Chapter 50

64 3 0
                                    

Liza's Point of view

The sky is crying, giving it's sympathy. How cruel. 'Yan lang ba ang maibibigay mo sa akin? Isang karamay. Ah. Nakaka...touch naman. Inangat ko ang ulo at pinagmasdan ang madilim na kalangitan.

You are cruel.

"Liza..."

Hindi ko ito nilingon. Patuloy lang ako sa pagdama ng ulan sa aking mukha. Ang bawat agos nito sa pisngi ko'y kasabay ang mainit na tubig galing sa sarili kong mata.

"Umuulan, halika na." Ani pa nito.

Binalingan ko siya at nakita ang maamo nitong mukha, nakangiti siya pero kita ko ang awa at kalungkutan sa mga mata, nagbigay ako ng sawing ngiti. Napakalungkot. Nakakalungkot.

"Oh Liza," anito bago iyakap ang kanyang mga braso sa katawan ko. "How can we help you..." she whispered and I think not a question so I didn't budge to answer.

I'm tired. So, I hugged her back just to have a power to stand up. Nanginginig ang buo kong katawan hindi dahil sa lamig na dala ng ulan kundi dahil sa lungkot na muli na naman akong naiwan.

I'm sad Lola.

For now I need this, for now I need someone to lean on. Because after this day, I'm not sure how to face another. If it'll do good...or not. I don't know.

"You'll be alright Liza, you'll be alright." Gretta tap my head.

I'll be alright. So, not everything will, cause it will never be.

After minutes of crying and soothing hug that Gretta gave me. We reached the car all wet and drive...home. Gio's on the wheel, segu-segundo ang pagsilip sa amin mula sa likod ng kotse, while Viana's on the passenger seat. Na kanina ko pa napapansing hindi mapakali sa upuan. Lilingon sa akin na para bang may gustong sabihin ngunit kapag napapatingin sa mata ko ay hindi na itutuloy. What's the matter with her and my eyes?

"Ugh! This is frustrating." She grumbled. Nang hindi makatiis ay muli siyang lumingon sa akin pero hindi direkta sa mata ko. "I'm...I'm s-sorry. About what I said a while ago. I shouldn't say that, you know."

Hindi ko siya sinagot, baka manginig lang ang boses ko kung sakali.

"I...we will always be here to protect you. Since then, we're at your side. Y-you have us, Liza. Do...remember that." Sabi nito bago iiwas ang mata, narinig ko pang humikbi ito bago itago ang sarili sa kanyang upuan.

Tuluyang nanahimik ang buong byahe. Humawak ako ng mahigpit sa coat na nakabalot sa balikat ko at tumingin sa labas. Napakalakas ng ulan, ni hindi na makita ang daanan.

Nagising ako ng may marahang yumugyog sa balikat ko. Nakaidlip pala ako.

"We're here." Gretta said with a small smile, medyo magulo ang natutuyo na nitong buhok.

Sumunod ako sa kanya pagbaba ng kotse. Buong akala ko'y sa mansyon ng Rodriguez ako ihahatid ngunit sa pagkakatanda ko'y ang mansyon ito ng Mosca. Tiningnan ko si Gretta, kasunod si Gio na itim na tshirt nalang ang suot. Tinanggal ko ang coat na nakabalot sakin at inilahad sa kanya.

"You need it." sabi nito pero kinuha parin at siyang naglagay muli sa balikat ko. "You're staying here for a while. Let's go?"

Tumango ako at bumaling kay Gretta. Nakatitig lang siya sakin na para bang may gustong basahin sa mga mata ko pero mukhang kanina pa ito blanko. Naibuhos ko na lahat ng emosyon, wala na akong maibibigay pa. No, meron pa palang isa. Nananaig at humihingi ng hustisya. Soon, Lola. I'll give you justice. Soon.

Naglakad kami sa pulang carpet na bahagyang nabasa dahil patuloy parin ang pag-agos ng tubig sa aking katawan. Pagkabukas ng malaking pintuan papuntang living room ay agad na nagsitayuan ang mga tao roon.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon