Special Chapter 1

74 3 0
                                    


D,J,A,M minus K Boys

Tulala habang nakatingin sa bakanteng silya si Ding, Jojo at Miguel. Iyon ang unang napansin ni Andres pagkapasok sa class room nila ngayong umaga. Napailing siya, gusto niyang matawa sa mga sawing itsura ng mga kaibigan pero baka makatikim siya ng bugbog kapag ginawa niya yon. No, not my face, that would hurt a lot for sure. Isip niya.

"Ehem." Pag-agaw niya ng atensyon sa tatlo. Muli siyang napailing nang hindi siya pansinin ng mga kaibigan, o talagang lutang ang isip ng mga ito kaya hindi siya napansin. Naupo nalang siya sa kanyang silya at binuksan ang laptop.

Alam ni Andres ang nararamdaman ng tatlo. Una namatay si Kiko ang isa pa nilang kaibigan, tapos ngayon wala pa ulit silang balita tungkol kay Liza. Napatingin siya sa direksyon ni Ding, siguradong sinisisi parin nito ang sarili. Hanggang ngayon kasi ay naniniwala siyang dahil sa pagkakasabi niya ng 'I hate you' kay Liza nagsimula ang pagkawala ng babae. Bakit kasi I hate you? That's too much for madness, tampo lang naman dapat yon. Bakit naging hate? Muling naisip ni Andres. Kahit naman siya ay nagtampo, pero mukhang alam niya ang dahilan ng dalaga kaya nito nasabi yon.

Muli niyang naalala ang panahong sinabi ni Liza ang sa tingin niya ay pinakamasakit na sentence na narinig niya. Dinurog at binaon. Para siyang binugbog ni Liza gamit lang ang salita. Mas masakit pa sa feeling na tres ka sa major subject. Andres may be grade conscious freak but he will choose friendship over grades, kaya naman gumawa siya ng paraan para malaman kung nasaan si Liza. Pero mali yatang inalam niya, minsan na siyang binalaan nito eh.

"Don't push that one, Dres. You got my word." Ang pagkakantanda niyang sinabi nito nang mapansin siyang nakatingin sa batok nito. Pero nah, Andres will be Andres, curious like a cat. Sumugod parin siya kahit alam niyang bagyo ito.

Kaya isang araw pumasok siyang lutang. Wala sa sarili katulad ng tatlo na hanggang ngayon ay tulala parin, bubuntong hininga at matatapos sa pagtulala. Mga baliw pero nakakaawa. Baka panahon na...

Panahon na para malaman nila ang tunay na pagkatao ng babaeng sabay-sabay silang binusted. Tama, ganon nga ang pakiramdam. Ani Andres sa kanyang isip.

Una niyang tinawag ang pangalan ni Ding kasunod si Jojo at huli ay si Miguel. Muntik pa niyang tawagin si Kiko pero agad siyang pumreno, kahit kailan hindi siya naniniwala sa paranormal shits pero noong isang araw na dumalaw siya sa puntod nito...nakita niya si Kiko, nakatayo at nakatingin pa sa kanya. Sa sobrang takot hindi na siya tumuloy. Dumeretso siyang simbahan at kinumpisal ang lahat ng kasalanang nagawa sa yumaong kaibigan.

Erase, erase. Nakakawala ng pagkalalaki. Muli ay naisip niya. Back to business.

Kahit walang gana ay lumapit ang dating pinakamakulit sa kanilang barkada. Si Jojo. Malaki ang itim na bumibilog sa ilalim ng mata nito. Mukhang hanggang ngayon dinidibdib ang mga sinabi ni Liza.

Kung nahabol ko lang sana siya doon sa parking lot. Isip ni Jojo at napanguso.

"Ano ba yon?" Jojo said with a tired voice. Naupo siya sa tabi ni Andres at kuryusong tumingin sa screen ng laptop ng kaibigan.

"It's about Liza." Wika ni Andres na agad nakapagpatayo sa dalawa.

Ding and Miguel almost jerked behind when they heard Liza's name. Halos masubsob sa kinauupuan si Andres nang lumusob ang dalawa.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon