Chapter 40

144 6 0
                                    

My mind felt blank while staring at him. Marami tumatakbo sa isip ko dahil sa realisasyong ito ngunit hindi ko agad maproseso, masyadong...revealing, nakakaloko. Paano kung katulad lang ito ng iba? Paano kung planado ang pagkakakilala namin? Hah. That was the most ridiculous thing I will ever had. Naloko ako. Worst, may kung anong kumikirot sa puso ko. Kainis.

Huminga siya ng malalim ngunit seryoso siyang nakatingin sakin. Halatang hinuhuli ang tunay kong reaksyon. Ngayon ko napagtantong isang estranghero ang nasa harapan ko. I knew Ram as the jolly person, palaging nakangiti, mapagbiro at parang walang problema sa buhay. But this man in front of me, look serious and commanding though there's a part of him that never leave Ram, the comfort. Wala akong nararamdamang panganib sa presensya niya. O baka talagang magaling siyang aktor, sarap palakpakan.

"Natatakot akong isipin na pinapatay mo na ako diyan sa isip mo." Biglang sabi nito wala manlang emosyon. Parang lumabas lang ng kusa sa bibig niya habang nakatitig sakin. Umiling siya. "Hindi ko akalaing mabubuking ako ngayon, pero wala na akong magagawa dahil ikaw na mismo ang nakakita. Ayokong lokohin ka—"

Kusang kumawala ang tawa sa bibig ko. Damn, ayokong lokohin my ass. Nailing ako at hindi makapaniwala. This is really ridiculous. It felt weird talking casual to a leader of one of the enemy.

"Don't worry, you just did." Matiim na sabi ko at tumalikod na ngunit bago pa makahakbang ay muli niya akong hinila at mahigpit na niyakap.

"What the hell are you doing?" Wika ko habang kumakawala, para akong nakakulong sa isang masikip na kulungan dahil sa higpit ng yakap niya, mukhang wala akong balak na pakawalan.

"This is my fault. Don't be mad at me, please?"

Nakagat ko ang labi dahil sa tono niya. Pilit parin akong kumawala ngunit lahat ata ng parte ng katawan ko ay hawak niya. Shit paano nangyayari ito? Ganito siya kalakas?

"Ram, bitaw." Banta ko. Hindi na ako natutuwa, bukod sa naiilang ako dahil yakap niya ako ay marami nang tao ang tumitingin samin! Shit, bakit ba ang hilig sa atensyon ng mga taong ito.

"Hindi, hindi hanggat hindi mo sinasabing hindi ka galit." Anito may halong tuwa sa boses, nagtagis ang bagang ko. "I wanna hear it, Liza. Tell me you're not mad...kahit sa salita lang." Mahinang sabi nito. Halos ibulong nalang.

Aawang palang ang bibig ko ng may mahagip ang mata ko. Pamilyar ang kotse. Tinted man alam kong nandoon siya. Patay.

"Hindi ako galit." Halos habol hininga kong sagot kay Ram. Shit, bigla akong kinabahan.

Muli kong tinitigan ang kotse sa may kanto ngunit nakatigil lang ito, walang lumabas na tao. Baka naman kapareho lang? Dahil kung si Zeign man ang nasa loob siguradong kanina pa bumaba yon at pinatumba si Ram. Pero bakit parang nangangamba ako? My gut saying its him. Nandoon siya. Nanonood.

Napasinghap ako sa naisip at agad na kumawala ng maramdamang naglose na ang yakap ni Ram. Para akong napaso, ang sarap niyang sapakin ngayon pero parang naubos ang lakas ko sa kanina pang tumatakbo sa isip ko. Damn, maybe I have to check on it, right?

"Totoo ba ang sinabi mo?" Ram said smiling, kasabay ang paglubog ng dimple nito sa kaliwang pisngi, nagpilig ito ng ulo para titgan ako.

"Wag ka nang magtanong pa dahil kamao ko na ang sasagot para patunayan yon." At tuluyang siyang nilampasan, naglakad ako papalapit sa kotse na nasa kabilang kanto ngunit hindi pa man ako nakakatawid ay humarurot na ito papaalis. Nakagat ko ang labi ko. I knew it. Si Zeign nga, at base sa reaksyon...masama ito.

Sinundan ko lang ng tingin ang kotse hanggang sa mawala sa paningin ko. Napailing ako at nagpasyang umuwi nalang.

Nagulat ako ng maramdamang nasa may likuran ko pala si Ram. Nakatitig rin siya sa daan na tinahak ng kotse ni Zeign.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon