Chapter 12

212 9 0
                                    

Dark Beast head quarters called Dark Haven. Isang mansyon na ipinatayo ng angkan ng Martin. Hindi ko alam ang history ng bahay nato dahil hindi naman ako mausisa. Ngunit nang magising ako kanina ay nandito ako. I have my own room here, halos dito na nga rin tumira lahat ng member. Noon hindi ako curious sa mga kwartong madadaanan ko. Pero ngayon hindi ko alam pero naging interesado ako sa isang pintong naiiba ang kulay, ito lang ang may kulay puting pintura.

Nang pihitin ko ang seradura ay nagbukas naman, bakit bukas? Ang pagkakaalam ko ay pribado ang lahat ng kwarto dito sa second floor. Sa first floor kasi nakabase ang mga weapons at sasakyan ng Gang. Sa may bakanteng lupa naman sa katabi ng mansyon ang pinagawang training ground, malawak ang sakop ng Martin, at lahat ng ito ay namana ni Zeign.

"What are you doing?"

Napaigtad ako at napalingon sa nagsalita. Mataman itong nakatingin sakin habang nakacrossed arm. Umalis ito sa pagkakahilig sa haligi at lumapit sakin. Napalunok ako. Ano?! Ano namang nangyayari sayo!

"This room is private. Wag mo nang subukang pumasok." At muling isinara ang pinto. "May pagkain sa baba, kumain ka na."

Tumango ako at sumunod na sa kanya. Ano kayang laman ng kwartong yun?

Pagkababa ay agad na bumati samin ang mga patay gutom na member. Halos napuno ang mahabang mesa dahil sa kanila. Napairap ako, ang bababoy talagang kumain.

"Huy, bakit mo kinuha ang pakpak!"

"Akin ang legs!"

"Yung gulay kasi ang kainin niyo!"

"Yung gatas ko, uy! Mang-aagaw!"

"Mga tangina, magsitigil kayo!" Napataas ang kilay ko kay Third. Halos lahat ng papasubo palang ay nabinbin dahil sa sigaw niya, may ilang nalaglagan rin ng kutsara, may ilang nasamid. "Ayan lintek, tatahimik rin pala kayo eh. Ge, kain na." At humalakhak.

Nakita kong napailing si Zeign, pero kitang-kita ko ang pag-taas ng gilid ng labi niya. Tumingin siya sakin at itinuro ang hapag.

"Magtutubig nalang ako." At inismiran siya. Napatawa siya ng mahina.

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Iinom na sana ako ng may nabubulunang lalaki ang lumapit sakin at inagaw ang basong iinuman ko sana.

"Nawuwuguan awo!" At ininom ng walang habas ang tubig ko.

Tubig ko yun. Akin yun.

"Ahh, salamat Sec!" At saka tumakbo na ulit paupo sa upuan niya.

Napabuga ako ng hangin at malamig na tinungo ang dulo ng hapag. Malakas kong hinampas ang lamesa. Katulad kanina lahat sila ay napatigil, sunod-sunod na tumingin sakin as if saying ano na naman.

"I'll give you ten seconds to eat that goddamn food, now!"

"Pati ako?!" Nanlalaking matang tanong ni Third hawak ang isang fried chicken. Lalong nag-init ang ulo ko.

"Five fucking seconds."

Napamura silang lahat.

"Two..."

Nang marinig yun ay sabay-sabay silang tumakbo papalabas.

"One." Sabay tingin sa natirang lalaki na pilit pinagkakasiya ang pagkain sa bibig. "Youre dead." At mabilis na hinagis ang breadknife sa direksyon niya.

Nakailag ito at mabilis na tumayo sa kinauupuan niya, hindi pa natinag at dinukot pa ang isang hotdog sa lamesa.

"Last na." At humahalakhak na tumakbo.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon