Chapter 13

201 8 0
                                    

Liana David, my mother never taught me to kill. Tinuruan niya lang akong maging malakas at matapang. But two years ago nang mawala siya nagbago ang lahat. Nakaya kong bumawi ng buhay ng iba...nakaya kong maging malakas sa pamamagitan ng pagpatay sa iba.

Naging gangster ako. Sumali at naging kriminal sa mata ng ibang tao. Nasanay sa amoy ng dugo. Parang normal lang na gumagalaw sa mundong ito.

My mother once said crying is a weakness. Sorry is for those weak. Iyon lang naman ang pangaral niya, wala ng iba. Hindi naman niya ako tinuruang bumawi ng buhay, gusto niya lang matuto akong tumayo sa sarili kong paa, protektahan ang sarili.

Napabuntong hininga ako at inilagay sa lagayan ang katana.

Gangsters had pride, ayaw nilang matatalo. Gustong palaging nasusunod ang gusto. Tinitigan ko ang ulo ng leader na humiwalay sa katawan niya, naging marahas lang kayo. Pati walang labang tao dinamay niyo. Nararapat yan sa inyo.

Nasa katinuan naman ako ngayon, hindi buo ang galit para umatake ang sakit ko. This is my gangster side, this is me as the Beast Angel, and this is me when it comes to our hell.

Lumabas ako ng lumang bahay ng hindi na muling nilingon ang mga nakahandusay. Tapos na ako. Buhay ang kinuha kaya buhay rin ang kapalit.

Sumakay ako sa kotse at tinitigan ang katanang punong-puno pa ng dugo. Ipinatong ko yun sa passenger seat at binuhay ang making ng kotse at saka umalis.

Dumeretso ako sa mansyon. Good thing wala sa loob si Lola kaya nakapasok ako sa loob na tanging maid lang ang nakakita. Halos lahat sila ay nagtataka kung bakit puro dugo ang kamay at dala ko. Hindi nila susubukang magsumbong. Wag nilang subukan.

Dinala ko ang katana sa loob ng shower, kasabay ng katawan ay nilinisan ko rin ito. Nang malinis ang talim ay nakita ko ang reflection ko sa talim. Doble ang talas nito sa pangkaraniwang katana, naalala ko nang ibigay to sakin ni Mommy. Nang magawa kong daplisan siya sa braso nang training namin, as an achievement gift ito ang binigay niya. I was hoping for a trip or anything pero hindi ko inaasahang isang matalas na katana ang regalong yun. Wala naman akong pag-gagamitan.

But now that I'm a gangster...gamit na gamit na.

I was curious actually, sinubukan kong magtanong kay Mommy dati kung bakit kailangan kong mag-aral ng Martial arts and Samurai but she kept on shutting me out. Nasa rule niya yata na siya ang mauunang magsalita bago ako.

Liana David is really hard to get. Lumaki akong malayo ang loob sa kanya. Si Lola lang naman ang nagpoporsigeng paglapitin kami. But no...she's so distant for I don't know reason.

Winaksi ko ang inisiip at nagsabon na ng katawan. Those Comodo's have a bad blood, eh. Ayoko sa amoy ng dugo nila. Tsk.

.......

Pagkabihis ng maayos ay bumalik ako sa school. Hindi ko pinansin ang titig ng iba, tatlong buwan narin silang ganyan kung makatitig, para bang ngayon lang sila nakakita ng kulay ube ang mata.

Diretso akong pumasok sa sumunod kong klase. Wala ang apat. Dahil sakin nabawasan sila ng kaibigan, dumating ako dito na buo na sila. Kahit wala akong paki sa kwento nila ay sinabi parin nila.

Denver Lane as Ding, is called the boy next door of their high school noon. Siya rin ang nakatatanda kaya siya ang naging leader ng apat. Jonathan Ynares as Jojo, ang pinakamakulit, maingay at joker sa grupo. Hindi siya nawawalan ng kwento o kahit kaliit-liitang bagay ay napapalaki niya. Kaiser Durant or Kiko, halos magkaparehas sila ni Jojo, more on pranks nga lang ang isang to. Andres Benidicto is the genius, mabubuhay siya sa technology. And Miguel Ong, the badboy.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon