangat ang saklay ko para makaatras ng konti. I pursed my lips as I looked up to him, he's not familiar, nasaan ba kasi ako?

"What, magtititigan nalang ba tayo?"

Napangisi ako, suplado.

"Gutom na ako, dalhin mo ko kung saan may pagkain." Pinal kong wika with period.

Nakita ko ang pag-taas ng gilid ng labi nito at tumango-tango. "I see, tara."

Agad kong itinutok sa kanya ang saklay ko nang akmang aalalay siya.

"Nah, just lead the way." That was a command, wala akong tiwala sa kanya, mamaya tsansingan ako niyan eh.

The beast will be mad.

Wait. What? Tss.

"Alright."

Napangiwi ako ng tahakin niya ang pabalik sa nilakad kong daan kanina. Eh ang haba niyan eh! Geez. Nang makarating kami sa dulo ay may kung ano siyang ginawa sa puting pader at bigla nalang itong gumalaw, bumukas ang isang pinto ng elevator kaya napanganga ako. What the...

"This floor are the private suites of..." tumigil siya at sinilip ako ng bahagya, halata ang gulat sa mukha niya pero agad itong nagpilig at pumasok na sa elevator.

Suites of?

Pumasok narin ako sa loob at lalong napanga-nga dahil napapalibutan ito ng salamin, malawak ito pero pakiramdam ko ay mahuhulog ako sa kung saan oras na gumalaw ako, why? Because even the floor and ceiling are fucking mirror! Agad kong nakita ang sarili, at nainis lang ako. Tss, nakakawalang gana ang saklay ko.

"Tara."

Napalingon ako sa lalaki kasi bigla siyang nagsalita, nagkatitigan kami mula sa salamin at doon ko napansin may kahawig siya. Teka, sino nga ba? Hm.

"Dyan ka nalang ba?"

Suplado talaga. Napangisi nalang ako at lumabas narin. Sumunod lang ako sa kanya habang patuloy sa pagmasid sa kapaligiran, ngayon ko napagtantong umaga na, tirik na tirik ang araw sa labas, sumilip ako sa wrist watch alas onse na ng umaga, sumulip ako sa glass wall, mukhang nasa tuktok kami ng building na ito dahil kitang-kita ko ang liit ng mga bagay sa baba. Nakakalula.

Maraming ring puno at mabibilang ang building na katapat.

"You're at Rod Organization Headquarters."

"Huh?" Napabaling ako sa kanya dahil bigla nalang itong nagsalita.

"You're curious, I can see that, it's written all over your face."

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon