Chapter 59

42 2 0
                                    


Hallucinations are made for those who are going to passed. Maybe, maybe I'm going to die. Magkakaron ka ng huling sandali sa mga taong mahal mo. Zeign is here, in front of me, calling my name. With a trembling hands I touch his face, it was wet probably from tears...wait, tears?

"Liza? Stay awake okay?"

I'm still awake? Totoo lahat ng ito? Nandito...siya?

"Zeign..."

"Yes, it's me. Careless woman, abusing her body too much." Napatawa ako sa kanyang akusa. "Hey, still with me?" Now full of concern, napangiti nalang ako sa huli, bahagyang tumango upang sagot.

"Yes. I'm...still with you. I think." Inalalayan niya akong tumayo, bugbog ang katawan ko, nang makitang ang nag-aalalang mata ni Zeign ay nginitian ko siya. "Nandito ka na, wag ka ng mag-alala."

Tumitig siya sandali bago tumango. Ngayon ko napagtanto ang totoong nangyayari. Napakurap ako, hindi sa hindi ko gusto ang kaganapan, yon ay dahil...

"Whoa! Buhay siya, buhay siya!"

Fourth?

Anong ginagawa nila rito? Hindi pa man nagpoproseso ang lahat sa akin ng makita ko ang wheelchair na kinauupuan ni Mommy kanina. Naglaho ang lito at agad napalitan ng kung anong takot, humiwalay ako kay Zeign at tinungo ang wheelchair. Wala na si Mommy.

Sinuyod ko ang paligid pero wala siya. Napuno ng mga pamilyar na gangster ang buong ball room, ang ibay tinatapos ang mga naiwang kalaban at halos lahat ay nakangiti ng tagumpay.

"Hindi pa sila nakakalabas ng mansyon. Pero nakaabang na sa labas ang tauhan ng iyong pamilya." Nilingon ko si Zeign, humawak siya sa balikat ko at pinaharap ako sa kanya. "You did enough, Liza. It's okay to stop now."

"But they got my Mom."

"Do you trust her?"

I...I'm not sure. Sa kalagayan niya ngayon. Hindi ko alam kung katulad pa ba siya noong dati. I just saw how her shell broke, vulnerable and lifeless. As if her soul was not there anymore.

"I...I need to help her, Zeign."

Nakahinga ako ng malalim dahil tumango siya. Like Gio and Gretta, Zeign is one of those people who want to protect me. Kaya masaya akong hindi niya ako pipigilan ngayon, maybe...he finally understands.

Habang naglalakad sa pasilyo nakarinig ako ng tunog ng cellphone. Sinagot niya yon at tahimik na nakipagusap.

"Yes, she's with me. I got it." Tumingin muna siya sakin bago ibaba ang aparato. Tumigil siya sa paglakad kaya napatigil rin ako. "I need to get you out of this place, you'll come with me right?"

"What do you mean?"

Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Bumitaw ako sa hawak niya dahil bigla siyang nanahimik.

"Tell me what's happening." There's something going on, sigurado ako don. "Tell me, Zeign."

"For now, just for now Liza, trust me. Please."

No, may hindi siya sinasabi. At ako mismo ang lulutas non.

"You know I don't trust you." A pang of guilt hit me when I saw pain crossed his eyes, but I stand my chance. I need to know what's happening. "Tell me what's going on."

"Stubborn as ever." Walang siyang pinaliwanag pero nagpatuloy kami sa paglakad. His face now void of emotion, lalo akong naguilty. "Sabihin ko man o hindi, tatakasan mo parin ako, hindi ba? You love escaping, might as well go with you, rather than lose a grip on you."

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon