Chapter 52

47 2 0
                                    


Liza's Point of view

What's...going on?

Pinalipat-lipat ko ang tingin sa lalaking bagong dating at kay Zeign na kanina pa akong tinatago sa likuran niya. Sa huli mas pinakatitigan ko ang bagong dating na may pagkalito. I remembered him. The mysterious man in the cemetery. His name is Vincent. What is he doing here?

Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa aming lahat habang hinihintay ang paglapit niya. Even Troi is quiet weird, but there's something within his expression. Worried? About...what? Here we go again, parang may pakiramdam akong may kakaiba na namang mangyayari.

The man stopped few meters away from us. Nasa likuran ang mga kamay nito at hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil natatabunan niya ang liwanag na dala ng kotse sa di kalayuan.

"Dude..." Tahimik na tawag ni Troi kaya kunot noo akong napalingon sa kanya.

"I know." Sagot ni Zeign na mas tensyonado ang katawan kaysa kanina.

Bumalik ang tingin ko sa lalaki. Noong una ko siyang makita, I know and I felt in some point this man holds power in his hands. Impression lasts, at sa tingin ko base sa tensyonadong paligid at sa dalawa kong kasama, mapanganib ang taong ito. But...I remembered what he said that day, he was one of my mother's friend, or...is he?

"Ah. Signorina Liza, you're the least I expected to be here...with my nephew's." Kalmadong wika nito at mas naaaninag ang mukha niya.

Walang mabasang ekspresyon doon ngunit deretso ang tingin niya sakin. Mas lalo akong isiniksik ni Zeign sa kanyang likod na kulang nalang ay ikulong niya ako sa likod ng tshirt niya. Seriously?

And wait, nephew's? Curiosity eats me. Pinilit kong kumawala kay Zeign na tinitigan ako ng matalim. Mas lalo akong na curious.

"Mr. Vincent, right?" I asked him casually. Halata namang nagulat ang dalawa ng sabihin ko yon pero pinagpatuloy ko parin ang pakikipagusap. "What's going on?"

Kita ko bahagya niyang pagngiti. Amused he laugh a little, mas lumapit para suriin ako. Doon ay hinigit akong muli ni Zeign sa braso palapit sa kanya. Kinunutan ko siya ng noo, umiling lang siya as if saying 'don't'. But why? Mukhang nabasa ang nagtatanong kong mata kaya napabuntong hininga nalang siya.

"Well. I was about to visit the villa, I owned. And..." Bumaling ito kay Zeign. "Had a little talk about stuffs with this young man."

At this hour?

"Troi, pumasok muna kayo sa loob ni Liza." Utos ni Zeign na agad namang sinunod ni Troi. Nagpahila lamang ako kay Third pero nanatili ang mata ko sa mga naiwan.

Ten minutes passed pero nasa labas parin sina Zeign. Nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan ay napatayo agad ako. Hindi pa man ako nakakaalis sa kinatatayuan ng maramdaman kong may mga nakatitig sakin. At doon ko lang napagtanto...nandito ako sa living room, kasama ang lahat ng myembro. Lahat sila ay sakin nakatingin na para bang ngayon lang ako nakita.

I looked down at them. "What?"

Tumaas ang kamay ni Fourth. "Uhm. Bumalik...uhm babalik ka na ba sa gang Second?" Alinlangang tanong nito. "You're here, so we're expecting a little, ang sabi ni Third, nag...quit ka na daw." Sabay iwas nito ng tingin.

Tumango ang iba naghihintay ng sagot. Tiningnan ko sila ng blanko, they're expecting too much, hindi ako sumagot kaya sumangat na si Third. He cleared his throat, nagmura at nag-unat unat.

"Mga unggoy, ang dadrama niyo ah? Matulog nalang kaya kayo?" Sinipa niya ang mga paa nila. "Sige na! Mukha na kayong unggoy na zombie, ang la-laki na ng mga eyebags niyo!"

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon