Chapter 47

150 6 0
                                    

I was silent all along, kung sinong humarang sa daanan ay siyang binabaril ko. Ni hindi ko alam kung tauhan ba ng Falcone o Mosca ang tinatamaan. Inaalalayan ko na si Zeign, he's critical, kung kanina ay may lakas pa siya para makalakad ng mag-isa ngunit ngayong nakalipas na ang oras ay lumalala na siya. Tumingala ako sa tagiliran para silipin siya, hindi na talaga ito maganda. Halos pumikit na ang mata niya pero pinipigilan niya yon, ni hindi ko rin maramdaman ang bigat niya dahil sa kontrol nito sa sariling mahirapan ako.

Hurry up Liza, hurry! I told myself.

Damn it, bat ba ang lawak ng lugar na ito? Ni hindi ko alam kung saan pupunta. Nakakafrustrate!

"W-we only have...four minutes Liza, this place will going to explode."

Natigilan ako sa sinabi niya. What?!

Napabuntong hininga ako at tumango nalang. I wanna know what's happening, kung bakit siya nandito, kasama ba siya ng Mosca? Pero makakapaghintay naman ang sagot, we have to escape first. Napansin ko ang paligid, I can say that were on a second floor based on the view here in the glass window.

"I know the exit," biglang sabi ni Zeign at sadyang tumigil kaya napatigil rin ako sa paglakad. Tinitigan niya ako ng seryoso sa mata. "This is your only way to survive the explosion," tumingin siya sa wristwatch, "Three minutes, fuck, alright baby listen, you see that exit?" Sabay turo nito sa may likuran ko kaya napatingin rin ako. Isa yung un-authorized exit base sa nakasulat. "Behind that door is a glass hole, diretso non ay sa parking lot—"

"No. Don't give me shits now asshole, you're coming with me. Let's go!" At walang pagdadalawang isip na hinila siya.

"But Liza—"

"I said no. Gusto mo pa bang dagdagan ang kasalanan mo sakin?" Ani ko ng hindi siya tinitingnan, this is dramatic but I cant help it, tumulo nalang bigla ang luha ko. "Cargo konsensya pa kita, ayoko pa mandin sa mga multo." what the hell Liza?

I heard him chuckled, nagpatuloy kami sa paglakad takbo, ramdam na ramdam ko rin ang malalim niyang paghinga. No, I'll never gonna let him die without doing a thing, I'll always have a way to escape.

"You're really stubborn..." bulong nito kaya napangisi nalang ako.

Nang marating namin ang sinasabi niyang glass hole ay isang minuto nalang ang natitira. Napamura ako.

"I can't believe this." I muttered as I see that hole.

"You'll go first." Anito, napakagat ako ng labi at nilingon siya. Seryoso lang itong tumango.

"Susunod ka." mariin kong utos at saka nagpadausdos.

Napapikit ako sa masangsang na amoy. Holy shit Zeign, wala na ba talagang ibang exit? Dito pa talaga...sa tapunan ng...patay? Holy freaking...ugh!

This hideout is gotta be kidding me. Napadaing ako ng bumagsak ako sa isang taong nakadilat ang mata, agad akong napabalikwas at tumayo. Halos masuka ako sa kapaligiran, mga taong walang buhay ang namamalagi rito, halos hindi ko narin maitsurahan ang iba. At halos lahat nakadilat ang mga mata na para bang pinahirapan pa bago sila bawian ng buhay.

This is torture, hindi agad ako nakagalaw. Yes, I killed a lot of people in my own hands and guns, I smashed some of them with bats. But...this, what is this? I can't...I just can't....

"Don't look at them..."

Hinila niya ako at itinago sa dibdib niya. Hindi ko namalayan ang oras. Rumehistro lang ulit ang lahat ng marating namin ang parking lot at sumakay kami sa isang kotse na halatang hindi na nagagamit.

"Let me handle this." Wika ko at agad na sinira ang key socket, nang makita ko ang dalawang wires nito ay pinagkiskis ko ito. No response. Shit.

Napamura ako ng makarinig ng malakas ng pagsabog, halos mawalan ako ng pandinig, sinilip ko si Zeign at kita kong nakangiwi rin ito.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon